Chapter 15

390 9 0
                                    

"Lala, kung sakaling may pumuntang bisita o kahit si Adalee sabihin mo pong wala ako."

"Bakit anak? May problema ba?" Umiling ako sa tanong nito.

"Nothing La. Ayoko lang ng may mang-iistorbo sa'kin ngayon. Gusto kong mapag-isa." 

"O siya sige. Basta't kung kakain na ay hahatiran kita ng pagkain, ha?"

Nginitian ko naman si Lala. "Salamat La. Akyat na po ako." At umakyat na ako at nagkulong sa kwarto. Sabado ngayon kaya wala akong klase kaya makakapag-pahinga ako ng matagal-tagal.

Tungkol naman sa nangyari kahapon, after ng klase ko ay nagmadali akong umuwi para hindi ako maabutan ni Gavin. Hindi ko rin hinahawakan ang phone ko kasi baka magtext ito pero hindi naman ako umaasang magte-text o kukulitin ako nito dahil sino naman ako sa buhay niya para pag-aksayahan nito ng panahon. Mas mabuti na rin iyon para wala akong maging problema. Okay lang naman sa'kin na wala akong boyfriend, makakapag-hintay naman ako para diyan.

*tok tok*

Napabangon ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako dito at tinapat ang tenga ko.

"Lala, diba sabi kong wag akong iistorbohin" malumanay kong sabi rito pero hindi ito sumagot.

"La? Mamaya na ako kakain, maaga pa." akmang babalik na ako sa pagkakahiga ng magsalita ang taong kumakatok.

"Honey..."

Kusa ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko at walang alinlangang hinarap ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Anong kailangan mo? Bakit ka andito? Sinong nagbigay sayo ng permisong makapasok s--" hindi ko na naituloy ang sasabihan ko ng bigla ako nitong yakapin. Bigla akong naistatwa sa ginawa nito. Sobrang higpit ng pagkakayakap nito.

"W-hat are you doing?" Nauutal kong tanong. Ilang saglit pa ng pakawalan ako nito sa yakap at seryoso akong tinitigan.

"Sorry. Sobrang sorry Stella." Hinawakan nito ang dalawa kong kamay. "Sorry kasi ganito ako. Sorry kung wala pa nga tayo sa gitna may nagawa na ako sayong hindi maganda. Sobrang sorry. Pwede bang bumawi ako?" Puno ng sensiridad ang boses nito. Nawalan naman ako ng sasabihin, parang biglang natuyo ang lalamunan ko.

"Hey? Kausapin mo naman ako 'oh."

"Wala naman tayong problema." Sa wakas ay nakapag-salita na rin ako.

"Wala? Bakit hindi mo ako inantay kahapon? Nag-antay kaya ako doon ng pitong oras. Tapos hindi ka pa nagtetext. Tinatadtad na kita, tinatawagan na rin, maya-maya out of coverage na. Tinatawagan ko rin si Adalee ayaw rin niya sagutin. Kaya tignan mo, pumunta na ako dito para makausap ka ng personal." Ngulat naman ako sa mga sinabi nito. Hindi ko ma-imagine na maghihintay ito sa'kin ng pitong oras at tatadtarin ako ng calls and text dahil inaasahan ko na, na hindi na ito magpapakita o magpaparamdam dahil sa mga sinabi ko.

"Hindi mo naman kailangang pumunta rito. Tara doon na tayo sa baba mag-usap." Nauna na akong maglakad. Ramdam ko naman na sumunod ito sa'kin.

"Gusto ko 'e." sagot nito habang pababa kami ng hagdan.

"Ibang klase ka rin. Akala ko susuko ka na." Umupo ako sa couch ng makababa ng hagdan. Tumabi naman ito. Hindi ko inaasahang pupunta ito dito.

Magkaharap na kami ngayon. "Bakit kita susukuan? Gusto mo ba?" Seryoso itong nakatitig sa'kin.

"Bahala ka. Desisyon mo yan kung gusto mong sumuko. Hindi rin naman kita pinipilit na ligawan ako." Peke akong tumawa.

"Wag kang mag-alala. Wala akong planong sumuko o umatras. Sigurado ako sayo."

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon