Habang sinusulyapan ni Roni si Borj na mahimbing na natutulog. Nakaramdam siya ng awa sa lalaki. Kaya naman itinabi nya ang sasakyan at saka marahan niyang tinanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ni Borj. Sumunod niyang tatanggalin ay ang duct tape sa bibig nito.
Patay mukhang mahihirapan ako dito, mamaya na nga lang -Roni
At nang mag desisyon siya na bumalik sa driver's seat bigla nalang siya nito hinila kaya sa hindi inaasahan dumausdos siya sa matipunong dibdib ng binata. Nagtama ang kanilang mga mata at parehong ikinapula ng pisngi at tenga nila. Bigla naman bumalikwas si Roni sa pagkakadapa at bumalik sa driver's seat.
Umayos naman sa pagkakaupo si Borj at saka hinawi ang buhok na may kasamang paghinga.
Aligaga naman si Roni sa pag start ng engine.
"Gusto mo bang ako na mag drive?"
"Hindi! A-ako na" naiilang na sabi ni Roni at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Sigurado ka? San mo ba ako balak dalhin?"
Bakit ba kasi ginawa ko pa to e, Jelaiiii!!! -Roni
"Pwede ba, wag ka nalang maingay baka gusto mong lagyan kita ulit ng duct tape dyan"
Natatawa naman si Borj.
"Hindi ko alam na hahantong ka sa pagiging kidnapper"
"Excuse me?" Mataray na sabi niya.
"Alam mo Roni, kung gusto mo yung katawan ko pwedeng pwede ko naman ibigay sayo ng hindi mo na ginagawa to" halata ang pang aasar ni Borj kay Roni.
"Ang kapal ng mukha mo! Hoy! FYI, napilitan lang akong gawin to dahil ang arte arte mo! Masyado kang pa hard to get!"
"Aba natural! May kasalanan ka sakin baka nakakalimutan mo?" Tinaasan niya ng kilay ang dalaga.
"Hoy Mr. Jimenez, ako malinis konsensya ko, yung samin na hinala mong may something sa amin ni Cedie eh nagkakamali ka, palibhasa kasi yang utak mo kasing kitid ng isaw. Puro ka malisyosohan ang alam! ni hindi mo nga kami pinakinggan. Anong ginawa mo? Umalis ka, tapos ayaw mo pa kaming pakinggan! Tapos nakipag laplapan ka pa sa babaeng mababa ang lipad!"
"Oh bakit? Pano mo masasabing wala kayong pagtingin sa isa't isa, eh sa twing magkasama tayo maya't maya mo binabanggit yung Cedie na yun, parang hindi mo ko kasama. Laging topic si Cedie. Tapos kung mag tinginan pa kayo akala niyo kayo ang mag syota ah!"
"Malisyoso ka kasi! Inuuna mo kapurulan ng utak mo! Hay nako bakit ba kasi pinag sisiksikan ko pa sarili ko sayo! Tama ka, dapat nga--"
"Hoy! Wag mong tutuloy yang sasabihin mo!"
"Oh bakit?! Diba wala naman na ako sayo? Hindi importante ang opinion ko, Diba?!"
"Ah basta! Magmaneho ka na nga lang! Bahala ka kung san mo ko gustong dalhin" kunot noong sabi ni Borj.
"Wow, talagang gagawin mo kong driver nuh? Feel na feel mo rin eh!"
"Di ko kasalanan yan ikaw mapy pakana nito, at saka napaaway ako dahil sayo!"
"Aba sinisi mo pa ko!"
"Oo! Kung hindi ka nag suot ng malaswang damit na yun! hindi ka mababastos at hindi ako mapapaaway"
"Sino ba kasing nagsabi sayong pagtanggol mo ko? Wala naman diba?"
"Eh s-syempre--"
"Syempre ano?"
"Mahal kita, kaya ko ginawa yun"
Napapreno ng malakas si Roni kaya halos mapunta na sa unahan si Borj.
![](https://img.wattpad.com/cover/176884822-288-k634435.jpg)