Episode 17

428 25 11
                                        

"sir, totoo naman po yung sinasabi ko, kaya po ako lumabas ng store kasi kukuha po ako ng pera sa kaibigan ko. wala naman din po akong balak magnakaw. sige na sir" pag mamakaawa ng babae sa pulis"

"nako hija, lumang style na yan. hindi na yan uubra sa amin dito."

habang nag uusap ang pulis at ang babae. hindi matanggal ni Borj ang tingin sa babaeng nag sasalita. hindi siya namamalik mata, si Roni ang nakikita niya. 

"uy. kuya tulungan mo naman ako oh please" biglang lumapit sa kaniya ang babae.hindi naman siya agad nakapagsalita

"oy! tinatanong kita kung anong pangalan mo?" tawag ng pulis sa babae. 

"Sheena po"

"totoo mong pangalan, yung buo" 

"Sheena Patricia Camille Prats po"

"pinagloloko mo ba ko?"

"sir, sinagot ko tanong mo. hindi kita niloloko" matalim naman siyang tinignan ng pulis.

"Pahiram ng I.D mo"

"Uhmm, sir kasi naiwan ko po--" mag sisinungaling pa sana ang babae ng biglang sumingit si Borj.

"Pasensya na sir, uhmm I'm Engineer Borj Jimenez po. Actually kasama ko ho siya talaga, ang totoo niyan medyo may sakit sa utak tong kaibigan ko"

Biglang napatingin sa kaniya ang babae.

"Pahiram ng I.D mo" sabi ng pulis kay Borj. Inabot naman nito agad ang Identification Card. At isang calling card niya.

Agad naman siya pinaniwalaan ng mga pulis.

"Pasensya na ho kayo sir ah, di ko ho kasi alam na aatakihin siya ng sakit niya e. Kaya siya ang inutusan ko bumili"

Inakbayan niya pa ang dalaga para mag mukhang kapani paniwala. Binulungan niya naman ito.

"Sumakay ka nalang"

Pilit namang ngumiti ang babae at saka sila lumabas ng presinto.

Nang makaalis siya bigla siyang binigwasan ng dalaga.

"Ouch!" Napahalukipkip siya sa ginawa nito.

"Anong pinag sasabi mong may sakit ako sa utak?!"

"Aba! Dapat nga nag papasalamat ka sakin kasi hindi ka tinuluyan. Kung hindi dahil sakin nakakulong ka ngayon!" Sabi niya sa babae.

"Salamat ha! Pero bwisit ka pa rin!"

Sabi nito at agad siyang iniwanan. Sinundan niya naman ang babae.

"Teka lang, totoong pangalan mo ba talaga yung sinabi mo sa pulis?"

Tinignan siya nito ng masama.

"Wala ka nang pakielam dun" inirapan siya nito.

"Mukhang kailangan mo ng pera ah" napahinto sa paglalakad ang babae aat humarap muli sa kanya.

"And so? Bakit bibigyan mo ba ko?" Mataray na sabi nito.

"Well, kung kailangan mo syempre pwede"

Napalunok ang babae sa sinabi nito.

"Huh! Baka naman may kapalit yan"

"Meron"

"Eh ano?"

"Gagawin mo lang ay magpapakita ka sakin araw araw"

"Huh? Baliw ka ba?"

"Every meet up natin I'll give you one thousand pesos"

"Wait. 1k?! Legit yan? Baka naman mamaya katawan ko lang habol mo?"

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon