Episode 21

466 32 11
                                    

At the bar.

Roni ordered 2 buckets of beer.

"Couz, sigurado ka ba? Kasi baka~"

"Sinabi ko naman sayo na okay lang. Let's enjoy life. Sabi nga nila YOLO! You only live once! So, here I'am! living life to the fullest! Cheers?"

Hindi nalang kinontra ni Jelai ang kagustuhan ng pinsan. Nag patuloy sila sa ginagawa hanggang sa tamaan na ng alak si Roni.

"Couz uwi na tayo, di mo na kaya e" kinakalabit niya ang pinsang nakayuko.

"Sorry! Okay game na~"

"No, we're going to leave"

Inakay niya ang pinsan palabas at sinakay sa sasakyan.

"Hay nako Roni, last na natin to ah! Tsss! Bakit ba kasi ako pumayag sa kagustuhan mo e. Tignan mo tuloy! Ang tigas kasi ng~" nahinto siya sa sasabihin ng marinig niya ang pag hikbi ng pinsan. "Roni? Are you okay?"

"Di ko naman kasalanan diba?" Ramdam ni Jelai ang pag iyak ng pinsan kaya naman dinamayan niya agad ito.

"Pasensya ka na couz ah. Kasi dinadamay  kita sa kalokohan ko. Pero alam mo, masaya ako ~ sobra ~ kasi ~ nandito ka pa rin. Kahit na sobrang nahihirapan na ko. Pinili mo pa ring samahan ako at intindihin ako. Salamat ha" umiiyak na sabi niya kay Jelai. Hindi na rin napigilan ni Jelai ang pag bagsak ng luha niya.

"Ano ka ba~ syempre gagawin ko lahat para sayo. Ganun kita kamahal e. Ikaw yung pinaka bestfriend ko. Thank you din kasi na appreciate mo ko! Ano ba to! Pinaiyak mo nanaman ako e"

Napangiti naman si Roni sa sinabi ng pinsan.

"Couz, pwede mo ba kong tulungan?"

"Saan?"

Sinamahan ni Jelai ang pinsan papuntang Cebu para puntahan ang dating bestfriend ni Borj na si Cedie.

"R-roni?" Nagulat ito ng muling makita ang dalaga at saka nito niyakap ang dalaga maging si Jelai.

"Hi"

"W-why are you here?"

Sinulyapan ni Roni si Jelai, at nakuha naman nito ang mensahe ng dalaga. Iniwan niya ang dalawa.

"Gusto ko sanang makausap ka"

"T-tungkol saan?"

"Alam ko hindi na ganoon kayo ka close ni Borj ngayon, sorry kasi isa ako sa naging dahilan kung bakit hindi kayo naging okay."

"Hindi, hindi mo kasalanan yun"

"Pero yun ang totoo. Gusto ko alang malaman mo na hindi kita nakalimutan. Thank you kasi naging mabuti kang kaibigan sa amin, at naging mabuti kang tao sakin. Ilan lang kasi kayo sa mga naging totoo sa akin e. Kaya bago ako mawala gusto kong personal ko kayo makita at makasama kahit saglit lang~"

"Teka teka, naguguluhan ako, bakit parang namamaalam ka na parang mawawala ka na sa mundo?" natatawa pang sabi nito.

"Hmmm. Tama ka" ngumiti pa ang dalaga sa kaniya

"I don't believe you. Are you serious?" Kumunot naman ang noo ng binata.

"Sa tingin mo ba gagawin ko to kung hindi?"

"P-pero p-paano?"

"I have leukemia"

Hindi alam ng lalaki ang gagawing reaksyon ng malaman ang sakit ng babae.

"Oh no. You're kidding right?"

"No, I'm not" matipid na ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang nakatingin sa kausap. Agad naman siya niyakap nito ng mahigpit.

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon