Chapter 12

355 7 0
                                    

Niligpit ko na ang mga gamit ko dahil gusto ko munang umuwi ng bahay dahil mamaya pa namang 3PM ang klase ko uli.

"Stella sasama ka ba? Pupunta ako sa school nila Sed." Napaharap naman ako dito.

"Bakit hindi siya ang pumunta rito?"

"May klase pa kasi sila. Hayaan mo na wala na rin naman tayong klase." Sagot nito kaya napa-irap ako.

"Ikaw na lang."

"Sumama ka na."

"Ano chaperone niyo ko?"

"Duh! Syempre kasama mga kaibigan niya 'no. Atsaka for sure sasama boyf--"

"Hayaan mo siya." Plain kong sabi.

"Hoy ikaw Tel. Umayos ka nga. Magpaka-girlfriend ka nga! Minsan ka n---ay mali ngayon ka na nga lang nagka---" I cut her words.

"You do not have to remind me everytime, k?" Tumawa ito ng mahina.

"Oo na. Basta sumama ka na okay?"

"Tatanong-tanong ka kanina, ikaw din naman pala masusunod." Ingos ko dito na siyang ikinatawa niya.

"Hindi mo talaga ko matiis 'no?" Pailing-iling niyang sabi.

"Hindi pala ha? Sige hindi na ako sasama." Bigla naman itong bumusangot. "Charot lang. Panget mo, ayusin mo mukha mo." Banat ko dito at tumawa.

"Ang sama ng ugali mo sakin! Tara na nga!" At nauna na itong lumabas ng room. Natawa na lang ako dito at sumunod sa'kanya.

"Hello. Yep... Dito kami sa tapat.. Okay, see you." Rinig kong pinagsasabi ni Adalee habang may kausap sa cellphone.

"Sino yon?"

"Si Sed. Palabas na raw sila."

"Ang effort mo rin talaga ano?"

Nakakunot-noo naman itong napatitig sa'kin. "Ha?"

"Moved-on ka na ba ha?" Bigla kong tanong dito na akala ko'y iiwasan niya uli.

"Oo naman 'no. Mga katulad niyang lalaki ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras." Seryosong ngumiti ito sa akin. Mukha namang moved on na talaga ito at masaya ako na kahit papano ay nakalimutan niya na ang unang lalaking nanakit sa'kanya.

"So does that mean, you're ready to enter a new relationship?"

Umiwas naman ito ng tingin. "Maybe yes kung liligawan ako ni Sed." Pagbibiro nito at tumawa ng mahina. "Chararat! Ang harot ko naman kung ganon!" at inirapan ako nito.

"Wala namang problema doon. Matagal na rin naman kayong wala." seryoso kong sabi rito.

"Ay ewan. Bahal---"

"Adalee!! Stella!" Sabay kaming napalingon sa direksyon nila Sed ng tawagan kami nito. Papalapit na ang mga ito sa'min.

"Where's Gavin?" Tanong ko sa mga ito ng makalapit.

"Ang sabi pupunta sa school niyo." Sagot ni Sed. Napatakip naman ako ng bibig ng maalala na susunduin pala ako nito.

"Teka, kayo na ba talaga ni Gavin?" Seryosong tanong ni Asher. Tango lamang ang isinagot ko rito.

"Congrats." Ani ni Sed.

"Swerte ni Gavin sayo ha." ngiting-ngiti na tukso ni Isaac.

"Jackpot kamo. Buti na rin pala naghiwalay sila ng ex niya." Singit ni Kevin.

"Hey past is past. Wag niyo na i-bring up yan." pagpipigil ni Adalee. Pilit na lang akong ngumiti.

"Teka lang." Paalam ko sa mga ito at lumayo ng konti. Nang makalayo ako ay di-nial ko ang number ni Gavin. Wala pang dalawang ring ng sagutin niya ito.

"Nasa tapat ako ng school niyo. Nakalimutan kong susunduin mo nga pala ako." Mabilis kong sabi rito.

"Kaya pala. Akala ko tinakasan mo na ako." Rinig ko ang mahinang tawa nito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Atsaka si Adalee kasi inaya ako. Makikipagkita raw kasi sa mga kaibigan mo."

"Sige honey. Antayin niyo na lang ako."

"Okay bye." at ako na mismo ang pumatay ng tawag.

"Antayin daw natin si Gavin." Sabi ko sa mga ito ng makabalik ako. Tumango naman ang mga ito sa'kin.

Wala pang sampong minuto ay may pumaradang sasakyan sa harapan namin.

"O andiyan na si Gavin." Ani ni Sed sa kalalabas lang ng kotse na si Gavin. Nang mahagip ako ng mata nito ay mabilis itong lumapit sa'kin.

"Hi gorgeous." Nakangiting bati nito sa'kin. Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Sungit mo honey. Tara kain na lang tayo." At gumuso ito.

"Kain muna tayo." Sabi nito sa mga kaibigan niya habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Yung kotse na lang uli namin ni Gavin ang gamitin." Suhestiyon ni Sed.

"Nice. Tara na gutom na rin ako." Yaya ni Isaac. Nagsi-pasok naman na kami sa mga kotse. Sa kotse ni Gavin ay magkakasama kaming apat. Si Kevin, Asher, ako. Sa kotse naman ni Sed ay si Sha at Isaac.

"Tawagan mo si Sed si Kev. Sa Clash of Burgers tayo." Ani ni Gavin kay Kevin.

"Gege." sagot naman dito ni Kevin.

"Are you hungry?" Tanong ni Gavin ng ma-start niya yung makina.

"Hindi pa naman." Sagot ko rito na nakapokus ang tingin sa kalsada. Saglit naman itong tumingin sakin at ngumiti. Ilang minuto pa ay hindi na rin ito umimik. Tahimik rin naman ang dalawa sa backseat. Ang awkward tuloy ng atmosphere sa loob ng kotse.

"Hello baby? Ah opo. Papunta kami sa Clash of Burgers. I will... I love you.."

"Si Marithel yon boi?" Rinig kong tanong ni Asher kay Kevin.

"Oo, bakit may iba pa ba akong girlfriend?" At tumawa ng nakakaloko si Kevin.

"Malay namin diba?"

"Sows. Wag mo akong itulad sayong babaero ka."

"Ouch naman Kev! Kasalanan ko bang habulin ako ng babae?"

"Feelingero amputa." Napalingon naman ako kay Gavin ng marinig ko ang mahinang pagtawa nito.

Hindi naman naman napigilang magsalita. "Hindi isang laruan ang babae." Bigla naman silang natahimik. Bakit may nasabi ba akong masama?

"Hindi basta-basta na damit na kapag ayaw mo na ay iiwan mo na. Na kapag luma na, aayawan mo na."

"Hey Tel. Grabe naman ang hugot mo." Tatawa-tawang ani ni Asher.

"I'm just stating the fact." Seryoso kong sabi. Pinaka-ayoko talaga sa lahat ay ang lalaking babaero.

"Wag mo na lang silang intindihin honey."

"Bakit ganon ka rin ba?"

Kunot-noo itong napaharap sakin. "Of course not! I'm faithful." Hindi naman na umimik ang dalawa sa likuran kaya kami na lang na dalawa ni Gavin ang nagdidiskusyon.

"Okay if you say so." wala sa sarili kong sabi. Parang nawalan ako ng gana makipag-usap. Parang kasi pakiramdam ko ay lahat ng sasabihin niya ay puro kasinungalingan. Kaya buong biyahe ay nanatili na lang akong tahimik at hindi na kumibo.

A/N : How's this chapter mga loves? Hope you guys like it! Just keep on supporting 'Why do boys cheat?' SPREAD LOVE. GOD BLESS.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon