Chapter 18

369 11 0
                                    

Agad akong bumaba ng hagdan para hanapin si Gavin. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko itong prenteng nakaupo sa couch habang busy sa pagbabasa ng magazine. Lumapit naman ako rito. Pero mukhang hindi niya napansin ang presensya ko dahil wala itong kibo, tahimik pa ring nagbabasa ng magazine.

"Beb?" I called him and sitted beside him.

"Yeah?" Parang ang cold naman nito.

"Are you mad?" Naagaw ko naman ang atensyon nito dahil lumipat ang tingin nito sa'kin at ipinatong ang magazine sa glass table na nasa harap namin.

"Why would I?" He sounds cool.

"Okay hindi naman pala 'e." I rolled my eyes.

"Just explain. I wanna know who's that guy."

"Akala ko ba hindi ka galit?" Kumunot naman ang noo nito.

"Porket hindi, hindi ka na rin mag e-explain?"

"Wala lang naman kasi ang lalaking yon. Isa lang sa manliligaw ko dati. Sinabi kasi ni Adalee na may gusto rin ako don. Feeljng gwapo kasi yon kaya binusted ko lol."

"Oh okay."

"Okay din." Sagot ko rito at sumandal sa couch at ipinikit ang mga mata.

"Don't lie. Never lie to me." Napataas naman ako ng kilay pero hindi pa rin nakamulat ang mga mata ko.

"Hindi ako sinungaling. Kung ayaw mong maniwala, edi wag."

Naramdaman ko naman ang pagtayo nito sa couch.

"I wanna go home." Doon na ako napamulat ng mata.

"Dahil lang doon, nagkakaganyan ka?! Eh sinabi ko na ngang wala lang yon!"

"Hindi ako galit tangina!" Nagulat naman ako sa biglaang pagmumura nito pero imbis na sumabay ako ay niyakap ko ito.

"Believe me. Wala lang yon." Parang ayokong mag-away kami kaya bigla ko itong nayakap.

"Okay." And he hugged me back.

"I love you." Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Ramdam ko naman na nagulat ito pero agad ding nakabawi at sumagot. "I love you most honey." Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero ang alam ko, mahal ko na ata ang lalaking ito.

---------

"Mamaya ka na umuwi."

"Gusto mo bang dito na lang uli ako matulog?" Tumango ako at ininom ang iced tea. Nandito kami sa pool area, nag-uusap ng kung ano-ano. Wala kaming pasok ngayon dahil sabado.

"Gaano mo ko kamahal?"

Nagulat naman ako sa tanong nito pero agad ding nakabawi. "Hindi ko alam."

"Bakit hindi mo alam?" Kumagat ito ng konti sa sandwich niya.

"Ka--" naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumigaw.

"Stellaaaaaa!!!!" Nasapo ko ang noo ko ng marinig ang boses ni Sha na nanggaling sa sala.

"Nandito sa pool area!" sigaw ko rin dito. Wala pang ilang minuto ay nakita ko na ang mapang-kilatis nitong titig.

"Aba kaya naman pala wala ng oras sa'kin." Pag-iinarte niya at umupo sa upuan na katabi ko. Bale magkatabi kami at si Gavin ay nasa harapan namin.

"Oy ikaw Gavin? Inaagaw mo na sa'kin ang bff ko 'ha?" Ani nito at kumagat sa sandwich ko. Tinapik ko naman ang kamay nito.

"Akin yan 'e! Kumuha ka kaya doon!" Angil ko.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon