"yes, I'm on my way na" kausap ni Borj si Jane sa cellphone habang tahimik naman nakaupo si Roni sa passenger seat.
Muling hinawakan ni Borj ang kamay ng dalaga.
"You okay?" Tanong niya dito at saka hinalikan ang kamay ng nobya.
Tumango at ngumiti lamang si Roni.
"If you want, you can come with me"
"Ay hindi na, baka din kasi umuwi na si Auntie Tessy sa bahay"
"O sige, pagkatapos ng meeting ko puntahan kita agad"
"Okay"
Naihatid na ni Borj si Roni sa bahay ng kanyang Auntie Tessy. Nagpaalam na siya sa nobya at saka dumeretso sa meeting place nila.
Nadatnan niya ang sexy na babae na naka white dress naa hapit na hapit habang luwa ang cleavage nito. Bumeso si Jane sa lalaki at pinaupo siya nito.
"Nasaan na si Mr. Dela Cruz?" Tanong ni Borj kay Jane.
"On the way na daw. Anyway, do you want some coffee?"
"No thanks, nakapag kape na ko e"
"Hmmm. Okay" napapansin naman ni Jane ang matamlay na lalaki kaya naman tumahimik na lamang siya.
Maya maya pa'y dumating na si Mr. Dela Cruz. Maayos naman ang napagusapan nila regarding sa materyales. Pumayag na ito sa kagustuhan ni Borj.
"Engr. Jimenez, gusto ko sanang unahin mo yung sa Palawan bago itong sa Makati"
Nagkatinginan sina Jane at Borj.
"Uhmm, sige po sir" pag sang ayon niya.
"As soon as possible sana, dahil gusto kong matapos agad iyon. Pwede kong doblehin ang bayad"
Sumang ayon na dila sa gustong mangyati ni Mr. Dela Cruz. Kahit labag man sa loob ni Borj ang gagawin ay wala siyang magagawa kundi sundin ito.
Kinausap niya si Jane about sa plano nilang umalis sa lingo para sa site checking. 3 days silang mananatili doon. At more than a month silang mag stay doon para matapos nila ang poject. Naalala niya naman si Roni sa pagkakataong iyon. Plano niya sanang isama si Roni sa Palawan.
After ng meeting niya with Jane ay agad niyang sinabi iyon kay Roni.
"Baby, sige na pumayag ka na. Sumama ka nalang sa akin"
"Pero--"
"Please" pag mamakaawa nito sa nobya.
"Okay fine"
"Yes!!! Thank you!" Pinapak niya ng halik ang nobya.
"Kasama yung architect mo sure ako dyan? Diba?"
"Uhmm, Oo. Kaya nga sinama kita e. Kasi baka mamaya mag selos ka nanaman"
"Ako? Maseselos sa kanya? No way"
"Aysus, indenial ka pa. Eh inamin mo naman na sakin yun. Anyway, thank you talaga baby. Matutuloy na natin yung ano--"
Bago pa man matapos ni Borj ang sasabihin sinikmuraan siya ni Roni.
"Aray ko baby, masakit yun"
"Pervert mo kasi"
Dumaan ang mga araw na sinulit nila Borj at Roni na magkasama sila. Hanggang sa dumating na ang araw na paalis na sila papuntang Palawan.
Dala dala ni Borj ang gamit ni Roni papasok ng Airport.
"Engineer!" Narinig nila ang boses ng babae sa likod kaya pag talikod nila si Jane agad ang nakita nila.
