"whooops! pano ba yan?" sabi ni Tonsy.
"oh my gosh! Cedie at Borj?"
"oh c'mon! this is-- urg!" napatayo si Borj.
"pare, pag bigyan na natin" natatawang sabi ni Cedie.
"hell no! I can't do that"
"o sige dahil ayaw mong gawin hahalikan ni Cedie si Roni"
napatingin si Borj kay Nicole.
"h-hindi. sige kami nalang" doon ay dahan dahang gumalaw papalapit ang dalawa. uminom muna ng beer si Borj bago muling humarap kay Cedie. at nang papalapit na sila sa isa't isa bigla naman ibinuga ni Borj ang beer sa mukha ni Cedie. kaya nagtawanan ang lahat.
"that was the best thing you did to him bro!" ani ni Michael kay Borj.
"I'm sorry bro" pag akap ni Borj sa kaibigan.
"it's okay, that was fun" hinilamos naman ni Cedie ang mukha.
habang nag papahinga ang iba, nagpahangin naman si Roni sa veranda. hindi niya naman inexpect ang pag dating ni Cedie na may dalang dalawang tasa ng kape.
"hey, where's Borj?" tanong nito at inabot ang hawak na tasa.
"salamat. he's inside, may kukunin lang daw siya"
"okay naman kayo? I mean, are you guys comfortable?"
"oo naman, sobrang okay nga dito e"
"uhmm, Roni? can I ask you something?"
"oh sure"
"gaano na kayo katagal ni Borj?"
"4 years." she said.
"ah matagal na rin pala kayo, sa tingin mo ba siya na yung pang habambuhay mo?"
"actually, feeling ko, yes."
"ang swerte naman ng bestfriend ko"
"oh bakit? swerte ka rin naman e"
"alam mo, kung ako kay Borj, hindi na kita pakakawalan pa. kasi parang karamihan ng lalaki sa mundo, ikaw yung tipong ihaharap sa altar"
"wow, thank you." muling humigop ng kape si Roni.
"uhmm, wait may ano ka" dahan dahang lumapit si Cedie kay Roni para punasan ang labi nito.
"t-teka anong--" nagtama ang mga tingin nila ng ilang saglit, at hindi nila namalayan na nasa likod lang nila si Borj.
"ang galing" hindi makapaniwala si Borj sa nakikita. nagulat naman silang dalawa.
"pare, mali yung iniisip mo"
"ah, talaga ba? yan ba talaga balak mo?" halatang nag pipigil sumabog si Borj ng mga sandaling iyon.
"baby, uhmm--" hindi naman alam ni Roni ang sasabihin.
"alam ko Cedie, ramdam ko. ginagago niyo ko."
"ha?! anong pinagsasabi mo?" sabi ni Roni.
"oh bakit Roni? diba tama ako? hindi pa rin ba nawawala ang feelings mo for him? at ikaw? ang kapal ng mukha mo, ginamit mo pa ko para mapalapit sa girlfriend ko! magsama kayo!" doon ay mabilis na umalis si Borj at dumeretso sa kwarto nito at kinuha ang bag. sinundan naman siya ni Roni.
"Borj, ano bang ginagawa mo? Borj let me explain" tumigil si Borj sa ginagawa at hinarap ang nobya.
matalim at tiim bagang niya hinarap ito.
"wag mo nga akong gawing tanga, kitang kita ng mga mata ko. at kung paano mo siya tignan Roni! hindi ako manhid at hindi ako tanga, kung sa tingin mo siya ang gusto mo eh di ibibigay kita sa kanya!"