"Stella!" Giniginaw na iniangat ko ang ulo ko sa taong sumigaw sa pangalan ko. That voice. Kilalang-kilala ko kung kanino ito.
"Stellaa! What the hell are you thinking?!" Mabilis na pinayungan ako nito at niyakap. Hindi naman ako umimik.
"Hon? Ano bang ginagawa mo?" Mahinahon na nitong tanong.
"Leave me alone. I don't need you." Wala sa sarili kong sambit. Halos hindi ko na maramdaman ang buhos ng ulan. Mas nangingibabaw yung nararamdaman kong sakit.
"Honey..." malambing niyang sabi. "Pasensya ka na.."
Mas lalo akong napaiyak ng mahina. Damn! Ang sakit sa pakiramdam.
"Hindi ko kailangan ang sorry mo. Iwanan mo na ako ng tuluyan." Matapang kong sabi rito. Para kaming nasa teleserye. Nasa may tapat ng gate ng campus, nakayakap siya sakin habang umuulan. Pero parang wala kaming pakialam sa lahat ng taong nakakakita sa'min.
"Stella...." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ngayon, alam ko sa sarili na hindi ko kayang mawala si Gavin.
"I'm really sorry honey... Hindi na mauulit yon.."
Hindi ako sumagot bagkus ay humiwalay na ako sa pagkakayakap dito.
"Tara na. Ihahatid na kita sainyo at baka magkasakit ka." Hinawakan naman nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa parking lot.
"Bakit mo ginawa yon, hon?" Agad na tanong ni Gavin ng makababa ako ng hagdan. Kakatapos ko lang maligo. Nandito kami sa sala.
"Ang alin?" Umupo ako sa tabi nito.
"Nagpa-ulan ka. Nako, malalagot ako nito kela tita at tito."
Hindi ako sumagot at tumabi na lamang sakanya. Hindi pa rin ako okay sa ginawa niya pero mas minabuti ko na lamang na wag ng pag-awayan tutal wala namang kahahantungan iyon.
"I love you. Sorry sa lahat. Hindi na mauulit. At kaya lang hindi ako nakapagtect o calls kasi hinayaan muna kita, ayokong mas lalo kang magalit."
Ilang minuto pa ng humiwalay ako sa yakap.
"Okay na. Wag na lang natin pag-usapan." Tumango naman ito ng marahan. "Dito ka ba matutulog?"
Tumango ito. "Babawi ako sayo." Nakangiting aniya. Binawian ko naman ito ng ngiti.
Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita ako.
"Kailan tayo pupunta sainyo?" Tanong ko na naman rito. Gusto ko na kasing makilala ang mga magulang niya. Tamang oras na rin naman ata para maging legal kami sa side niya.
"Honey..." Mahinahon niyang aniya. Hindi naman ako sumagot. "Hindi pa pwede.."
Ngumiti ako ng peke. "Ah? Okay." Mabilis akong tumayo para pumunta sa kusina para kumuha ng ice cream. Pakiramdam ko ay maiinis lang ako sa oras na marinig ko pa siyang magsalita. Hindi ko maintindihan! Bakit hindi pwede? Bakit ayaw ba ng pamilya niya na magka-girlfriend siya? Eh bakit yung ex niya, legal sila? Bakit ako, hindi pwede?! Parang uminit naman ang ulo ko dahil sa nasa isip ko.
Pinilig ko ang ulo ko at sinubukang kumalma. Kakatapos lang ng away namin. Ayokong mag-away na naman kami.
Bumalik ako sa sala ng may dala-dalang isang basong may laman na ice cream.
Inalok ko ito. "Gusto mo?" Akmang kukunin na nito sa kamay ko ang baso ng inilayo ko.
"Kumuha ka don ng sarili mo."