Chapter 6

546 7 2
                                    

"Stella samahan mo muna ako bago tayo kumain." Ani ni Adalee habang nag-aayos ng gamit. Kakatapos lang ng first class naman at ngayon ay break namin ng dalawang oras bago mag second subject.

"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong ko dito at naunang naglakad palabas ng room.

"Sa Wilfored University." sagot nito.

"Ano namang gagawin natin don?" Sabay na kami ngayong naglalakad sa corridor. Ang Wilfored University ay ang katabing school ng campus namin. Pwedeng lakarin pero pwede ring mag tricycle.

"May ime-meet lang ako." nakangiti nitong sagot.

"Pambihira ka naman Adalee! Idadamay mo na naman ako sa k---"

"Shhh! Gusto ko lang alamin kung gwapo ba itong na-meet ko rin sa NG no!"

"O 'e paano kung hindi? I-indianin mo?"

"Ah basta! Hindi naman kasi pwedeng ikaw lang magka-lovelife no," Ngumisi pa ito. "Syempre dapat pareho tayo." Napailing na lang ako. Para namang naka-moved on na siya sa ex niya?

"Hoy anong pailing-iling mong yan?" at sumimangot siya.

"Wala, bilisan mo maglakad." sabi ko dito at binilisan ang paglalakad. Medyo nagugutom na rin ako 'e.

"Makikipag-date na naman ata itong dalawang ito." Sabay kaming napalingon ni Adalee kay Kuya Mario na siyang guard sa campus. Nakangiti ito samin.

"Nako Kuya Mario! Wala nga kaming boyfriend 'e!" sagot dito ni Adalee at tumawa. Medyo malapit na rin samin si Kuya Mario dahil na rin sa tagal niya ng guard sa campus, matanda na rin ito. Madalas din kasi noon na tumatakas kami o di kaya late kaya niya kami nakilala.

"Siya sige mag-iingat kayo." tumango naman kami at ngumiti bago tuluyang makalabas ng gate.

"Tricycle na lang tayo. Malapit lang naman yon."

"Malapit lang pala edi lakarin na lang."

"Tigilan mo ko Stella! Ang init-init tapos paglalakarin mo ang magandang tulad ko." Angal nito. Pasado alas onse na kasi ng umaga. Tinawanan ko na lang ito dahil sa itsura niya.

Tumawid na kami ng kalsada at pumara ng tricycle. Katapat lang ng campus ang sakayan papunta sa Wilfored University.

"Kuya Wilfored University lang." Sabi ni Adalee sa driver at nagbayad. Nasa loob kami ng tricycle.

"Sana gwapo siya Tel 'no? Sayang naman kasi effort kong puntahan siya don."

"Bakit kasi ikaw pa pupunta?"

"May tatapusin pa raw sila 'e." sagot nito.

"Nako Adalee, wag kang magtitiwala muna sa mga ganyan. Sinasabi ko na sayo." pag-papaalala ko sa'kanya. Concern lang ako dahil ayoko ng masaktan pa siya dahil lang sa lalaki.

"Flirt flirt lang naman 'no ka ba." natatawa nitong sagot. "Kayo kumusta pala ni handsome?" Nagkibit-balikat ako sa tanong nito.

"Nako Stella, ikaw nga uso naman maglandi 'no. Tatanda ka niyan ng dalaga."

"Sus, hindi ko naman kasi kailangan muna niyan. Masaya naman na ako sayo."

"Aba ang sweet ng bff ko ngayon ha?" At ngumiti ito.

"Duh matagal na akong sweet no." at pareho kaming tumawa.

"Ma'am Wilfored University na po." Biglang natigil ang tawanan namin ng magsalita si manong driver.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon