Episode 20

460 32 8
                                    

Umuwi ng luhaan si Roni. Hindi niya mapigil ang pag iyak, gusto sumabog ng kanyang puso sa pighati na nararamdaman. Inabot ng ilang oras ang pag iyak niya. Hanggang sa napagod siya sa pag iyak.

Kinuha nya ang gamot sa maleta at ininum nito. Nang mahimasmasan, pinigil niya ang sarili sa pang iyak. Humiga siya sa kama at saka ipinikit ang mga mata. Naisip niya ang sarili.

Okay lang siguro yun, kahit naman mangyari yun wala na rin ako magagawa. Mamamatay rin naman ako, siguro mabuti nang mapunta siya sa kapatid ko. Kahit masakit pero tatanggapin ko. Ginusto ko naman to e. Ako ang nag decide kung bakit naging ganito

Sabi niya sa sarili. At tuluyan na rin siyang nakatulog. Pag gising ng umaga ay agad siyang pumunta sa banyo. Habang naliligo ay bigla nalamang sumakit ang ulo niya at nakaramdam siya ng hilo. Pinatay niya ang rumaragasang tubig at saka naglakad papunta malapit sa sink. Hinagod niya ang sariling mukha at saka pinunasan ng twalya at binalot ang sarili. Lumabas siya ng banyo at umupo sa katabing kama. Kinuha ang gamot at ininom ito. Pagkatapos ay tumayo siya sa pagkakaupo at kinuha ang isang twalya na nakasabit at pinunasan ang buhok. Lalong kinabahan ang dalaga ng makita ang maraming hibla ng buhok ang sumabit sa twalya. Napahawak siya sa ulo at dahan dahang kinapa ito.

"Oh my god" napahalukipkip siya dahil marami nang buhok ang nalagas sa kaniya. Sa mga unang taon ay iniinda niya lang dahil akala niya ay hindi ito mangyayari pa ngayon dahil itinigil niya ang pag papatreatment, pero mali pala ang kaniyang hinala. Napaaga ang pagkakalagas ng buhok niya. Lalo siyang pinang hinaan ng loob.

Di naman napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Pero agad niya itong pinunasan at kinausap ang sarili sa salamin.

"I-enjoy mo nalang, yun naman talaga balak mo diba? Basta gawin mo ang lahat ng makakaya mo para maging maganda ang pagkawala mo" nginitian niya ang sarili at saka bumuntong hininga. At nag bihis na siya. Sinuot ang niya ang paboritong damit niya na bigay ng dati niyang nobyo. Isang simpleng T-shirt na may nakasulat na Borj sa bandang baba ng damit. Sinadya niyang suotin ito dahil plano niyang puntahan si Borj sa opisina nito.

Sinuot niya ang beanie at shades na bigay ng kaniyang ina. At nag madali na siya papunta sa opisina ni Borj.

At nang nasa building na siya.

"Hi goodmorning, I have an appointment with Engineer Jimenez" sabi niya sa receptionist sa lobby.

Kinontak naman agad ng receptionist ang opisina. At kinumpirma ito sa sekretarya.

"Excuse me Ma'am, may I know your name?" Tanong nito sa kaniya.

"Roni Salcedo"

Matapos nito makipag usap ay binaba na ang telepono at saka pinaupo muna siya.

Samantala, si Borj naman ay busy sa ginagawang papeles. Habang si Camille ay nagpaalam para bumili ng kape.

Kumatok sa pintuan ang bagong sekretarya ni Borj.

"Hi sir, excuse me po. Pero may appointment po ba daw kayo today?"

"Wala, hindi mo ba sinulat yung mga schedule ko for this week?"

"Yes sir alam ko po pero meron pong bisita sa lobby na may appointment daw po kayo"

Dahil nga bago pa ang sekretarya ay pinagbigyan niya nalang ito.

"Sige papuntahin mo nalang dito" hindi nalang niya itinanong sa sekretarya kung sino ito dahil sa dami ng ginagawa niya.

"Hi, Ma'am. Are you Ms. Roni Salcedo?"

Tumayo siya.

"Yes ako nga"

"Nice to meet you po, I'm the secretary of Engr. Jimenez. Uhmm, pwede po kayong sumunod sakin"

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon