Episode 11

471 32 4
                                        

[Don't play the BGM yet, later na po 😁]

Nag kulong sa sarili niyang kwarto si Borj habang umiinom ng alak. Nag iisip isip hanggang sa dalawin siya ng antok. Pero bago pa man siya mahiga, kinuha niya ang nakapatong na litrato sa maliit na lamesa at pinag masdan niya lang ito.

"See you tomorrow" yun lamang at ginawaran niya ng halik ang litrato.

Kinaumagahan pinacancel ni Borj ang  lahat ng meetings niya para lang makita niya ang babaeng matagal niyang hinintay.

Pumunta si Borj sa bahay nila Jelai. Alam niyang doon ito mag lalagi. Kumatok siya at sumalubong sa kaniya ang mga ngiti ng bagong gising na babae.

"Borj!!!" Sabi ni Jelai at niyakap ang binata.

"Hi"

"Come in, sorry medyo magulo yung bahay namin, take a sit. Anong gusto mo? Coffee?"

"Okay lang wag na"

"Alam ko kung ano pinunta mo dito"

"Uhmm, totoong bumalik na siya?"

"Yep. But natutulog pa kasi siya. Masyado kasi kami nag enjoy sa pinuntuhan namin club kagabi. Kaya magulo rin dito"

"Ha? Nag club kayo?"

"Oo, pero teka. Nagpunta pala siya kahapon sa opisina mo ah. Wala ka daw sabi niya"

"Nandun ako, may pinuntahan lang ako sandali, bumalik din ako kaso pag balik ko umalis na siya"

"Ahhhh. I see. Anyway, sige gigisingin ko lang siya. Sandali lang ah"

Umakyat si Jelai sa kwarto ni Roni.

"Couz, wake up na. Nasa baba si Borj"

"Mmmm. Ano?"

"Sabi ko si Borj nasa baba"

Agad naman bumangon si Roni.

"Ha?! Wait! Teka!" Mabilis na pumunta ng banyo si Roni para ayusin ang sarili.

Tumagal ng 15 minutes ang pag aayos niya. Diretso ligo na rin. At saka binaba ang lalaki.

[You can play the BGM now 👆]

Mala slow motion ang pag kikita nilang dalawa. Sabay ang pag tibok ng kanilang puso.

Napatayo naman si Borj sa upuan. Hindi niya alam pero naluluha siya ng muling makita ang dalaga.

"R-roni?"

"H-hi Borj" dahan dahan namang lumapit ang dalaga sa nobyo.

"H-hi" napapangiti ang binata at saka marahang niyakap ang dalaga.

"I missed you" sabi ni Roni habang kayakap ito napapikit siya ng mga sandaling iyon.

Habang si Jelai naman ay naiiyak sa moment ng dalawa.

"I love you" sambit ni Borj habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ni Roni. At doon niya siniil ng halik ang dalaga.

Matamis na halik ang ginawad niya sa dalaga. At unti unting nadala na rin si Roni sa sayaw ng mga labi ni Borj.

Habang si Jelai naman ay masayang kinukuhanan ng litrato ang dalawa.

Halos tumagal ng isang minuto ang halikang iyon hanggang sa tumigil sila. Nag tapat ang mga noo at saka niyakap ang isa't isa ng mahigpit.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Borj habang yakap ang nobya.

Iniwasan ni Roni ang tanong na iyon.

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon