Chapter 22

422 8 0
                                    

"Mines view park muna tayo honey. Pa-picture tayo kasama mga kabayo." Excited kong sabi rito habang nagda-drive.

"Sige beb." Sagot nito na seryosong nakatingin sa kalsada.

"Adalee's calling..." Sabi ko rito ng mag vibrate ang phone ko at nakita ang pangalan ni Adalee sa caller. Tinanguan naman ako nito.

"Oh bakit Adalee?"

"Anong bakit bakit? Asan ka ngayon? Wala kang balak pumasok?"

"Wala hehe. Nasa baguio ako kasama ko si Gavin."

"Anak ng! Bi yan si Gavin ha! Aba babae pumasok ka! Lagot ka kay Prof. Hermiosa!"

"Tigilan mo ko, sinungaling ka." Natawa ako ng mahina. Akala ata nito hindi ko naririnig ang ingay sa kung nasaan man siya.

"Joke lang hehe. Walang pasok ngayon. Wala namang mga prof."

"Alam ko. Atsaka kung magsisinungaling ka, galingan mo sa susunod ha?"

"Bakit? Pano mo nalaman?" Natatawang tanong nito.

"Rinig na rinig ko cyst ang ingay diyan. Asan ka ba?"

"Nasa bar."

"Sinong kasama mo?"

"Sila Amber. Nagyaya 'e."

"O sige. Ingat ka ha!"

"Okay. Ingat ka din. Mwa!" Aniya at pinatay na ang tawag.

"Anong sabi?" Napalingon ako kay Gavin.

"Wala. Nagtanong lang kung nasaan ako." Napatango-tango naman ito.

"We're here." Naramdaman ko ang pagtigil ng kotse. Nasa parking lot kami na nasa gilid ng entrance ng mines park. Bumaba na ako ng kotse, ganon din si Gavin.

"Tara." Hinawakan naman nito ang kamay ko at pumasok kami sa entrance. Ang ganda dito.

"Honey, saan kaya ang may bilihan dito ng strawberries??" Bigla akong natakam ng ma-imagine ko ang itsura nito.

"Mamaya pag-uwi natin, bili tayo." Tumango naman ako.

"Honey don tayo!" Turo ko sa mga kabayo.

"Hello! Pwede po sumakay diyan diba?" I asked the Manong na taga bantay ata ng mga kabayo.

"Opo Mam. 100 pesos lang po ang bayad." Nakangiting sagot ni Manong.

"Honeeey, tara!" Nagbayad ako para samin at sumakay at tinulungan ako ng isang lalaki na taga guide din na sumakay sa kabayo.  Sumakay din si Gavin. Bale magkatabi yung kabayo namin.

"Manong pa-picture naman po kami." Inabot ko kay Manong yung cellphone ko.

Nagulat ako ng hawakan ni Gavin Ng kamay ko. Napangiti naman ako. Bigla namang tumunog yung cam ng phone ko.

"Manong naman! Hindi pa po ready." Napanguso ako. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Gavin. Napailing na lang ako.

"Sige Ma'am. 123.. Say cheese!" Napangiti kami pareho ni Gavin.

"Isa pa po." Sabi ni Manong.

"Beb?"

Napalingon ako kay Gavin. "Hmm?"

"I love you." Napangiti ako. Nagulat ako ng bigla ako nitong hinalikan sabay ng pagtunog ng camera.

"Aba! Dumadamoves kang lalaki ka." Napangisi naman ito. Napangiti naman ako ng inabot na ni Manong ang cellphone ko sa'kin.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon