Chapter 19

384 10 0
                                    

Ganito pala ang pakiramdam na pinagtaksilan ka. Gustuhin ko mang magmura ay hindi ko ginawa. Pinili ko na lamang na umiyak ng tahimik habang yakap-yakap pa rin ni Gavin.

"H-oney... Im really sorry..." Paulit-ulit niya pa ring paghingi ng tawad.

"Ikaw na ang mahal ko Stella..." He caressed my hair.

"S-top please.. Umalis ka na." Pagtataboy ko rito.

"Honey...."

"Gavin please..," pinipigalan ko ang sarili ko na makapagsalita ng hindi maganda. "Wag muna ngayon."

"H-indi ko na siya mahal beb.. Kinamusta ko lang naman siya.." Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Please... Maniwala ka naman sa'kin."

Ngumiti ako ng mapait. "Kinumusta? Pero hindi mawala sa isip mo? Bullshit! Wala akong panahon makipag-gaguhan sayo Gavin!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ginago niya na nga ako, gagaguhin niya uli.

"If you want her, go get her. I told you before if you want to cheat, let me know para naman hindi suprising!"

"Beb, hindi kita niloko. Kinumu--"

"Ayoko ng makarinig ng kasinungalinggan sayo."

"Okay sige. Kung ayaw mong maniwala, okay fine." Suko niya at tumayo.

Natawa ako ng mapakla. "So ikaw pa ang may ganang magalit ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

"Nag sorry na ako. Nag-explain na ako. Pero ano? Ayaw mo pa ring tang---"

"Leave." I fake a laughed.

Bumuntong-hininga ito bago tuluyang umalis.

"Ahhhhhhhhh!!!!!!" Tuluyan na akong sumigaw ng makaalis ito. Kanina ko pa gustong isigaw ang sakit na nararamdaman ko. Letse?! Siya pa ang may ganang magalit? Samantalang siya ang may kasalanan?!

I get my phone and call Adalee's number.

"Ay buti naman naisipan mong t---"

"Punta ka rito sa bahay." Pagkatapos kong sabihin yon ay pinatay ko na ang tawag.

Pinunasan ko ang pisngi kong may luha at mabilis na pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Halatang kakagaling ko lang sa iyak.

"Am i not enough? Mahal niya pa rin ba ang ex niya o sadyang mas maganda ang ex niya sakin?" Tanong ko na nagbabaka-sakaling may sasagot sa tanong ko. Sa unang pagkakaaon, nakaramdam ako ng insecurities sa sarili ko. Bakit? Kung sapat na ako para malagpasan ang ex niya, bakit kailangan niya pang kausapin? At sasabihin niya pa ay hindi mawala sa isip niya ang ex niya? Sabagay ano nga ba ang laban ko. Taon din ang relasyon nila samantalang kami ay wala pa sa kalahati.

Mabilis kong inayos ang sarili ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at siniguradong hindi mahahalata na galing ako sa iyak.

"Stellaaaa!" Tumakbo ako papalapit sa pintuan at binuksan ito.

"Bakit naka-lock ang pintuan mo? May problema ka ba?Atsaka kaninang andito ako pinaalis mo ako! Oh asan na ang magaling mong boyfriend?!" Agad na salubong ni Adalee sa'kin at pumasok sa kwarto. Tinalikuran ko ito at tumungo sa kama at naupo.

"Wala. Atsaka hoy hindi kita pinaalis." Hindi ko kasi ugaling mag-lock ng pintuan lalo na kung pinapapunta ko si Adalee sa bahay. Masyado na akong kilala ni Adalee kaya hindi na ako magtataka kung mapansin niyang meron nga akong problema.

Umupo ito sa tabi ko.

"O asan na ang boyfriend mo? Kaya pala pinapunta ako dito dahil wala ang boyfriend."

Ngumiti ako. "Miss kita e."

"Gaga ka Stella! Kinikilabutan ako sa ngiti mo." At sinampal niya ng mahina ang braso ko.

Tinawanan ko ito ng tipid at tuluyan ng nahiga sa kama. Niyakap ko ang malaking unan ko. Tumabi naman si Adalee sa'kin, bale magkaharap na kaming dalawa.

"Look at me Stella." Seryosong ani ni Adalee ng mapansin na umiiwas akong makipag-titigan sa'kanya.

"What?" Biro akong tumawa ng mahina.

"You're not a good pretender."

Napataas ako ng kilay sa sinabi nito. "Ano bang sinasabi mo?"

"Sus! Lokohin mo na ang lahat, wag lang ako. Anong problema mo?"

"Tanga, wala akong problema."

"Okay fine. Sabi mo 'e."

"Kayo ni Sed? Kumusta?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ewan?" Sumimangot ito. "Malabo kami 'e."

"Bakit--Pano mo naman nasabi?"

"Wala naman siyang sinasabi na liligawan niya ako, at parang mag-kaibigan lang ang treatment namin sa isa't-isa."

"Pinagloloko ka lang ata niyan."

"If yes, we're just even." Ngumisi ito.

"Kayo ni Gavin? Kumusta naman relasyon niyo?" Dapat pala tinuloy-tuloy ko ang pagtatanong sa'kanya para hindi siya magtanong tungkol samin ni Gavin.

"We're fine." Tipid kong sagot.

"Mukha nga." Inismidan ako nito na parang hindi naniniwala sa sagot ko. Nagkibit-balikat na lang ako.

-----

"Susunduin ka ba ni Gavin ngayon, Tel?" Tanong ni Adalee ng matapos ang pag-aayos ng gamit nito.

Hindi naman agad ako nakasagot dahil simula noong sagutan namin ay ni-text o tawag ay wala na akong natanggap kay Gavin. Gusto ko man na ako na mismo ang magbaba ng pride ko pero sinasabi ng utak ko na huwag.

"Hoy Tel?" Nabalik ako sa realidad ng kalabitin ako ni Adalee sa balikat.

"A-h o-o."

Napataas naman ito ng kilay. "Okay ka lang?"

"Oo! May iniisip lang." Sinukbit ko ang bag ko sa balikat ko.

"Teka may dala ka bang payong? Mukhang uulan." Napatingin ako sa bintana ng room at sa langit na medyo makulimlim na.

Tumango ito. "May lakad kami ni Sed ngayon." Sagot nito habang papalabas na kami ng room.

"Sige. Mauna ka na.," tumigil ako sa paglalakad. "Baka umalis rin kami ni Gavin." Pagsisinungaling ko.

"Sige. Una na ako." Humalik ito sa pisngi ko. "Bye!" Nginitian ko ito. Sinuklian naman ako nito ng ngiti at mabilis itong tumakbo paalis hanggang sa hindi ko na ito nakita.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at umaasang may text o tawag man lang si Gavin sa'kin. Pero nadismaya ako ng wala man lang itong tawag o text sa'kin. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang naglakad papalabas ng campus.

Parang anytime by now tutulo na lang ang luha ko. Ganito pala yon 'no? Kahit simpleng hindi panunuyo sayo ay ibi-big deal mo. Ang sakit pala sa puso ng ganito, na parang pakiramdam mo ay wala siyang pakialam sayo dahil ni itext o tawagan ay hindi niya nagawa. Napapaisip tuloy ako kung anong ginawa niya nung hindi niya ako kasama at kausap.

Napangiti ako ng mapait. Siguro nagbalikan na sila ng ex niya. Totoo naman diba? Nag-away kami dahil chinat niya yung ex niya. Baka nga mahal niya pa. Sino nga ba ako? Sino nga ba ako para piliin niya.

Hindi ko namalayan na kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon