Episode 10

416 29 1
                                    

"oh my god!!!! Roni!!!!!" Niyakap siya ng mahigpit ng kanyanv pinsan na si Jelai.

"Hi couz, kamusta?" Masayang tanong  niya sa pinsan.

"Heto okay lang, medyo hectic lang yung schedule dahil alam mo na, model. Hehehe anyway, bakit naman hindi ka nagpasabi sa amin na uuwi ka pala dito?"

"Well, ito talaga plano ko surprise ko kayo. Nasaan sila Auntie Tessy at Sunshine?"

"Ah, si Auntie Tessy umuwi ng province mga 3 weeks na siya nandun, hindi ko alam kung kailan  uwi niya. Si Sunshine naman sumama  na sa boyfriend niya, nakipag live in"

"Ano? Teka alam ba nila Tito yun?"

"Oo daw yun ang sabi niya"

"Pasaway talaga. Pero teka, eh di ikaw lang nandito?"

"Oo, pero madalang nalang din ako nagagawi sa bahay kasi usually malalayo yung pinag sho-shootingan namin. Naku, buti nalang pala wala akong trabaho ngayon kung hindi, wala ka madadatnan dito."

"Uhmm, couz pasensya na kung medyo natagalan ako umuwi. Madami din kasing nangyari e. Kaya hindi rin ako nagparamdam sa inyo."

"Oo nga, alam mo nakakatampo ka nga e. Buti nalang talaga pinsan kita kaya okay lang sakin. Pero si Borj ewan ko lang"

"Haaay, kasalanan ko din naman kung bakit hindi na rin siya nagparamdam pa sa akin e"

"Bakit nga ba couz?"

"eh basta, siguro malalaman mo nalang sa takdang panahon, pero bago ang lahat tulungan mo muna akong ipasok tong mga gamit sa loob kasi kanina pa tayo nasa labas"

"ay! oo nga pala" nagtawanan sila at saka dali dali pumasok sa loob ng bahay. 

-----

"uhmm, sorry nga pala kasi natarayan kita noon" sabi ni Jane habang nag lalakad sila palabas ng conference room.

"it's okay"

"anyway, it was nice to meet you. I hope maging successful ang project natin"

"sure yan, mukha naman magaling ka"

"aww, thank you. uhmm, coffee?"

napatingin si Borj kay Jane at ngumiti siya dito bilang pag tanggap sa alok nito.

nag stay sila sa isang kilalang coffee shop hanggang sa naging komportable sila sa isa't isa. 

pag balik ni Borj sa kanyang opisina, sumalubong sa kanya ang sekretarya. 

"sir, may bisita po kayo"

"aw, sino?" nakangiti pa rin si Borj bago pumasok sa kanyang opisina. 

"uhmm, si Miss Roni Salcedo daw po" 

napatigil siya ng pagbukas ng pinto at mabilis na humarap kay Lovely na nagtataka sa reaksyon ng amo.

"sir? okay lang po kayo?"

"where is she?"

"sabi niya po may bibilhin lang daw po siya--"

mabilis na tumakbo si Borj at hinabol ang elevator ngunit di na niya ito naabutan. 

"sh*t" saad niya. gumamit nalang siya ng hagdan pababa ng building. mabilis siya nakarating sa lobby at saka kinausap ang receptionist. tinanong niya ang mga ito maging ang gwardiya. 

"opo sir, may lumabas pong puting SUV ngayon lang po, mga 5 minutes ago" sabi ng gwardiya. 

"o sige salamat"

"sige po sir"

napahawi nalang ng buhok ang lalaki. 

-----

"uy, couz? okay ka lang?" napansin ni Jelai ang malungkot na mukha ni Roni. 

"ha? oo. uhmm, tara na" si Jelai kasi ang nasa driver seat ngayon. 

"teka, eh bakit parang ang bilis mo? hindi mo nakita si Borj?"

"ha? uhmm. hindi e, w-wala daw siya doon eh"

"ah I see, wag kang mag alala makikita mo rin yun. don't be sad. teka, papasyal nalang kita para hindi ka na malungkot"

ngumiti lang si Roni. 

sino kaya yung kasama niya? bakit ang saya saya niya? hindi kaya may kapalit na ko? -Roni

sabi ng kanyang isip. dumeretso sila sa shopping mall ng pinsan at saka kumain. napag usapan din nila ang mga experience nila sa mga nakalipas na taon. hanggang sa ma-open ang topic about sa kanilang love life.

"couz, paano kung meron na ngang iba si Borj?" tanong niya kay Jelai.

"imposible yun, kasi until now patay na patay pa rin yun sayo e"

"paano mo nasabi? eh hindi na rin naman kayo nag kikita?"

"basta feeling ko lang kasi nung umalis ka halos araw araw niya kaming binibisita sa bahay tapos kapag birthday mo sine-celebrate namin. hindi mo alam yun nuh? kasi naman ang tagal mong di nag paramdam"

"sorry" bigalang nalungkot si Roni.

"pero couz, matanong nga kita. mag sabi ka ng totoo? bakit? anong nangyari sayo? don't tell me nag cheat ka kay Borj?"

"hindi noh! hindi ko magagawa yun sa kanya"

"eh bakit nga?"

huminga ng malalim si Roni at muling humarap kay Jelai. 

"I have cancer"

natigilan sa pag nguya ng pagkain si Jelai ng marinig ito sa pinsan.

"w-wait? what? couz, wag kang mag biro niyan! di magandang biro"

"may leukemia ako. kaya matagal akong hindi nagparamdam sa inyo dahil sumasalang ako sa treatment. pero sabi ng doctor medyo mahaba pa naman daw ang ilalagi ko sa mundo. kaya umuwi na rin ako dito. akalain mo yun? mauuna pa ko kay Daddy" nangingiti pa siyang sabi niya.  

hindi naman mapigilan ni Jelai ang pagtulo ng luha kaya naman agad niyang niyakap ng mahigpit ang pinsan. 

"ang daya mo" halos humagugol na si Jelai.

"pasensya na couz, kung hindi ko nasabi sayo agad. kasi gusto ko pang maranasan yung normal na buhay. gusto kong ituring pa rin niyo kong normal, na parang walang sakit. pwede ba yun?"

"o-oo naman, s-syempre. pero wag mo muna ako pigilan sa pag iyak kasi di ko kaya e. binibigla mo ko. hindi ko alam kung ano dapat kong gawin"

"okay lang. pero sana couz, satin lang to. wala na sanang iba pang makakaalam"

tumango naman siya at muling pinunasan ang luha. 

"oh tama na. baka sabihin nung mga tao dito baliw tayo. kain na tayo"

"s-sige"

-----

End of Episode 10


Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon