Episode 18

368 28 4
                                    

"Mom" mahinang tinawag ni Roni ang kanyang ina. Agad naman lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi nito. Tinitignan kasi ni Roni ang bawat litrato sa lumang photo album.

Ngumiti ang ina at saka hinawakan ang anak sa likod.

"Mom, bakit po wala po akong picture nung baby ako? Pero si Kuya meron?"

Hindi nakasagot agad ang ina bagkus tumingin siya sa gawi ng kanyang asawa na nakaupo sa wheelchair at nagpapahinga sa veranda.

"Sorry anak ha, kung hindi kami naging mabuting magulang sayo. Siguro ito na yung right time para malaman mo yung katotohanan"

Takang tumingin siya sa ina.

"Ano po ibig niyong sabihin?"

Nagpakawala ng hininga ang ina at saka humarap sa anak. At ikwenento nito ang nakaraan.

"Anak, may isa ka pang kapatid"

"Po?"

"May kakambal ka. Itinago ko ng matagal na panahon sayo ito dahil sa kagustuhan ng iyong ama"

"Bakit po?"

"Nabuntis ako sa pagkadalaga noon, ayaw ng lola at lolo mo sa tunay mong ama na si Simon. At bata pa rin ako noon at kasalukuyang nag aaral ng madisgrasya. At dahil doon itinago ako nila Mommy dito sa America. Hindi ko inaasahan na magiging kambal ang anak ko. Nalaman ni Simon ang totoong nangyari sakin, tinakot niya ang Mommy na kapag daw hindi namin kayo binigay ay di daw niya kami patitigilin. Kaya nakipag kita ako sa kanya at napagkadunduan namin na maghati --"

"Bakit niyo po ginawa yun? Bakit po kayo nag sinungaling sakin!? Sa buong buhay ko, puro kasinungalingan lang pala. Bakit Mom! Ano pong ginawa ko sa inyo bakit niyo ako ginaganito! Kaya pala ang Daddy hindi malapit sakin dahil hindi ko siya tunay na ama!" Umiiyak na sabi ni Roni sa ina.

"Hija, mali ang inaakaala mo. Tinuring ka na tunay na anak ng Daddy mo"

"Hindi Mom, hindi ko ho naramdaman. Siguro ho ngayon kasi alam niyang mas mauuna akong mamatay kaysa sa kanya"

Isang malakas na sampal ang ginawad ng ina sa kanya. Nag tiim bagang nalamang siya sabay walk out at nag impake ng damit.

Hinabol naman siya ng ina ngunit pinagsaraduhan niya ito ng pinto.

Umiiyak siya habang nilalagay ang mga kagamitan sa maleta. Hanggang sa hindi niya na nakayanan at napaaupo na lamang siya sa kama.

Ilang minuto pa ang lumipas nang mag desisyon siyang iwanan ang pamilya. Hinarang siya ng mga ito ngunit hindi siya nag papigil. Nag stay muna siya sa hotel para magpalipas ng oras.

After niyang mag pabook ng flight. Tinignan niya ang mga kagamitan at saka nakita niya ang litrato ni Borj sa loob ng kanyang wallet. Bigla namang tumulo ang luha niya.

I'm sorry -Roni

Lumipas ang dalawang araw. Nakauwi na siya ng Pilipinas. Minabuti niya munang hindi magpakita kina Jelai at sa kahit sino.

Alam niyang di na siya gagaling sa sakit. Tinapat na rin siya ng kanyang doctor na dalawang taon na lamang ang na lalagi niya sa mundo. Kaya pinangako niya sa sarili na hanapin ang nawawalang kapatid at ang kaniyang tunay ama.

Dahil napag alaman ng kanyang ina na babalik siya sa Pilipinas, binigay sa kaniya ang inpormasyon tungkol dito.  At agad niyang pinuntahan ito. Naglagay na rin siya ng face mask para sa proteksyon.

"Uhmm, excuse me ho sir. Alam niyo po ba kung saan dito nakatira si Simon Prats?" Tanong niya sa isang lalaking nag lalakad.

"Ah si Mang Simon! Yung mukhang amerikano?"

"Uhmm, yun ho"

"Doon banda sa dulo ang bahay nila. Kaso ang anak niya nalang at tiyahin niya ang nakatira dyan. Si Mang Simin matagal ng patay"

Nagulat siya sa sinabi ng kausap.

"Ho?"

"Ah sige, mauna na ako sayo. Basta dumeretso ka lang tas kanan" pagkasabi nito ay agad na itong umalis.

Nang marating niya ang bahay.

"Camille!!!!! Bakit ganito lang ang binigay mo?!" Narinig niyang sabi ng nasa loob.

"Eh Tiyang. Yan lang ho kasi yung binigay ng boss ko ngayon--"

"Kulang to. Ano ka ba naman, alam mo ng madaming gastusin ngayon e. Malaki ang bayarin ko--"

"Eh kasi ho, kung sana--"

"Aba'y wag ka ng sumabat diyan at baka bugbugin kita ulit!"

"Bahala nga ho kayo. Basta binigay ko na ho yang share ko. Halos wala na nga akong pera para sa sarili ko e"

"Nag rereklamo ka ba?"

"Ay di ho, nag papaliwanag lang. At nag sasabi ng totoo"

"Wala kang karapatan! Tandaan mo utang mo ang--"

"Pwede ho ba, tantanan niyo na ko sa utang ko ang buhay ko sa inyo. Oo alam ko ho yun na kayo ang nagpapalamon sakin. Pero di ko naman go kagustuhan din yun na mahirapan kayo ng dahil sakin. Nahihirapan din ho ako!"

"Oy! Camille! Bumalik ka dito!"

"Ha! Bahala na ho kayo. Papalamig na muna ako"

Nakita ni Roni ang papalabas na babae sa pinto. At agad niyang nakumpirma na kapatid niya iyon. Kamukhang kamukha niya ito.

Sinundaan niya ito at hindi na siya nag dalawang isip na lapitan ito. Hinawakan niya sa braso at humarap itong nakakunot ang noo.

"Sino ka?!" Sigaw nito sa kaniya at sabay alis sa pagkakakapit ni Roni sa kaniya

Para siyang nananalamin ng mga sandaling iyon hindi siya nakapaag salita kaagad. At saka niyakap niya aang kapatid. Nagulat naman ito sa ginawa niya.

"Teka teka teka, sino ka ba? Bakit mo ko niyayakap?" Sabi ni Camille.

Dahan dahan naman inalis ni Roni ang takip sa bibig.

Gulat na gulat si Camille ng makita si Roni.

"B-bakit?" Sambit ni Camille.

-----
End of Episode 18

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon