"Ulitin mo nga yung sinabi mo?"Hindi naman mapakali si Camille ng tanungin siya ng asawa.
"H-hindi i-ikaw ang totoong ama ng dinadala ko, kasi hindi naman ako buntis~"
"Huh!" Naglabas muna ng hangin si Borj dahil sa pagkadismaya at saka muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Bakit nagawa mo sakin to? Anong kasalanan ko sayo!!!" Hindi na napigilan ni Borj ang pag sigaw sa sobrang galit."Mahal kita~"
"Bullshit! Ayoko ng makikita ang pagmumukha mo kahit kailan! You're fucking liar! Get out on my house!"
Halos hindi naman magkaumayaw sa pag iyak si Camille habang tinutulak siya palabas ng bahay ni Borj. Wala na rin siyang nagawa kundi umalis nalang.
Mabilis namang kinuha ni Borj ang cellphone sa kaniyang bulsa at agad na may tinawagan..
"Totoo yung sinasabi mo, hindi ko nga anak ang batang dinadala ni Camille"
"Sabi ko sayo e! Mabuti nalang hindi totoo yung kasal niyo. Pero anong plano mo?"
"Hahanapin ko si Roni"
Nalaman ni CJ ang tunay na intensyon ni Camille sa kaibigan noong panahong nagpunta siya sa tirahan ng dalaga upang ihatid ang pinabibigay ni Borj at nang madatnan niyang nag uusap ang mag tiyahin, nag tago siya dahil narinig niya ang pangalan ni Roni sa usapan ng dalawa. Hindi niya inakala na may madilim itong balak sa kaibigan kaya naman sinabi niya agad ito kay Borj. Ayaw man paniwalaan noong una ni Borj ang sinabi niya. Pero ng maramdaman niyang nag iba ang pakitungo sa kaniya ni Camille doon na siya nag decide na gumawa ng aksyon nang hindi siya maargabyado o maloloko nito. Bagamat binigyan niya ito ng panahon upang ito mismo ang umamin. At yun na nga't nangyari na ang hinihintay niya. Kaya naman hindi na siya nag dalawang isip na hanapin at puntahan si Roni.
Kinatok niya ang bahay nila Jelai. At lumabas ang tyahin nila na si Tessy.
"Auntie, S-si Roni po?"
"Bakit mo siya hinahanap?" Malumanay na tanong nito sa kaniya ngunit ramdam niya ang panlalamig sa boses nito.
"Gusto ko pong mag sorry sa kaniya~"
"Pasensya ka na Borj pero hindi kita hahayaan na muli mong saktan ang pamangkin ko lalo pa't malubha ang sakit niya"
"Auntie Tessy, please nakikiusap po ako sa inyo, hinding hindi na po mangyayari yun, mahal na mahal ko si Roni"
"Pero diba kasal ka na? At buntis pa ang asawa mo?"
"Hindi po ako totoong kasal sa kaniya at hindi rin po siya totoong buntis"
"Ano? Naguguluhan ako"
"Please Auntie I really need to talk to her"
Tinignan naman siya ni Tessy hanggang sa maramdaman niya ang sinseridad ng binata.
"W-wala na siya"
"Po?!" Nanlaki ang mga mata ni Borj sa narinig.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin, umalis na siya pabalik ng states"
"Kailan pa po?"
"Actually ngayon ang flight niya~"
"Salamat po!" Hindi niya na pinatapos si Tessy at agad siyang nag punta sa airport.
Habang nagmamadali siya sa pagmamaneho kinontak niya si Cedie, alam niyang kasama ito sa pag hatid kay Roni.
"Hello, pare! Si Borj to!"
"Oh pare bakit?"
"Wag mong paalisin si Roni. Please! Malapit na ko"
"Ha? Bakit?"
"Basta pare kahit anong mangyari wag mo siyang paalisin, please!"
"Pero~"
At nang marating niya ang airport. Agad niyang hinanap si Roni. Natanaw niya agad si Cedie at Jelai. Umirap pa ang babae sa kaniya.
"Nasan na siya?" Tanong niya sa mga ito.
"Wow, iba ka rin eh nuh? Hahanapin mo kailan huli na? Wala na siya! Naka alis na" sambit ni Jelai.
"What?!" Sabi niya sa pagkadismaya.
"Sorry bro, yung tumawag ka mga five minutes na siyang nakasakay sa eroplano" sabi naman ni Cedie.
Napaupo naman sa sahig si Borj at saka sinapo ang ulo. Agad namang nagtaka ang dalawa.
"Bakit Borj?" Tanong ni Cedie.
At doon ay ikwinento niya ang bawat detalye.
"Alam mo naman na pala eh, bakit hinayaan mo pang umabot sa ganun Borj? Alam mo bang sobrang nasaktan si Roni nang malaman niya na kasal at buntis si Camille sayo?" Ani ni Jelai.
"Sorry, hindi ko din alam na meron siyang sakit" paliwanag niya.
Hindi naman na umimik si Jelai.
"Don't worry pare, babalik yun"
"Hindi, susundan ko siya ngayon"
"Ha? ngayon talaga?" sabi ni Jelai.
Tinignan siya ni Borj at saka nagkaunawaan ng pahiwatig sa isa't isa.
Binigay ni Jelai ang address ni Roni sa states kay Borj. Pinagliban niya muna ang trabaho ng 2weeks at pinaubaya muna sa kanyang mga kaibigan na si CJ at Michael.
-----
Tatlong araw ang lumipas nang mag desisyon siyang puntahan si Roni. Nakasalubong niya ang kapatid nitong lalaki.
"Hi, are you the brother of Roni Salcedo?" He asked.
"Yes, who are you?"
"I'm Borj Jimenez"
"Oh! Yah! I remember you, you're the boyfriend right?"
"I-I guess so?"
"Why you're not sure? Anyway, she's inside wanna come?" Aya nito sa kaniya.
Pumasok sila sa loob ng bahay. At laking gulat niya nang muling makita si Roni na busy sa pag aayos ng gamit sa sala.
"Hey Roni! You're boyfriend is here!" Sigaw ng kapatid niya.
Napatigil sa ginagawa si Roni, at saka nag angat ng tingin. Gulat na gulat siya sa nakikita.
"B-borj?"
"H-hi"
"He's not sure in your relationship" biglang singit ng kapatid.
"W-what are you doing here?" Nauutal na tanong niya.
"Nandito ako para sabihin sayo na mahal na mahal kita"
Hindi maipaliwanag ni Roni ang nararamdaman sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso.
"Eherm, I think I should leave you guys alone" sabi ng kapatid ni Roni at umalis na ito at iniwan sila.
Lumapit naman si Borj sa dalaga at saka itinayo ito sa pag kakaupo. At hindi natinag ang kanilang titigan. Parehong nangungusap ang mga mata.
"I love you Roni, I'm sorry kung nasaktan kita, sorry kasi hinayaan ko mangyari ang mga di dapat nangyari, mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaan na mawala ka pa sa akin"
"P-pero paano si Camille?"
"I don't care about her. It's about you and me. Ikaw at ako pa rin" he cupped her cheeks, at dinampian niya ito ng matamis na halik sa labi.
*****
[End of Episode 23]