Episode 1

1.1K 34 1
                                    

Childhood sweetheart. Love at first sight. First love never dies. Ilan lang yan sa mga akala mong mag tatagal pang habang buhay. Pero in reality kabaliktaran pala, katulad ng kwento nila Borj Jiminez at Roni Salcedo.....

"Roni, bumangon ka na nga dyan. Nag hihintay na si Borj sayo sa baba" sabi ng tyahin niyang si Teresita tinatawag niya itong Auntie Tessy. Medyo may pag ka istrikto ito sa kanilang mag pipinsan.

Si Jelai, at Sunshine ang pinsan ni Roni na naninirahan kay Tessy. Ang mga magulang nila ay nasa ibang bansa. Umuuwi lamang ang mga ito every end of the year. Isang buwan sila mamalagi sa pilipinas sa isang taon. Pinapili ang tatlo kung gusto nila sumama sa amerika, pero pinili nila dito mag stay dahil na rin sa mas gusto nila ang kulturang pilipino at simpleng buhay.

Pumasok si Jelai sa kwarto ni Roni.

"Uy sis, bumangon ka na dyan. At baka mawala na yung boyfriend mo sa baba" sabi nito habang nakadagan sa pinsan.

"Ha?" Naalipungatan pang sabi nito.

"Si Sunshine inaatake nanaman yung jowa mo"

"Ano?!" Dali daling bumangon si Roni sa narinig.

"Teka teka couz! Baka gusto mong mag toothbrush muna?"

Nag isip sandali si Roni. Pero ininda niya lang ang sinabi ni Jelai.

"Baby!!" Sigaw niya habang nakasilaw sa dalawang nasa couch. As usual haalos kumandong naa si Sunshine sa boyfriend niya. Kaya maagang nag init ang ulo ni Roni. Pag dating ng pag dating niya sa harap ng dalawa. Mabilis syang pumagitna sa dalawa at tinulak si Sunshine.

"Aray~~" reklamo nito.

"Hi baby, goodmorning" hinalikan niya ang pisngi ng nobyo.

"Goodmorning, hulaan ko hindi ka pa nag totoothbrush nuh?" Sabi ni Borj sa kanya.

"Yuck ate bakit di ka pa nag totoothbrush? Mahiya ka naman kay Borj nuh"

"Aba'y ikaw na malanding pinsan ko, pwede ba tigilan mo boyfriend ko baka gusto mong isako kita" gigil na sabi ni Roni.

"Whatever. Borj, kapag ayaw mo na kay Ate Roni. Nandito lang ako ah."

"Shooo! Shooo! Alis na! Nandito na ko e" inis na sabi ni Roni. Natatawa naman si Borj sa mag pinsan.

"Ang cute niyo talaga"

"Tssss! Gustong gusto mo talaga na hinaharot ka ng babaeng yun! Naku Borj Jimenez!!!" Pinandidilatan niya ito ng mga mata.

"Eh pinsan mo naman yun e. Saka wala naman sakin yun baby. Di ko naman sineseryoso yun. Pero baby, mas okay kung mag aayos ka na, kasi diba aalis tayo? Malelate tayo sa welcome party ni Cedie"

"Ay oo nga pala, ngayon pala uwi ng bestfriend mo nuh? Sige sige, maliligo na ko. Just give me 5 uhmm no 10 minutes"

"Okay sige, bilisan mo ah"

"Yes po~~ w-we-we-we-wait! Sa labas mo na ko antayin. Wag dito. At baka may dumikit nanaman na linta sayo" pinatayo niya si Borj at tinulak niya palabas ng pinto.

Umakyat si Roni at inutusan si Jelai na ipaghanda siya ng damit nito.

"Couz, anong klaseng party ba yun?" Kinakausap ni Jelai si Roni na ngayon ay nasa loob na ng banyo nito.

"Ang sabi sakin ni Borj, formal lang daw. Alam mo naman yun"

"Diba yung Cedie yung may crush sayo nung bata pa tayo? Sa tingin mo kaya ganun pa rin?" Ani nito habang hinahanda ang damit ng pinsan.

"Ang tagal tagal na nun noh. 8 years old palang kami nun. 10 years ng nakakalipas"

"Eh malay mo naman diba? At balita ko wala pa siyang girlfriend"

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon