Episode 8

478 30 3
                                        

"heto na nga pala yung mga damit mo, kung may kailangan ka pa sabihan mo lang ako" saad ni Roni kay Borj na tahimik na nakaupo sa may veranda. 

"salamat"

nginitian niya lang ang nobyo at muling bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto. 

nagpalit na ng damit si Borj at natapos naman sa pagluluto si Roni. 

"kain na" aya niya sa binata.

"ano yan?"

"sinigang na sugpo" alam ni Roni na hindi kumakain si Borj ng walang sawsawan na kasama, kaya pinaghanda niya na rin ito. 

natuwa naman si Borj sa nakita. at masaya naman nilang pinagsaluhan ang pagkain. dumating ang gabi ng hindi nila namamalayan. nag decide si Roni na mag lakad sa tabing dagat. sinamahan naman siya ng nobyo. 

"Borj"

"hmmm?"

"gusto ko sana mag sorry sayo"

"about san?"

"kasi nasaktan kita ng di ko sinasadya"

"ako nga dapat mag sorry sayo kasi nagpadala ako sa selos"

"okay lang kahit ako din naman siguro ganun ang mararamdaman ko, sorry kung naging manhid ako sa feelings mo"

"wala na yun, ang importante tayo pa rin diba?" 

at hinawakan ni Borj ang kamay ni Roni. 

"pero alam mo, namiss kita" sabi ni Roni

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"pero alam mo, namiss kita" sabi ni Roni. 

"miss mo ko?"

"uh-hmmm" tumango ito at ngumiti. 

marahang hinatak ni Borj ang nobya papalapit sa kanya at dinampian ng halik ito sa noo. 

"i love you" 

hindi naman naitago ni Roni ang kilig kaya napabungisngis nalang siya sa ginawa ng nobyo. at ng bumalik sila sa villa. muling nag timpla ng kape si Roni para sa kanilang dalawa. nakita niyang nakatayo ang nobyo sa may veranda kaya nama'y nilapitan niya ito. 

"anong iniisip mo?" tanong niya sa lalaki.

"si Cedie"

"nabasa mo na ba yung sulat niya sayo?"

"actually until now hindi pa"

"ah, kailan mo balak basahin?"

"siguro pag uwi ko nalang, tatawagan ko nalang din siya"

"okay yan, para magkaayos na rin kayo. pero alam mo kawawa din si Cedie nuh?"

"bakit naman? sa kanya naawa ka sakin hindi?"

"kasi may bestfriend siyang may sayad ang utak"

"ayan ka nanaman e, nag start ka nanaman"

"joke lang" natatawang sabi niya sabay higop ng mainit na kape, nakalimutan niya namang mainit iyon kaya napaso ang dila niya. "ouch ouch ouch ouch! erlll"

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon