[Play the BGM later]
nakauwi na sila mula sa palawan, dumeretso si Roni sa kanyang Auntie Tessy at doon nagpahinga.
"Hija, okay kalang ba? Ang putla mo" sabi ng kanya tiyahin.
"P-po? Uhmm, napagod lang ho ako sa biyahe"
"Ganun ba? Gusto mo bang kumain muna? Nagluto ako ng sinigang"
"Auntie, okay lang po ako. Siguro po mamaya na po. Gusto ko po munang mag pahinga"
"Oh sige ikaw ang bahala"
"Auntie, si Jelai po?"
"Ah kasama ang boyfriend niya umalis"
"Ganun po ba?" Nanghihinang sabi niya. Maglalakad na sana siya patungo sa hagdan ng nakaramdam siya ng hilo. Agad naman siyang nasalo ng tiyahin.
"Roni! Teka teka. Humiga ka na muna dito" dinala siya sa kalapit na sofa ng kanyang tiyahin at inihiga. Lalong nataranta si Tessy ng makita niyang may dugo sa ilong ang pamangkin. Dali dali siyang kumuha ng panyo at ipinahid ito sa ilong ng dalaga.
"Auntie may gamot po sa bag ko--"
"Okay okay sige" nagmamadaling kinuha ng kanyang tyahin ang gamot sa bag nito at pinainom sa pamangkin.
At nang matapos ito sa pag inom pinapahinga niya ang pamangkin. Takang taka siya sa nangyayari sa dalaga. Binasa niya ang gamot na pinainom at laking gulat niya ng malaman na para sa leukemia ang gamot.
Napahalukipkip ang tiyahin sabay tingin sa pamangkin. Di siya makapaniwala sa nakikita. Agad niyang kinontak ang mga magulang nito.
"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Bakit pinayagan niyo ang bata na dito tumira? Hindi niyo man lang siya sinamahan? Until now pabaya pa rin kayo. Di ba kayo na aawa sa anak niyo?!" Galit na sabi niya sa kapatid.
"Ate, kumalma ka. Pinayagan namin siya dahil yun ang kagustuhan niyang mangyari. At sorry kung hindi namin nasabi sayo kaagad dahil yun ang kahilingan niya"
"Pero bakit hinayaan niyo siyang mag isa! Paano kung biglang mawala nalang siya ng wala kayo!? Ano ba naman yung kahit sa pagkakataong to maging magulang kayo sa kaniya. Matagal ko na kinikimkim to pero sobra na. Marites!"
"Ate, hindi ko pwedeng iwan si Carlito dito. Alam mong may sakit din siya. Hindi ko--"
"Punyeta!! Dapat hindi niyo hinayaang mag isa ang bata! Ano bang nangyayari sayo? Leukemia ang sakit ng anak mo! At hindi basta basta. Baka mauna pa sa asawa mo ang anak mo"
Hindi niya na narinig sa kabilang linya ang kausap.
"Sorry, pero napuno na ko. Marites, sana kahit ngayon lang mag paka Nanay ka sa kanya. Ngayon lang" huling sabi ni Tessy at saka binabaan niya na ito.
Muli siyang humarap sa pamangkin at hinaplos nag ulo.
"Pasensya ka na sa mga magulang mo ah, don't worry habang wala sila ako mag aalaga sayo" umiiyak na sabi niya. Dumilat naman ang mga mata ni Roni at ngumiti sa tiyahin.
"Wag po kayong mag alala Auntie. Aabot pa po ako ng mga 3 years"
Hindi nalang sumagot ang tiyahin bagkus niyakap niya ang pamangkin ng mahigpit. Sabay bumukas naman ang pinto at bumungad sa kanila si Jelai na takang taka sa nangyayari.
"Couz!" Sabay takbo nito sa pinsan.
"Jelai"
"Are you okay? Did you take your medicine?"
"Oo napainom ko na siya" sambit ni Tessy.
"A-alam niyo na po?" Tanong ni Jelai.
Tumango naman ang tiyahin.
"Basta promise niyo po sa akin hindi niyo po ito sasabihin sa iba ah" sabi ni Roni sa dalawa.
"Bakit hija? Kahit sa nobyo mo?"
"Auntie, wag na po kayong magalit kina Mommy, ako po talaga nag pumilit na umuwi dito. At sana po pagbigyan niyo po ako sa munting kahilingan ko. Gusto ko po kasing ituring niyo ako ng normal, lalo na po si Borj. Ayoko po na malaman niya ang sakit ko. Baka po iwanan niya na po ako"
"Hija, nirerespeto ko ng kagustuhan mo. Pero, deserve naman siguro ng nobyo mo na malaman ang katotohanan"
"Sasabihin ko din naman po sa kanya sa takdang panahon. Gusto ko lang pong mangyari ay makasama siya at mamuhay ng masaya ng walang inaalala"
Tumingin ito kay Jelai at sumang-ayon nalang din siya.
Lumipas ang ilang araw. Nag panggap si Roni kay Borj na okay siya, healthy, walang sakit, masaya, walang inaalala. Hanggang sa dumating ang time na isurpresa siya ng binata.
[Play the BGM]
Piniringan niya ang mga mata ng nobya at saka dahan dahan niya tong inakay kung saan gagawin ang surprise.
"Okay we're here" sabi nito sa dalaga. Pinaupo niya ito at saka iniwan. Maya maya pa'y sinarado ang ilaw. May nagtanggal ng piring niya. At pag dilat ng kanyang mga mata, napukaw ng atensyon niya ang nag iisang ilaw na nakatapat kay Borj.
"A-anong ginagawa mo?"
Sa sandaling iyon biglang bumukas ang ilaw at surpresang nakita niya na isa isang umiilaw ang mga petals na nasa lapag. Ikinamangha niya ang nakikita.
Dahan dahang lumakad ang binata papunta sa dalaga.
Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Roni sa mga sandaling iyon. Alam niyang dadating ang pagkakataong iyon. Pero hindi niya inaasahan na ngayon mangyayari iyon.
At nang makalapit na si Borj sa gawi niya ay agad nitong kinuha ang kamay at sinayaw siya.
Marahang gumalaw ang mga paa nila hanggang sa sumabay sila sa tugtog.
Bumulong ang binata sa kanya.
"I love you"
"I love you too" at ng mga sandaling iyon bigla nalang tumigil sa pag sayaw ang binata. At tumitig ito aa kanyang mga mata. Maya maya pa'y lumuhod ito.
Gulat na gulat si Roni sa ginawa ng nobyo. May kinuha ito sa kanyang likuran na maliit na box na may lamang singsing.
"Will you marry me?" Nakangiting tanong niya.
Natulala si Roni sa pangyayari hindi niya alam ang kanyang gagawin. Naiiyak siya. Nahihirapan siyang huminga lalo na ng maisip ang kalagayan niya. Tama ba magiging desisyon niya? Tama ba ang gagawin niya?
Tumagal ng isang minuto bago siya mag salita, pinahid niya muna ang luha at saka huminga ng malalim.
"Uhmm. Tumayo ka please" mahinang sabi niya.
Unti unti namang nawala ang ngiti sa labi ni Borj. Takang taka siya sa ginagawa ng nobya. Inunawaa niya kung bakit, gusto niyang maintindihan. Siguro ay hindi pa handa si Roni para sa ganoon.
"I'm sorry kung minamadali kita. Uhmm, okay lang naman sakin kung hindi mo muna tanggapin e, makakapag hintay naman ako--"
"No, Borj. Uhmm. I'm sorry but I can't--"
"Wait. What do you mean you can't?hindi ka pa ready? O-okay lang naman sakin yun eh" Nauutal na sabi nito at nagsimula ng kabahan ang binata.
"Hindi kita pwedeng pakasalan"
"you're kidding right? Tell me, nag bibiro ka lang diba?" Nangingilid na ang mga luha niya sa mata.
"Sorry" hindi na kinaya ni Roni kaya naman nag walk out siya palabas ng lugar at dali daling tumawag ng taxi.
Naiwan naman si Borj na umiiyak. Hanggang sa sumigaw siya at pinag sasapak ang dingding hanggang sa nag dugo ang kanyang kamao.
Habang si Roni naman ay iyak ng iyak .
"Ma'am okay lang po kayo?" Tanong ng taxi driver.
"Opo manong paki baba nalang po ako malapit sa convenience store" saad niya saka pinunasan ang mga luha. Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang pinsan.
"Hello, Jelai. Pwede mo ba kong sunduin?"
-----
End of Episode 15
