(Play the song above while reading this chapter. Mwa)
Five years later..
Stella's POV
Sa limang taon kong nagstay sa Amerika, isa lang ang natutunan ko.
Yun ang matutong mag move on.
Mag move on sa isang bagay na kailanman hindi magiging sayo.
Sa una, mahirap talaga. Totoo, sobrang hirap. The worst feeling is when you don't want to give up on someone but you have to. Lalo na't alam mong ikaw na lang ang nakakapit.
Andiyan pa yung mga tanong lagi sa isip na 'saan ba ako nagkulang?' 'Deserve ko ba 'to?' 'Saan ako nagkamali?' 'May mali ba sakin?'
Andiyan rin yung mga iniisip natin na 'sayang yung mga alaala.' 'Sayang yung pinagsamahan namin.' Kaya minsan mas pinipili ng iba na kumapit kahit alam naman na nilang walang patutunguhan ang pagkapit nila. Mas lalo lang nilang pinapahirapan ang sarili para sa walang kasiguraduhang relasyon dahil lang sa paniniwalang 'sayang ang mga alala' at ang katotohanang mahal na mahal nila ang tao. Mabuti na lang at hindi naman ako dumaan sa puntong magmamakaawa ako para sa pagmamahal ng isang tao at nirespeto ko rin ang sarili ko. Dahil alam ko rin sa sarili kong walang kulang sakin at hindi rin ako nagkulang. Sadyang hindi lang talaga nakuntento si Gavin at hindi naging totoo sa sarili niya.
At sa huli wala pa rin naman akong choice dahil hindi naman ako ang pinili. Hindi ako ang kailangan at hindi ako ang mahal.
Kaya bakit kailangan manatili sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo? Why settle for less ika 'nga.
Masakit man harapin yung totoong pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana, wala naman tayong choice 'e. Gago ang tadhana, ginago tayo. Kaya wag na nating hayaan na pati yung tao na minamahal natin ay gagaguhin rin tayo. Matuto tayong bumitaw kapag talagang hindi na tama.
So at the end of the day, our only choice is to leave the person that only giving us pain, grief, suffering and burden. That's the only revenge we can do to them.
And next time we should never allow someone to broke us or let them ruin us. Our life.
We must live our life to the fullest. And love ourselves first before loving somebody else.
Yan ang natutunan ko.
Kakalanding lang ng eroplanong sinakyan ko. Nakaramdam naman ako ng excitement. Limang taon din akong nawala dito sa Pilipinas. Nakakamiss rin dito. Namimiss ko na rin si Adalee. Isang beses sa isang taon lang kasi ako kung bisitahin non dahil busy rin siya sa business niya rito sa Pilipinas. Ganoon rin naman ako kaya wala na akong ganoong time para sa get together naming dalawa. Ginawa kong abala ang sarili ko para madali akong makalimot. Ganon lang ang ginawa ko sa limang taong pananatili ko sa Amerika. Luckily, okay na ako. Payapa na ang puso't isip ko. Wala na akong nararamdaman na kahit na ano pa. Matagal ko na ring napatawad si Gavin at wala na akong kahit katiting na sama ng loob sa'kanya. In fact, I wanna say thank you to him because I'm more matured now and I bring out the best version of myself because of him. Because of what he did. He was the reason who I am now.
Napangiti ako nang makita ko si Adalee na kumakaway kaway. Napangiti ako nang makita ko uli siya. Ang laki na ng pinagbago ng mukha nito. Lalong nagmatured. Mabilis akong lumapit dito at niyakap siya. Grabe namiss ko ang bestfriend ko!
"How's the flight, amerikana kong bff?"
"Tigilan mo nga ako, gaga! Ako lang 'to." Natatawa kong sabi rito. Kinuha naman ng driver ang maleta ko at nilagay sa compartment ng kotse.
Tumawa naman ito ng mahina. "Tara na nga! Namiss kita ng sobra! Marami kang ikukwento sakin!" She pouted. "Iba rin kasi ang pagmomoved on. Pupunta pa ng ibang bansa, kaloka!"
"Effective 'n--teka.." Pinigilan ko ito bago pa makapasok ng kotse.
"Ano b---" Hindi na natapos ni Adalee ang sasabihin.
"Stella?"
"Gavin?"
Pareho kaming gulat ni Gavin. Lumapit ito sa'kin. Hindi ko akalain na magkikita kami after five years. Ang laki na ng pinagbago ng physical feature niya.
"Kumusta ka na? Balita ko umalis ka ng bansa."
"Ah yeah. Kakauwi ko lang actually. Ikaw? Kumusta ka na?"
"I'm all good." Nakangiting sagot nito. Halata ngang okay na okay siya. Mabuti naman at pati siya mukhang naka moved on na rin. "You look great. Wow. Honestly, I almost didn't recognize you. " Dugtong pa nito na ikinangiti ko.
"Thanks. You too. You looked more matured." Ngumiti siya. "By the way, saan ang punta mo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"I'm going to Cebu..." Ngumiti siya at tumingin sa likuran kung nasaan si Naomi.. Sila pa rin pala. Good to know.
"..with Naomi..."
Ngumiti ako nang marahan. "Good to know that you're still together."
"Yes. I'm very happy. The truth is, our flight is actually today because we planned to get married there in Cebu." Punong-puno ang mga mata nito ng kasiyahan. "Anyway I have to go. Baka magalit na naman 'yun." Patukoy niya kay Naomi na natawa pa nang tipid. "It was nice seeing you again, Stella!" At nagpaalam na naman siya. At tuluyan na namang ngang nawala..
Patakbong bumalik ito kay Naomi na nakasimangot dahil sa paghihintay.
When he left, again. One thing I just realized...
I still haven't moved on. The reality, I'm still inlove with him and the pain he caused five years ago, went back.
-The End-