Nagmamadaling tumakbo si Jelai papunta sa pinsan at agad naman siya nitong niyakap ng makita.
"A-anong n-nangyari?" Sabi niya sa pinsan habang akap ito.
"H-hi-hindi ko na a-alam" humihikbing sabi nito.
"B-bakit? Nag away ba kayo ni Borj?"
"I left him"
"What do you mean? Nakipaghiwalay ka?"
Tumango naman ang dalaga. Napasapo naman sa noo si Jelai.
"Hay nako, tara na muna umuwi na muna tayo"
Inakay niya ang pinsan pauwi ng kanilang tahanan.
Samantala si Borj naman ay mag isang hinarap ang sitwasyon. Gusto niya ng malinaw na kasagutan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naging reaction ni Roni sa ginawa niya. Paulit ulit ito sa isip niya. Hanggang sa nag desisyon siyang puntahan si Roni.
Nang makarating siya sa tinitirhan ng nobya.
Alas dos na ng madaling araw ng katukin niya ang bahay.
"Roni!! Mag usap tayo please! Kausapin mo ko!"
Nagising naman sina Jelai at Roni sa ingay sa labas.
"A-ano yun?" Kunot noo na saad ni Jelai at sinilip ang labas ng bintana. Humarap siya kay Roni.
"Si Borj" sabi niya sa pinsan.
"Roni! Please naman oh! Wag mo namang gawin sakin to, nag mamakaawa ako sayo."
"Couz" malumanay na sabi ni Jelai sa pinsan.
Tumulo naman muli ang luha ni Roni ng mga sandaling iyon at pinili niya nalang na manahimik at muling bumalik sa pag higa.
Bumuntong hininga na lamang si Jelai at saka nag desisyon na babain na si Borj.
"J-Jelai si Roni?"
"Sorry Borj pero ayaw na ni Roni makipagkita sayo"
"Bakit? Ano daw ginawa ko? Bakit ganun? Hindi ko maintindihan--"
"Borj, gusto man kita tulungan kaso hindi ko hawak ang utak niya. Pasensya ka na"
First time makita ni Jelai ang pag iyak ni Borj. Ramdam niya ang sakit ng lalaki. Kahit siya ay naiiyak na rin.
"S-sige Borj, umuwi ka na. Mag iingat ka sa byahe. Goodnight"
Sabi ni Jelai at sinarado niya na ang pintuan at sa pag sara nito ay nakita niya si Tessy na nakatayo. Nagusap ang mga mata nila at nagkaunawaan.
Umuwi ng luhaan at lutang si Borj. Di niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon niya ngayon. Kumuha siya ng alak at saka ininom ito hanggang sa makaramdam siya ng hilo. Pagewang gewang siyang umakyat sa kwarto at saka sinalampak ang sarili sa kama.
"Roni~~" sambit niya bago pa man siya tuluyan dalawin ng antok. Pag kasara ng kanyang mga mata ay may mumunting luha na bumagsak. At tuluyan na siyang nakatulog.
Lumipas ang ilang araw. Pareho nilang hinarap ang depression. Pinili ni Roni na bumalik na lamang sa America para doon magpagamot.
Habang si Borj naman ay nanatili sa pilipinas at ipagpatuloy ang trabaho. Sa mga nakalipas na araw ay bigla na lamang nagbago si Borj, naging bugnutin at mainitin ang ulo nito lalo na sa mga empleyado maging kay Jane.
"Ano ba naman yan Ms. Gatchalian diba sinabi ko sayo wag yan ang kunin mo dahil madaling masira yan. Papalitan niyo yan, ayokong mapahiya tayo. Baka sa susunod na araw hindi na tayo ang kukunin ni Mr. Dela Cruz!" Hiyaw niya sa babae.
"Pero Engineer sabi naman ni Mr. Dela Cruz, okay naman daw ito--"
Hindi na naituloy ni Jane ang sasabihin ng pagdabugan siya ni Borj.
"Leave" utos ng binata sa kanya.
Tumayo na lamang si Jane at saka lumabas ng opisina.Bigla naman napatingin si Borj sa kaliwang bahagi ng kanyang lamesa kung saan nakapatong ang picture ng babaeng minahal niya ng lubusan. Kinuha niya ito at itinago sa loob ng drawer niya at muling bumalik sa pag ta-trabaho.
Ilang araw pa'y unti unting nagiging miserable ang buhay ni Borj. Palagi siyang nawawala sa sarili. Maging ang mga kaibigan ay nakakaaway niya na pero inintindi nalang siya ng mga ito.
Hanggang sa makatagpo siya ng katapat niya.
*prrrrrrrrrrrrrrrrrrttt* madiing pinindot ni Borj ang busina ng biglang may tumawid na babae sa kalsada. malakas din ang pihit niya sa preno at saka nag desisyon na bumaba ng sasakyan upang harapin ang babae na nakasuot ng leather jacket at maong pants, naka sumbrero din ito.
"Ano ba! Papakamatay ka ba?" Sabi niya sa babaeng muntikan niya ng masagasaan.
nakayuko pa ang babae at panay tingin nito sa likod.
"oy! ano ka ba? bulag, pipi o bingi? kinakausap kita!" hahawakan niya na sana ang babae ng biglang nagmadali ito ng makita ang gwardiya na tila hinahanap nito ang babae. kaya naman nabangga siya nito at na out of balance silang dalawa at bumagsak sa sahig. napaakap si Borj sa babae habang nakadikit naman ang mukha ng babae sa dibdib niya dahil natanggal ang sumbrero nito.
"hoy!" sigaw ng gwardiya sa babae.
agad naman tumayo sila.
"oh, ito na nga eh. magbabayad naman kasi ako. kinuha ko lang sa kaibigan ko" at may binigay ang babae sa kausap na gwardiya sabay turo kay Borj.
"ha! kasabwat ka nito noh?" turo ng gwardiya kay Borj.
"what?! no!"
"aba may pa english english ka pang magnanakaw ka! hala sige sumama kayo sakin at dadalin ko kayo sa presinto" sabi naman nito habang hawak hawak ang kamay nila.
"what the-- wait! what are you doing?" sabi niya sa babae. at laking gulat niya ng humarap ito sa kaniya.
"s-sorry" nag peace sign pa ito sa kanya. napahinto sa paglalakad si Borj ng hindi makapaniwala sa nakikita.
"R-roni?" mahinang sabi niya.
-----
End of Episode 16
![](https://img.wattpad.com/cover/176884822-288-k634435.jpg)