Episode 19

421 30 10
                                    

Gulat na gulat si Camille sa nakikita. Para siyang nanalamin ng mga sandaling iyon.

"S-sino ka? B-bakit kamukha kita?" Tanong niya kay Roni.

"Ako ang kakambal mo. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita. Ngayon ko lang nalaman ang about sa ating dalawa."

"Teka, kambal? Paano?"

"Si Marites Prats ang nanay natin. At nalaman kong nandito sa pilipinas ang tunay kong ama, si Simon Prats. Alam ko nagugulahan ka, ganyan din naging reaksyon ko nang malaman ko yung about sa totoong buhay ko"

"Eh nasaan siya?"

"Si Mommy ay nasa States, kasama ng kinalakihan kong ama. May kapatid ako doon. Kapatid natin siya sa ina. Too late man na makilala kita, pero di ko sasayangin ang oras na maipakita at mapadamang mahal kita"

Naiyak na si Roni habang nag papaliwanag sa kapatid. Hanggang sa magkaunawaan na sila. Marahil hindi, pa matanggap agad ni Camille ang bawat pangyayari. Namatay na ang kaniyang ama ng wala man lang sinabi ito about sa totoong buhay niya. Masama ang kaniyang loob pero kailangan niyang tanggapin. Pilit man niya itong iwasan ay di maaalis na iyon ang kanyang totoong buhay.

"Kamusta ka pala?" Tanong ni Roni sa kapatid.

"Okay naman" matipid na sagot niya.

"Sino ang kasama mo sa bahay?"

"Wala ako lang"

"Eh sino yung--"

"Wag mo nang alamin di naman importante yun e. Ah oh sige, papasok na muna ako sa trabaho"

"May trabaho ka?"

"Ano bang sa palagay mo? Hindi ako forever magnanakaw."

"Nakaw?"

"Ah wala wala. Sige na umalis ka na, baka maputikan ko pa yang suot mo. Saka ang baho dito. Di ka bagay dito. Magagasgasan lang yang kutis mo"

Hindi na nakasalita si Roni at iniwan na siya ni Camille.

Dumeretso si Camille papuntang opisina ni Borj. Pumunta muna siya sa banyo at nagpalit ng damit. Alam niyang papagalitan siya ng amo.

"Boss" bati niya kay Borj.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Ah, pasensya na. Medyo may problema kasi sa bahay e"

"Bakit anong nangyari?"

"Wala. Di naman importante. Nga pala boss saan tayo ngayon?"

"Samahan mo ko kumain sa labas"

"Bakit sa labas pa? Pwede naman dito e"

"Hmm. Ayaw mo? Sayang chance mo na para matikman ang napakasarap na pagkain sa buong mundo"

"Woah!!! Uhmm boss, tara na! Ngayon na ba?"

"Papayag ka din pala" nangingiting sabi niya. Naaaliw siya sa twing na kikita ang dalaga. Lumipas ang mga araw na naging komportable at nakasanayan niya nang kasama ang babae. Unti unti niya rin nabago ito. Hanggang sa dumating sa puntong inamin niya dito ang tunay na nararamdaman.

"I like you"

"Ha? G-gusto mo ko?"

"Oo"

"T-teka lang boss, hihinga lang ako ng malalim~ woo!~~ di nga totoong gusto mo ko?"

"Yep. 100%"

"Ano naman ang nagustuhan mo sakin?"

"Kung sino ka"

"O sige para patas tayo. Aamin na rin ako. Sobrang gusto kita boss. Pinipigilan ko lang kasi di kita ma reach. Ibang level ka e. Doon ka, dito lang ako. Pero sabi nga nila kapag gusto mo ang tao, hindi sa istado ng buhay or kahit ano ang basehan bakit mo nagustuhan ang tao. At yun, i like you too boss"

"So I guess pwede na kitang ligawan?"

"Ligawan? Di ba pwedeng tayo na?"

Natawa naman si Borj sa biro ni Camille.

"Pero bago ang lahat gusto kong makilala ka pa at makilala mo din ako"

"Kilala na rin naman kita e. Saka ako, sinabi ko na rin yung totoo sayo. Kaya tingin ko kilala na natin ang isa't isa"

"Hindi pa, actually may aaminin ako sayo"

"Ano?"

Huminga ng malalim si Borj. At kinuha ang isang litrato sa kanyang drawer.

"I think this is the right time" inabot niya ang litrato kay Camille. Nanlaki naman ang mata nito habang tinititigan ang hawak.

"Siya ang kauna unahang babae na minahal ko. Yes, look a like mo siya. At sa una kitang nakita, akala ko ikaw siya. Pero iba ang personality niyo. Iniwan niya ako ng hindi ko nalalaman kung ano ba ang dahilan niya. Nasaktan ako. Sobra. Pero alam mo ba nang dahil sayo nakaalis ako sa pagiging depressed. Ikaw ang tumulong sakin maging maliwanag muli ang buhay ko. Hindi kita ginusto dahil lang sa kamukha mo siya. Ginusto kita sa kung sino at ano ka. Mag kaiba kayo"

"Eh nasan na siya ngayon?"

"Nasa ibang bansa siya yun ang huling balita ko sa kaniya"

"Paano kung makita mo ulit siya? Iiwan mo na ko? Babawiin mo na sinabi mong gusto mo ko?"

"Hindi mangyayari yun. Kasi ikaw na ang mahal ko"

Lumapit ang lalaki sa babae at saka dinampian nito ng halik sa labi na ikinagulat naman niya.

Habang nag aabang si Roni kay Camille malapit sa tirahan nito. Lumipas kasi ang araw na hindi siya nito pinapansin at ayaw siyang kausapin. Sinabihan din siya ng kapatid na bigyan siya ng panahon para mag-isip. At sinabihan din siya na wag munang makipagkita. Kaya naman heto siya't nag tya-tyagang maghintay sa kapatid upang masilayan ito kahit sa malayo.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng may matanaw siyang sasakyan na pumarada sa harap ng bahay nila Camille. Nakita niya ang pag baba ng kapatid sa loob ng sasakyan. At maya maya pa'y isang familiar na lalaki ang nakita niyang kasama ng kapatid.

Napahalukipkip siya ng makita muli ang lalaki.

"B-borj?" Saad niya habang pinagmamasdan ang galaw ng dalawa. Ikinagulat niya ang pag halik nito sa noo ni Camille. At doon na tumulo ang kanyang luha.

Walang hinto ang pag iyak niya. Mabuti nalang at may suot siyang facial mask at sumbrero.

Doon niya naramdaman ang sakit ng naidulot nito. Ramdam niya ang halik na iyon ni Borj. Pero masakit dahil sa kapatid niya pa ito nagkagusto.

-----
End of Episode 19

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon