Chapter 8

487 7 0
                                    

"Pakilala mo naman ako sa kanila Tel." Nakangiting ani ni Jin habang papalapit kami sa anim. Madali namang naayos yung kaso dahil pumayag yung may-ari ng store na babayaran na lang ang mga kinuha ni Jin.

"Bahala ka." Sagot ko dito.

"Uy Adalee!"

"Wag mo kong ma-uy uy Sha diyan Jin nako. Gumawa ka na naman ng kalokohan." Banat ni Adalee sa pinsan ko. Close rin kasi silang dalawa dahil na rin palaging nasa bahay noon si Jin at palagi rimg pumupunta si Adalee.

"Alam ko namang hindi ako matitiis ni Stella 'e." at nag peace sign pa ito. Ngumisi naman ito at inakbayan ako.

"Get your hands off me! Ang bigat ng braso mo!"

"Sungit mo Tel. Don't worry lilibre kita." Ayan. Diyan siya magaling. Ang mang suhol.

"Siya nga pala Jin. Mga kaibigan ko, Si Kevin, Isaac, Gavin, Asher, at Sed." pagpapakilala ni Adalee sa mga lalaki.

"Mukhang ngayon ko la---"

"Ngayon lang kasi kami nagkakakilala." Nakangiting putol ni Adalee sa sasabihin ni Jin.

"What?! Tapos sasabihin mo kaibigan mo na yang mga yan?" There we go again. The protective Jin.

"Wag kang mag-alala bro. Mababait kami." Nakangiting sagot ni Dom.

"Make it sure or else." May tono ng pagbabanta ang boses nito.

"Enough of that. Umuwi na tayong lahat." Singit ko sa mga ito at baka mag-away away pa.

"Diba may class pa kayo?" Tanong ni Gavin.

"Wala na ako sa mood pumasok, atsaka late na rin kami." Sagot ko dito at nauna ng lumabas ng police station.

"Good idea Bri. So pano ba yan? Ituloy na lang natin yung lakad kanina?" Singit ni Adalee.

"Saan kayo pupunta?"

"Kakain lang sa labas." Nakangiting sagot ni Sed kay Jin.

"Sa--"

"Umuwi ka na Jin." Putol ko rito.

"I'll come with you."

"No. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ni tita." Seryoso kong sabi dito.

"Okay fine. You're the boss!" Sukong aniya. "Hey, ingatan niyo yang dalawang yan. Kapag may nangyari diyan sa dalawa, alam niyo na." Banta nito sa limang lalaki.

"Don't worry we'll take good care of them." Sagot ni Gavin.

"Oo bro. Makakaasa ka." Saad din ni Isaac. Ngumiti at tumango naman si Asher, Kevin at Sed.

"Okay good." Humarap naman ito sakin. "Take care. Mauuna na ako." Paalam nito at lumipat at tingin kay Adalee. "Adalee una na ako."

"Sige ingat!" sabay naming sabi dito ni Adalee. Tumango naman ito at pumunta kung saan nakaparada ang motor nito. Mabuti na lang pala at may dala itong motor. Iwinagayway pa nito ang kanang kamay bago tuluyang umalis.

"So saan tayo nito?" Tanong ni Adalee ng makaalis si Jin.

"Sa Bonjour na lang tayo." Ani ni Gavin.

"Nice choice." Sagot ni Sed.

-----

"Is this a bar?" Tanong ko ng nasa labas na kami ng bonjour dahil mukhang mahilig itong mag pumunta sa mga bar.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon