Chapter 4

716 15 0
                                    

Stella's POV

"What the heck did I do?" Natatawa kong tanong. Tumawa naman ito ng mahina.



"Joker ka pala 'no?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.



"Nadala lang ng emosyon." At pareho kaming napangiti.



"Tignan mo mas maganda ka kapag nakangiti."


"Tigilan mo ko sa ganyan mo." Pinanliitan ko siya ng mata bago ininom ang iced tea ko.


"Just stating the fact." Ngumiti ito kaya kitang kita ko ang mga mapuputing ngipin nito.



"Ewan ko sayo. Anyway, pang-ilan mo na bang girlfriend yung ex mo?" Pagbabago ko ng topic.



"My first." He plainly answered. "Pero I don't know. Mukhang hindi naman ako ganon nasaktan nung maghiwalay kami." Seryosong aniya.



"Baka hindi mo naman minahal talaga." Banat ko kaya napatingin ito sa'kin.



"Maybe? O kaya lang ako nag-eemote kasi naapakan ego ko. Yun yung hindi ko matanggap."


"You know what? It's a good thing that you broke up with each other rather than hurting each other day by day."


"Sinabi mo pa at ramdam ko naman na wala na rin naman siyang pagmamahal sa'kin." Ngumiti ito ng tipid. "Ang hirap intindihin ng pag-ibig 'no?"


Umiling ako. "No. Nasa taong nagmamahal iyon nakadepende."


"Bakit ang dami mong naipapayo sa'kin, siguro may nagka-boyfriend ka na 'no?" Ngumisi ito.


"You think I'm lying?" Inirapan ko siya. Tumawa naman ito ng mahina.



"Hindi naman mukha pero parang." Pinanliitan ko siya ng mata. "Joke lang." Dugtong nito at nag peace sign pa ito.



"Uminom ka na lang iced tea. Nakakapang-palamig yan ng ulo." Aniya pa.



Magsasalita pa sana siya uli siya nang unahan ko ito. "Baliw ka." Umirap ako.


Tumawa naman ito. "Kahit ang sungit mo may pagka-joker ka rin pala." Napapa-iling nitong aniya.


"Nak----"


"Nako andito lang pala kayong dalawa. Akala ko tinanan mo na Gavin 'tong bestfriend ko." Singit ng bestfriend kong si Adalee at naupo sa tabi ko. Ibig sabihin napapagitnaan nila akong dalawa.



"Pwede naman." Ngumiti naman ang lalaking katabi ko.


"Hay nako! Pwedeng pwede!" Pagbubugaw naman ni Adalee.


"Tumigil ka nga Adalee." Inis kong angil dito.


"Anyway guys iiwan ko na kayo ok---"


"What?! At saan ka pupunta?!" Putol ko sa sinasabi nito.


"Hinahanap ako ni Dad. May inuutos sakin." Sagot nito na may ngisi pa ang labi. Halata namang nagsisinungaling ito.

"O siya maiwan ko na kayo. Gavin paki-ingatan ang bestfriend ko, okay? Pag diyan may nangyaring hindi maganda, ipapa-hunting kita. Iuwi mo yan ng buo, okay?"


Napapikit na lang ako sa mga pinagsasabi ni Adalee.


"I will. She's safe with me." Napatingin naman ako kay Gavin. Nginitian nito si Adalee na parang close na close sila.


The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon