Chapter 14

360 8 0
                                    

"Mauuna na kami ni Adalee. May klase pa kami. Mag aalas tres na." Sabi ko kay Gavin na nakapatong ang ulo sa balikat ko at hindi kumikibo. Hindi ko alam ang iniisip niya. Nandito pa rin ang ex nito kasama ang mga kaibigan. Mabuti na lamang ay malayo sila sa'min pero tanaw na tanaw ko pa rin sila sa pwesto ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis sa ex ni Gavin samantalang wala naman itong ginagawa sa'kin.

"Mamaya na. 15 minutes please."

"Male-late kami niyan, traffic pa naman."

Umayos naman ito ng upo. "Sige hahatid na namin kayo." Nakangiting aniya.

"Wag na. Kaya naman n---"

"Wag ng umangal honey." He pinched my cheeks.

"Did i gave you the rights to pinched my cheeks?" I jokingly asked him.

"I have all the rights." He winked at me.

Tinawanan ko na lang ito at humarap kay Adalee. "Baka gusto mong pumasok 'no?"

Humarap naman ito ng ngiting-ngiti sa'kin. "Korni mo naman., napapasarap na ako sa kwentuhan 'e." At nginusuan ako nito.

"Bahala ka basta ako papasok." Tumayo na ako. "Mauuna na ako sainyo."

"Hatid na namin kayo." Suhestiyon ni Sed.

"Oo nga sabay-sabay na tayo." Singit din ni Isaac.

"Hahatid ko si Stella. Mauuna na kami sainyo." Nagulat ako ng hawakan ni Gavin ang kamay ko at naunang naglakad kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Sabay-sabay namang nagsitayuan sila Adalee at yung apat na lalaki at sumunod sa'min.

"Teka naman. Dahan-dahan ka naman sa panghihila sakin!" Sabi ko rito ng makalabas kami ng Clash of the Burgers.

Bigla naman itong natauhan kaya napaharap ito sa'kin. "Are you hurt? Im sorry honey."

"Okay lang. Tara na." At nauna na akong pumunta sa kotse nito na nakaparada sa gilid ng resto. Hindi ko maiwasan mainis dahil bigla bigla na lang nanghihila at ang higpit pa ng pagkakahawak sa kamay ko.

"Honey, galit ka ba?" Umiling ako. "Buksan mo na." Agad naman akong pinagbuksan nito ng pinto ng kotse kaya agad naman akong pumasok. Pumasok na rin ito at pinaandar yung kotse.

"Affected ka pa rin ba sa ex mo?" Hindi ko maiwasang magtanong habang abala ito mag drive. Hindi naman ako nito nilingon at nakapokus pa rin ang tingin sa daan.

"Why are you asking?" Mahihimigan naman ng kaseryosohan ang boses nito.

"I just wanna know."

"I'm not."

"Oh okay." Sagot ko na lamang at tumahimik.

"Honey..." Napalingon naman ako dito na seryoso pa rin ang tingin sa daan. "Just trust me. I'm not into her anymore. Everything's nothing but not you." Seryosong aniya at saglit na tinignan ako at binalik uli ang tingin sa daan.

Hindi naman ako sumagot at ipinikit na lang mga mata ko. Parang ayokong pag-usapan ito at baka ano pa ang masabi ko kaya pinili ko na lang ang manahimik. Mas mabuting manahimik kaysa makipagtalo.

-------

"Susunduin kita after your class. Anong oras out niyo?" Tanong nito ng mai-park ang kotse sa parking lot ng campus.

"6 PM" maikli kong sagot.

"Sige, dito mo na lang ako hintayin." Nakangiting aniya. Tumango naman ako.

"Sige pasok na ako. See you later." At akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ng hawakan nito ang kamay ko.

"You're mine, okay? No one comes closer."

"Hindi mo kailangang sabihin sa'kin yan." Seryoso kong sabi rito at hinarap ito.

"Galit ka ba? Bakit ang seryoso mo?" Pekeng tumawa ito.

"No I'm not. I'm just protecting myself. I don't wanna a---"

"Tungkol pa rin ba ito kanina?" Hindi naman ako umimik. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.

"Okay fine. I'm sorry because I made you feel like that but I don't meant anything. I did not intended t---"

"I'm okay. Hindi naman kita mahal kaya walang problema sa'kin yon." Pinutol ko na ang sasabihin nito. Ayoko ng makarinig na kahit ano mula sa'kanya.

"Fine fine. Basta I'm sorry okay? Wag kang mag-alala. Wala na talag---"

"Can you just stop?" Iritable kong sabi rito. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, okay? Hindi ko hinihingi ang any explanation mula sayo dahil kahit makipag-balikan ka sa ex mo, okay lang sa'kin. Just be honest with your feelings. Kung hindi ka pa talaga nakakamove-on, wag kang gagamitin ng ibang tao para lang makalimutan mo o magkaroon ka ng panandaliang saya. Dahil minsan yung taong gagamitin mo maaaring mahulog sayo then what? After maging okay ka ano? Kapag bumalik ex mo, babalikan mo? Tapos yung iiwanan mo, anong mangyayari sa'kanya? Kaya maging honest ka na lang. Hindi ko kailangan ng kung ano-anong sasabihin mo, i just want you to be honest with me. Kasi if you want me to love you, magagawa ko. Pero sana ganon ka rin hindi yung tingin mo sa'kin ay gagawin mong panakip-butas mo lang dahil i can see through your eyes that you're still into her. Eyes never lie. So please, could you please stop? If you doesn't have any plan to take serious about me." Mahabang sabi ko rito at tuluyan ng lumabas ng kotse. Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung mga sinabi ko. Siguro dala ng emosyon ko kaya nasabi ko ang mga yon. Hindi niya ako masisisi dahil nagsabi lang ako ng totoo. Ayoko ring masaktan lalo pa't siya ang kauna-unahang lalaki na pinapasok ko sa buhay ko. Gusto kong makasigurado na hindi niya ako masasaktan kaya hanggat maaga pa ay dapat ko ng ipaintindi sa'kanya. Madali lang naman kasi magmahal ng tao kung gugustuhin ko. Lalo na't napagdesisyunan kong subukan siyang mahalin. Pero mukhang mali ang desisyon ko. Dahil kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko na mahal pa nito ang ex niya. Sa kilos niya pa lang ay alam ko kahit hindi niya sabihin. Hindi naman ako ganon katanga para hindi mahalata 'yon. Kaya hinding-hindi ako papayag na gawin niya akong panakip-butas. Dahil napaka-unfair niya kung mangyayari yon. Binigyan ko siya ng pagkakataon, pero sinayang niya lang. Kaya hangga't maaga siguro iiwasan ko na lamang siya para maprotektahan ko ang sarili ko sa'kanya.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon