tahimik na nakayuko lang si Borj sa isang sofa habang pinagmamasdan ang larawang hawak niya.
"pare, babalik din yun" saad ng kanyang kaibigan na si Tonsy.
"tama si Tonsy, intindihin mo nalang si Roni pare" sabi ni CJ habang ngumunguya ng popcorn.
"naiintindihan ko naman"
"yun naman pala eh, cheer up pare. pwede mo naman siyang puntahan sa States. lalo na ma-pera ka na dude! Engineer Jimenez ka na pare"
napabuntong hininga nalang ang binata. tama ang kanyang mga kaibigan. kailangan niya lang unawain ang sitwasyon ng nobya. kaya naman dali dali siyang tumayo at umalis papunta sa kwarto. Kinuha niya ang cellphone para tawagan ang nobya ngunit cannot be reach na ito. Napasapo nalang siya sa noo sabay pikit ng mga mata habang nakahiga.
Ilang araw ang lumipas at nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang nobya.
Hi baby,
How are you? Sorry kung ngayon lang ako nakapag sulat sayo. Medyo busy kasi dito, ako na kasi umasikaso ng mga business ni Papa. Anyway, sa susunod na buwan try kong umuwi dyan. Basta mag behave ka dyan ah. Miss na miss na kita. Hindi na ko makapag hintay makita ka. Mahal kita.
Ilang beses silang nagpalitan ng sulat. Hanggang sa dumating na sa time na madalang nalang magpadala si Roni ng mensahe. At siya nama'y naging busy sa trabaho. Dumating na rin sa time na wala na silang communication.
Habang nagpapahinga si Borj sa ilalim ng puno. Dahil katatapos lang nito mag jogging. Biglang may napansin siya sa may plaza. Isang babae na nagpupulot ng kalat. Hindi naman ito mukhang pulubi. Maayos ang pananamit nito at mukhang may kaya sa buhay. Pero ang pinag tataka niya bakit ginagawa ito ng babae.
Ilang minuto pa ang tumagal ay nandun pa rin ang babae. Lumapit siya dito at tinulungan niyang mag pulot.
"Hi" inabot niya yung plastic bottle sa babae.
"Salamat" tinanggap naman iti ng babae at saka nilagay sa trash bag.
"Uhmm, pwede ko bang matanong bakit mo ginagawa to? Curious lang kasi ako. Kanina pa kita pinagmamasdan. Wala kasi sa hitsuraa mo--"
Dun na siya pinutol ng babae.
"Sorry pero medyo nakaka offend yung sinasabi mo, bakit kailangan ba mga basurero at pulubi lang ang gumawa nito?"
"Uhmm, hindi naman ganun ang ibig kong sabihin--"
"Bakit kayo ganyan? Kaya walang asenso sa bansang to e. Simpleng bagay nalang kailangan iasa pa sa iba" at doon nag walk out ang babae.
Napakamot nalang sa ulo si Borj at pinagmasdan lang ang babaeng papalayo.
Nagpasiya nalang si Borj na bumalik sa bagong tirahan. Sa pag susumikap niya nakapundar na siya ng sariling bahay.
Tinanggal niya ang earphone sa tenga at saka dumeretso sa refrigerator kumuha siya ng tubig at nag lagay sa baso. Habang iniinom ang tubig muli niyang nakita ang larawan ni Roni.
Kahit naputol ang communication nila, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa dalaga.
Habang nagmumuni siya may natanggap siyang text mula sa secretary niya.
Pag punta niya ng opisina agad siyang sinalubong ng sekretarya.
"Sir, 1:00pm po ang meeting niyo with Architect Gatchalian"
"Okay sige. Pakidala nalang din sa conference yung gamit ko, pati yung blue print na pinakuha ko kay Peter"
"Okay sir"
"Sige" naupo na siya sa swivel chair at saka kinuha ang mga folder na pipirmahan niya. At nang matapos ay tinignan niya ang mga e-mail sa desktop. At may isang mensahe na nakapukaw ng atensyon niya.
Galing kay Roni.
[Hi, just wanna say I'm sorry for everything. Hope to see you soon]
Napabuntong hininga sya sa nabasa niya.
Lagi nalang bang ganito? Bakit kailangan mo kong pahirapan? Miss mo na ba talaga ako? Mahal mo pa ba talaga ako? -Stefano
Napasandal nalang si Stefano sa upuan at saka niya narinig ang katok ng sekretarya.
"Sir, nandyan na po si Architect"
"Okay sige. Pa deretsohin mo nalang sa conference. Pakitawag na rin si Peter"
"Okay po sir"
Hindi niya maintindihan anv sitwasyon nila ni Roni. May label pa ba o wala na? Halos wala na siyang balita sa nobya. Kinakamusta niya rin si Jelai pero maging sa kanila ay madalang na rin mag paramdam si Roni.
Isinara niya na ang laptop at saka isinuot ang salamin at dumeretso sa conference room kung saan sila siya may meeting.
Pag bukas nya ng pinto nakita niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo.
"Ikaw?" Biglang sabi nito sa kanya.
"Ms. Gatchalian, I want you to meet our boss Engr. Jimenez" pagpapakilala ni Lovely ang sekretarya ni Borj.
"Nice meeting you Ms. Gatchalian" nangingiti naman siyang nakipag kamay sa babae.
"Same here S-sir" nauutal pang sabi ng dalaga.
"Take a sit, uhmm. By the way, do you have nicknames? Masyado kasing mahaba kung tatawagin kita sa surname mo"
"Jane"
"Alright. Shall we start?"
-----
"Anak, mag iingat ka dun ah. If ever may kailangan ka. Huwag kang mahiyang magsabi sa amin ng Papa mo"
"Sure Ma, thank you po. Uuwi uwi nalang po ako every month"
"Basta anak wag masyadong pagurin ang sarili ah. Mahalaga ang kalusugan mo"
"Yes Ma, don't worry. Alam ko po, mag iingat rin po kayo ah. Pa, thank you po at pinayagan niyo ako na bumalik sa pilipinas"
"You deserve it hija, mahal ka namin" sabi ng matandang na naka wheelchair.
"Ako na bahala dito. Hayaan mo promise ko sayo aalagaan ko sila Mama at Papa"
"Thank you Kuya John. Alis na po ako, baka maiwanan ako ng eroplano"
"Sige hija, sana makilala na rin namin si Borj."
"Yes Ma, pag uwi ko po kasama ko na siya"
Sa wakas at makikita na ulit kita Borj -Roni
-----
End of Episode 9