Chapter 5

619 13 0
                                    

Stella's POV

*bzzzttt* *bzzzzztt*

Inaantok na inabot ko yung alarm na nasa ibabaw ng table katabi ng kama ko para patayin. Napakusot-kusot ako ng mata at nagmadaling bumangon para gawin ang morning rituals ko.


Pagkatapos ko mag-asikaso ay kinuha ko na ang phone ko at bumaba para mag-almusal.


"Good morning anak!"



"Lala, good morning!" Nakangiting bati ko kay lala na ngayon ay busy sa paghahanda ng almusal. Siya ang kasambahay namin na kung ituring ko naman ay pangalawang nanay ko na dahil matagal na itong nagtatrabaho sa'min.


"Kumain ka na. Anong oras pasok mo anak?" Tanong nito habang pinagtitimpla ako ng gatas. Alagang-alaga talaga ako nito. Maswerte pa rin pala talaga ako dahil kahit wala ang mga magulang ko, nandiyan naman si lala para alagaan ako. Wala na kasi itong pamilya kaya siguro ganito niya ako ituring dahil wala siyang anak.


"9AM pa naman po la." Magalang kong sagot sakanya.

"O ito anak." abot nito sakin ng gatas. "Doon na muna ako sa kusina at may mga gagawin pa ako." Tumango ako at nagpasalamat.


Nang makasubo ako ng isang kutsara ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi kaya agad kong binuksan ang phone ko at baka nga nagtext ang lalaking iyon sakin. Hindi nga ako nagkamali dahil may isang unregistered number ang nagtext sakin.

From : 0906*******
Hi Stella! Nakauwi na ako, matutulog na din ako. Anyway, thank you kagabi sa pagsama. Pasensya na at naging madrama ako hahaha. Hope to see you again! Goodnight! :))


Napailing na lang ako. Buti alam niyang madrama siya. Napangiti ako ng tipid. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko ng mag vibrate ito. Agad ko namang sinagot at hindi na nag-abalang tignan kung sino ang caller.


"Good morning, gorgeous." Agad ko namang nailayo sa tenga ko ang phone ko at tinignan ang number na tumawag. Pambihira siya lang pala!


"Hey. Good morning. Ikaw pala." Sagot ko nang makabawi sa gulat.

Tumawa naman ito ng mahina. "Akala ko pinatay mo dahil baka napangitan ka sa boses ko." Aniya.

"Aga-aga ang drama mo." Pambabara ko sakanya.



"Aga-aga din ang sungit mo." Bwelta naman nito sakin.


"Che! Mamaya mo na ako gambalain dahil kumakain ako."


"Aww sorry. Sige take your time!"

"Okay. Bye." At ako na ang mismong pumatay ng tawag at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

-----—-

*bzzz*

From : Pretty Adalee
Kumusta naman kagabi teh? Wala man lang pag-update na ha?

Napairap na lang ako at nilagay ko na sa bag ko ang phone at sumakay sa kotse dahil baka malate pa ako sa unang klase ko.


Mabuti na lang at walang traffic kaya mabilis akong nakarating sa campus. Pagka-park ko ng kotse ay tinignan ko ang relo ko para tignan kung anong oras na. 30 minutes na lang, start na ng first klase ko kaya nagmadali na akong pumasok.

"Hey good morning gorg!"

"Good morning Gorg!"

"Good morning, Tel!"


Kaliwa't kanang bati sakin ng mga nasa corridor habang papunta ako sa first class ko. Tanging ngiti na lang ang isinukli ko dahil hindi pa rin ako sanay na masyado akong head turner daw 'kumbaga' dahil maraming nakakakilala sakin dito sa school kaya ganon na lang ako tratuhin. O dahil marahil na rin siguro sa pagiging presidente ko ng SSG(Student Supreme Government).

"Finally! Andiyan na ang ating presidenteng ubod nang ganda!"


"Nako Vince, tigilan mo ako sa bola mong yan." Masungit kong saad dito at naupo sa katabi nito. Nasa second row ang upuan namin.


"Ke-aga aga ay ang sungit mo." Tumawa naman ang mga kaklase namin.


"Puro ka ganyan Vince, di mo na lang sabihin na 'Tel, gusto kita."


"Oo nga! Ang dami mo pang segway!" Kantyaw ng ibang kaklase namin at napuno ng tawanan ang classroom namin. Tumahimik naman na si Vince. Napailing na lang ako. Tignan mo 'tong lalaking ito. Ang galing mang-asar, pag siya na ang inasar, pikon naman.

"Stella!!!!"

"O ayan na ang diyosa ng kapangitan hahaha!" Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Arch.


"Heh manahimik ka Arch baka hindi kita matancha diyan masipa kita palabas ng room!" Inis na sagot ni Adalee at tuluyan nang lumapit sakin. Tinawanan naman ni Arch ito.


"Hay nako! Umagang-umaga nasisira ang beauty ko!" Inis na sambit nito at umirap.

Mukhang narinig naman ni Arch ang sinabi nito kaya bumwelta ito. "Meron ka pala non, Adalee?" Napuno na naman ng tawanan ang buong room.


"Wag mo na kasing patulan Adalee. Hindi ka pa nasanay kay Arch." Saway ko dito ng akmang ibubuka na naman ang bibig nito.


"Letseng Arch yan! Napupuno na ako sa'kanya ha!"


"Wag mo na lang kasing pansinin. Pinipikon ka lang niyan." Inirapan naman ako nito.


Tumahimik naman na ang buong classroom at parang may sari-sarili ng mundo ang lahat. Pati si Vince ay wala na rin sa tabi ko.

"Teka nga! Marami kang iku-kwento sakin ha!"

Kumunot naman ang noo ko. "At ano naman yon?"


"Duh! Anong nangyari sa date niyo nung lalaking iyon?" Nakangiting aniya.

"Wala." Plain kong sagot dito.

"Ano?! Wag ka ngang sinungaling Stella!"

"Sa wala nga 'e?" Inirapan ko naman ito.

"Imposibleng wala! Meron yan!" Pagpipilit pa nito.


"Wa-----"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating ang prof namin. Nginitian ko si Adalee at nagkibit-balikat. Nginusuan naman ako nito.


"Good morning class!" Hindi na kami tumayo at hindi na rin siya binati. Ayaw niya kasing binabati ito at tatayo pa kami.

Nang magsimula itong mag lecture ay nakaramdam ako ng antok. Parang wala akong gana makinig sa lecture nito kaya umob-ob na lang ako. Siya kasi ang tipo ng prof na walang pakialam kung makikinig ka o hindi. Basta ang kanya magtuturo siya. Pero ang maganda rin sa'kanya basta pag nag compile ka ng requirements niya, ipapasa ka niya.

*bzzz bzzzz*

Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pants ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.


From : 0906*******
Hey? How's school? Reply back! :))


Aba feeling close na 'tong lalaking to. Hindi ko na lang nireplyan ang text nito at ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Ayoko man maging rude pero sinasabi ng utak ko na wag ko ng ituloy na kilalanin ito, kaya nga wala akong balak isave ang number nito.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon