Chapter 10

516 8 0
                                    

"Wag mo akong titigan, malulusaw ako niyan." Napa-iwas bigla ako ng tingin.

"Pero pwede naman pala, girlfriend naman kita." At tumawa ito ng mahina.

"Feel na feel mo e no?"

"Syempre swerte ko 'e."

"Paano ka naging swerte?" Kumpara naman sa ibang babae ay walang wala ako.

"Basta."

"Kanina ka pa basta ng basta." I rolled my eyes.

"Ang hirap i-explain kasi." Nagulat naman ako ng bigla nitong ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Hey what are you doing?"

"Gusto ko maging kalmado." Sagot nito kaya hinayaan ko na lang.

"Maswerte din naman yung ex mo sayo." Pag-oopen ko ng mabalot kami ng katahimikan. Nakakakalma sa pakiramdam dahil bukod sa maririnig mo lang ang mga sasakyang dumadaan, isama mo na ang papadilim ng kalangitan. Masarap pala sa pakiramdam ang ganitong scene. Lalo na't ngayon ko lang ito naranasan kaya siguro natutuwa ako kahit papano.

"Paano mo naman nasabi?" Natatawang tanong nito.

"Nasabi ko na e."

Tumawa naman ito. "Baliw ka."

"Alam mo bang first time ko maranasan ang ganito?"

"Alin?" At humarap ito sakin.

"Ito. Ganto." Napatango-tango naman ito.

"Syempre wala akong naging boyfriend." Ani ko pa.

"Kaya nga maswerte ako. Kasi ako ang magiging una mo sa lahat."

"Malas ko naman dahil hindi ako ang una mo sa lahat."

"Sana nga ikaw na lang ang nauna bakit kasi ang tagal mong dumating? Hinayaan mo pa akong masaktan."

Siniko ko ito ng mahina. "Sinisi mo pa ako. Hindi ka kasi nakapag-hintay." Sagot ko rito ng pabiro.

"Pero siguro nga nangyari yon para magkakilala tayo. Kasi kung hindi ako nasaktan, hindi naman ako magne-neargroup non."

"Siguro nga." At tumahimik na muli ako. Tumayo naman ito at iniabot ang kamay sakin. Tumingala naman ako para makita ang mukha niya.

"Bakit?"

"Tignan mo ito." Nakangiting sagot nito. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at tinulungan ako nitong tumayo.

"Wow!" Bulalas ko ng makita ang ganda ng view sa baba. Napakaraming buildings at puro maiilaw ang mga ito. Ang ganda tignan.

"You like it?" Tumango ako ng hindi pa rin inaalis ang tingin sa view.

"Buti naman." Naistatwa ako ng may maramdaman akong kamay na pumulupot sa bewang ko.

"I don't know when it started..." At pinaharap ako nito. "..pero pwede bang itry natin?" Nagulat naman ako pero agad rin namang nakabawi. Ano ba ang isasagot ko? Wala naman atang masama kung mag take ako ng risk dahil wala pa naman akong naging boyfriend. At gusto ko rin maramdaman kung anong pakiramdam ng may minamahal ka.

Tumango ako dito. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin. "Thank you.. Thank you for saving me.." he caressed my hair.

Ilang saglit pa ang yakapan namin ng ito na mismo ang kumalas.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon