Nababalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan ni Borj. At sabay nila naalala ang nakaraan.
Flashback
"Sabi ko sayo tama na yang pag iyak mo e, kahit anong gawin natin aalis na si Cedie, hayaan mo na siya" sabi ni Roni sa kaibigan na si Borj.
"Ayokong umalis yubg bestfriend ko"
"Borj, wala tayong magagawa doon desisyon ng parents niya yun and besides babalik naman din siya e"
"Di mo ko naiintindihan Roni"
"Naiintindihan kita, kasi mahal kita Borj"
"A-ano? Anong sabi mo?"
"Mahal kita, at ayoko pati ikaw ang mawala dahil lang umalis si Cedie. Oo selfish ako pag dating sayo, oo! Pinag seselosan ko si Cedie. Pero hindi ko din kasalanan na mahulog ang loob ko sayo"
"P-pero--"
"Please Borj stop na. Nasasaktan ako kapag nakikita kang nasasaktan"
Tumigil ang mundo ni Borj sa mga oras na iyon. May hapdi at kirot naman sa puso ni Roni habang yakap ang kaibigan. Nag sinungaling siyang gusto niya ang lalaki para lang pag takpan ang nararamdaman niya para kay Cedie. Si Cedie ang totoong tinitibok ng puso niya, pero ibinaling niya ang atensyon kay Borj para makalimutan ang lalaki. Dahil alam niyang gusto ni Paula si Cedie. Nagparaya siya para sa ikakasiya ng kaibigan. Pero naging selfish siya sa desisyon. Pinilit niya ang sariling mahalin si Borj. At naging madali naman ito dahil hindi mahirap mahalin ang kaibigan. Bagkus dumaan ang araw na mabilis siyang naka recover kay Cedie.
End of Flashback
Alam nila ang totoo.
"Sa tingin mo ba tama na nag punta tayo sa party ni Cedie?" Malamyang tanong ni Borj sa nobya.
"S-sorry" out of nowhere yun lang ang nasabi ni Roni.
"Bakit ka nag so-sorry?"
"Kasi naapektuhan ulit ako, bumalik yung nakaraang dapat hindi na, gusto ko maging fair sayo."
"Bakit? Hindi ka naman naging unfair sa akin ah? Bakit mo sinasabi yan? Tayo naman diba? Minumulto ka lang ng nakaraan"
"Paano kung--"
"Pwede ba, don't think too much. Masyado ka na maraming inaalala"
Nag start ng mag worry si Borj. Alam niya kung bakit nag kakaganoon ang nobya.
Matapos ang kanilang bakasyon muling nag bukas ang eskwelahan. Kumukuha ng kursong culinary si Roni habang si Borj naman ay Engineering.
"Yan, ayos na. Ready ka na sa defense niyo? Alam kong kayang kaya mo yan" masayang inaayos ni Roni ang suot na longsleeve ng nobyo.
"Thank you ha" nag pasalamat ito sa nobya at dinampian niya ng halik sa noo ang dalaga.
"Ang sweet sweet namern! Kainggit naman" Pang aasar ni Jelai sa kanila.
"Couz, kayo din naman nung Jun-Jun mo." Sabi ni Roni.
"Mr. Jimenez kayo na susunod" sumilip ang adviser nila Borj.