Chapter 23

354 10 0
                                    

(Play this song while reading this.)

Buong araw akong binahala sa sinabi ni Adalee. Sabado ngayon at nasa bahay lang ako. Buomg araw naman akong hindi tinetext ni Gavin kaya lalong nadadagdagan ang bahala ko. Tinetext ko ito at tinatawagan pero hindi sumasagot.

Bigla namang nag ring ang phone ko na nasa table na katabi ng kama ko. Nagmamadali akong sagutin ito dahil akala ko ay si Gavin ito pero nadismaya lang ako ng si Adalee pala ang tumatawag.

"Hello?" Agad kong sabi ng masagot ko ang tawag. Ilang minuto naman itong hindi sumagot kaya tinignan ko kung patay na ba ang tawag, hindi naman.

"Adalee? What's wrong?"

"Stella..." Bigla akong kinabahan sa tono ng boses nito. "Pumunta ka rito sa Glorietta Mall. Pakibilisan." Aniya na garalgal ang boses. Nag-alala naman ako kaya agad agad akong nag-asikaso para puntahan ito.

"Adalee!!" Pagtawag ko kay Adalee nang makita kong problemado itong nakaupo sa isa sa mga bench ng mall.

"Stella!" Nagmamadali itong tumakbo sa'kin at niyakap ako. Napapakagat ito ng labi.

"Hey? Ano bang nangyayari?"

Humiwalay naman ito sa yakap at hinila ako sa bench para makaupo. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagtataka ako sa mga kilos nito kaya bigla lalo akong nakaramdam ng kaba.

"Tinatawagan mo ba si Gavin?" Lalo akong nagtaka sa tanong nito.

"Oo pero hindi niya sinasagot."

"Stella.." Halata ang awa sa mata nito. "Promise me.." Lalong dumagdag ang kabang nararamdaman ko.

"Kinakabahan ako. Sabihin mo na. Ano ba kasi yon?"

"Wag kang mag be-breakdown sa makikita mo."

At doon lalong naging malinaw ang lahat. Tungkol ito kay Gavin.

Peke akong ngumiti dito. "Oo naman." Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.

"Let's go." Inaya niya akong tumayo kaya hinayaan ko naman siyang maglakad sa kung saan. Kusang sumusunod na lamang ang paa ko. At sa hindi malamang dahilan, padagdag nang padagdag ang kabang nararamdaman ko.

"We're here." Napatingala ako sa restaurant. Kanina kasi ay nakayuko ako.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Sinundan ng mata ko ang daliri nito kung saan nakaturo. At halos gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa nakita ko.

Si Gavin at ang ex niya. Magkasama sila at ang mga kaibigan ni Gavin. Ang saya-saya pa nila. Habang si Gavin naman ay naka-akbay sa ex nito, ay hindi pala dahil girlfriend niya na uli dahil mukha namang nagkabalikan na sila.

Akmang maglalakad ako papunta sa direksyon nila nang pigilan ako ni Adalee. "I can handle, Adalee." Pakiusap ko kaya wala siyang nagawa kundi ang bitawan ang kamay ko.

Lumapit ako sa inuupuan nila at mukhang hindi pa ako napapansin ng mga ito dahil abala sa pagtatawanan.

"Akala ko talaga hindi na kayo magkakabalikan ni Gavin, Naomi." Tatawa-tawang ani ni Asher.

"Oo nga ako din." Bigla naman silang natahimik sa pagtatawanan at lahat sila ay gulat na napatingin sa'kin.

Linakasan ko ang loob ko at pinilitin ang sariling ipakitanh malakas at pigilan ang sariling umiyak dahil magmumukha akong mahina. "Kumusta naman ang get together niyo?" Natatawa kong tanong pero puno ng pagkasarkastiko ang tono.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon