Episode 5

443 27 1
                                        

Dear Diary, 

It's been a long time since nag sulat ako dito. Matagal din kitang hindi nagamit. alam mo ba, sobrang lunkot ko ngayon kasi hindi ako pinapansin ni Borj. galit pa rin siya sakin. at ang masakit pa dun, parang binaliwala niya ang mga pinag samahan namin. pero hindi ako susuko, lalaban ako.

Humiga si Roni sa kama pagkatapos nitong mag sulat sa maliit na notebook. nilipat niya ang mga pahina at nakita niya ang iba pang nakasulat doon. 

January 15, 1999.

sinave ako ni Borj sa school, kasi hindi ako nakagawa ng assignment namin kanina. mabuti nalang kaklase ko siya. 

Flashback

"Miss Roni Salcedo, nasaan ang assignment mo? bakit wala ang notebook mo dito?" tanong ng English Adviser nila na si Ms. Blanco. 

"p-po? uhmm, kasi po ano eh--"

"Ma'am! naiwan po ni Roni yung notebook niya po sa English, kagabi po kasi gumagawa kami ng assignment sa bahay. kaso po sa kamamadali niya po naiwan niya sa lamesa namin, hindi ko na po nakuha kanina kasi nagmamadlai po yung school bus e" paliwanag ni Borj sa teacher. 

"totoo ba yun Ms. Salcedo?"

sumulyap si Roni kay Borj at kinindatan lang siya nito. napangiti naman siya. 

"uhmm, o-opo ma'am. pasensya na po. bukas na bukas po ipapasa ko po agad. sorry po talaga"

"okay sige, palalagpasin ko to. sana maging responsable ka sa mga galaw mo, alam mong importante ang assignments niyo sa akin. at alam niyong nambabagsak ako. it's that clear Ms. Salcedo?"

"yes Ma'am thank you po" umupo si Roni at muling sumilay kay Borj. binigyan nya ng matatamis na ngiti ang lalaki. 

pagkatapos ng klase. 

"Borj!" tinawag ni Roni ang kaibigan habang ito'y naglalakad sa koridor dala dala ang bag pack. napahinto siya sa paglalakad at hinarap si Roni. 

"uy, b-bakit?" tanong nito sa babae.

"uhmm, gusto ko lang sana mag thank you about dun sa pag save mo sakin kanina. salamat talaga ah"

halatang kilig ang lalaki dahil nag blush ang magkabilang pisngi nito. 

"w-wala yun, anytime. pero bakit nga pala hindi ka nagpasa ng assignment mo?"

"actually, gagawin ko naman talaga. kaso nakaligtaan ko kasi sa sobrang ingay sa bahay dahil paalis na kasi sila Mommy noon pabalik ng States"

"ay oo nga pala, nakaalis na sila ulit?"

"oo, siya nga pala dahil sinave mo ko kanina bibigyan kita ng chocolates!" 

"chocolates?"

"yep"

"hindi ba pwedeng kiss nalang?"

"huh?"

"joke! uhmm, sige ikaw bahala. salamat in advance"

"yey! see you later. dalin ko nalang sa inyo ah! bye bye!" tumakbo na paalis si Roni kasama ang ibang classmate nilang babae. 

End of Flashback

mag babasa pa sana si Roni ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya kaya agad niyang tinago ang maliit na notebook sa loob ng tokador at binuksan ang pintuan. bumungad sa kaniya ang pinsan na si Jelai. 

"hi couz, I have something for you!" excited itong sumampa sa kama niya.

"ano nanaman yan?"

"pumikit ka muna, dali"

"ha? bakit? hay nako Jelai ah, mga pautot mo nanaman e"

"dali na kasi. magugustuhan mo to. dali na pikit na" 

"okay okay, heto na bilisan mo ah"

"okay! open mo na!~~ tadahhhh!" 

"ano yan?" takang inabot ni Roni ang hawak nitong bracelet. 

"heto yung binili namin ni Jun-Jun dun sa nagtitinda sa bangketa, for only 50 pesos, ang tawag dyan Love Bracelet. ang sabi nung tindera, it's a sign of Pure Love. kapag daw meron nito ang dalawang magkasintahan, magkakatuluyan daw yun pang habambuhay, o diba ang ganda. isa para sayo at yung isa naman para kay Borj"

napatigil si Roni sa sinabi ni Jelai. at agad naman nakaramdam si Jelai kaya naman...

"ay mali, pala. bahala ka pala kung kanino mo ibibigay. kung gusto mo itapon mo nalang yung isa. pwede naman yang pang porma lang eh, hayaan mo na pala yung meaning nyan. actually binibiro lang kita eh, mukang ginogoyo lang ako nung tindera, di yun totoo. siguro para makabenta lang siya, pero ako heto nagpaloko, pero okay lang! 50 pesos lang naman yan. tulong ko na rin sa kanya yun, wala talagang meaning yan, di totoo. itapon mo nalang--" dirediretsong pagsasalita ni Jelai, tinakpan ni Roni ang bibig nito. 

"ang dami mong sinabi, wala naman akong sinabing itatapon ko ah? ang O.A mo" 

"eh akala ko kasi affected ka pa rin kay Borj, kasi naman ilang araw ka na rin nag kukulong dito sa kwarto. inuuod ka na ata dito"

isang batok ang ginawad ni Roni sa pinsan.

"alam mo intindihin  mo nalang ako, alam mo naman kalagayan ko diba? diba?"

"hay nako, nandun na tayo sa hindi ka niya pinapansin, eh paano ba naman ikaw papansinin eh di ka gumagawa ng moves. kung ayaw madaan sa santong dasalan, daanin mo sa harasan!"

"anong harasan?!"

"kidnapin mo"

"ano?! ano ba yang pumapasok sa utak mo? sabog ka ba ha? Jelai umamin ka nga, anong pinaggagagawa mo sa buhay mo! alam ba yang ng--"

"will you please shut up. okay ako, wala akong sakit at lalong lalo na hindi ako adik!"

"eh kasi naman mga suggestions mo, harassment or kidnapping--"

"seryoso ako sa sinasabi ko. may alam ako kung paano. at pag nangyari yan, pasasalamatan mo ko ng bonggang bongga!"

"eh paano ko magagawa yun?"

"syempre tutulungan kita, also with my booboo bear JunJun. nextweek natin isasagawa yang operation kidnapping. syempre, dun tayo sa safe na araw kung saan walang pasok. at sure akong masosolo mo ng bongga si Borj"

"wait lang hindi ba nakakatakot tong gagawin natin?"

"well, may plan A ako"

"ha? hindi pa ba yun ang plan A?"

"hindi plan B ang kidnapping. ang plan A, yung patweetums muna. saka tayo lumevel up kapag hindi nadaan sa dasalan so, are you with me?" taas baba pa ang kilay na sabi nito. 

"haaay, well sige"

"yown! pagplanuhan na natin ito ora-mismo!"

nawirduhan man siya sa pinsan niya pero binibigay niya ang tiwala dito. desperate moves ika-nga. tama si Jelai, kailangan niyang kumilos. walang mangyayari kung tutunganga lang siya. 

-----

End of Episode 5

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon