Chapter 24

402 8 0
                                    

"I gave everything..." she sobs. "..but i still received pain." she continued while sobbing.

I caressed her back and let her cry because I know how much it hurts.

"Adalee am i ugly? Tell me the truth." mas lalong kumirot ang puso ko ng makipagtitigan siya sa'kin habang binabanggit ang mga salitang ito. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano ito nasasaktan ngayon. Napabuntong-hininga naman ako at marahan siyang tinapik sa balikat.

"Cheer up Brina. You're beautiful, inside and out. Always remember that. And please don't dare to question yourself why he cheated on you." Seryoso kong aniya dito.

"Pero hindi ko maiwasan Adalee. Alam mo yun? Why? I'm still asking myself. Bakit niya ako niloko. Anong ginawa kong mali, diba?"

I stand and went to the kitchen to get her a glass of water. I can't stand seeing her crying. I've been there and I know the feeling.

"Maybe he still really love his ex." diretso kong sagot dito ng makabalik ako sa sala, umupo ako sa tabi nito at inabot ko naman sa'kanya yung baso.

"I don't know." sagot nito matapos inumin ang tubig sa baso.

I really wanted to punch that idiot's face. My bestfriend's ex. How dare him to make her cry. How stupid he is for choosing his ex over my bestfriend. Damn him! But some part of me, guilty. Kasi kung hindi dahil sa'kin, hindi makikilala ni Stella ang manlolokong lalaki na 'yon.

"Just forget about him. That's the best revenge. And he's not that worthy thought." I smiled at her to lighten up her mood.

"Thank you." she muttered. I hugged her tight. She deserves to be happy. I knew how much efforts she gave to that man. How much she loves that man. And I know how much it hurts to be cheated on. If I were on her shoes I'll also be like this. Especially if that man is my first in eveything.

"I have to go now. I still have works to do." tipid itong ngumiti sa'kin.

"Are you sure?"

"Yeah. I'll be fine." she gave me an assurance.

"Okay sige. Pero kung bigla ka na naman atakihin ng kalungkutan mo, bukas bahay ko sayo, okay?" She merely smiled and nod. "Seryoso ako." at bumusangot ako.

"Oo na, thank you." She smiled. I nodded and smiled back.

Stella's POV

Lumabas ako ng bahay nila Adalee na mabigat ang loob. Hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang nangyari. Parang ang malas malas kong tao at napunta pa ako sa maling tao. SOBRANG MALING TAO.

Napangiti ako nang mapatingala ako sa langit. Parang buhat buhat ko ang mundo sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"Do I really deserve this?" Mapakla akong natawa.

Umuwi ako ng bahay na parang walang kabuhay-buhay. Para akong nawalan ng gana mabuhay. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

Tinignan ko ang mga pictures namin ni Gavin. Parang kahapon lang amg saya saya pa namin. Tapos in just a snap, wala na.

"Everything was just a lie. Akalain mo yon? Pinagmukha mo akong tanga. Nadali mo ako doon, Gavin." Puno ng hinanakit na sabi ko habang nakatitig sa larawan naming dalawa noong pumunt kami ng Baguio. Ang hirap tanggapin na wala na kami. Na tuluyan na siyang wala sakin. Akala ko okay na kami. Akala ko totoong mahal niya ko. Yun pala may hinihintay lang siyang bumalik. Panandaliang saya lang pala ang hinahanap niya kaya niya ako pinatulan.

Pinunasan ko ang pisngi ko dahil bigla na namang tumulo ang peste kong luha. Binura ko lahat lahat ang mga pictures namin ni Gavin at pati sa facebook kahit nanghihinayang at masakit sa parte ko pero kailangan kong gawin. Balak ko sana siyang iblock pero naunahan na niya pala ako. Natawa na lang ako. Siguro nga wala ng pag-asang magkabalikan kami kasi tinapos niya na. Tapos na kami.



Putanginang pagmamahal 'to. Ang sakit sa puso.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon