Episode 22

458 31 2
                                        

Tahimik na nakaupo si Borj katabi si Cedie.

"Masaya ka ba?" seryosong tanong ni Cedie sa kaibigan.

Humigit naman sa paghinga si Borj bago ito nagsalita.

"Honestly.. I'm not" saad nito sabay yuko.

"Alam ko"

Napaangat naman ng tingin si Borj sa sinabi ni Cedie. At muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ayoko man sirain ang araw mo ngayon pero kailangan ko tong sabihin sayo"

Kumunot naman ang noo ni Borj.

"Tungkol saan?" Seryosong tanong niya sa kaibigan.

"Kay Roni"

"What about her?"

Nilabas niya ang cellphone at pinakita niya kay Borj ang video ni Roni.

Takang inabot ni Borj ang cellphone at saka ibinaling ang atensyon dito.

Nagulat siya sa pinapanood. Lalo na nang makita ang pag iyak ng dating nobya, nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. At nang sandaling mapanood ang pagtanggal ni Roni ng suot sa ulo. Nanlaki ang mga mata niya at tuluyan ng bumagsak ang luha sa kanyang mga mata, nanginginig na ang buong katawan  habang nakakuyom ang isang palad.

At nang sa mga huling mensahe ni Roni sa video..

"Gusto ko lang malaman ninyo na pareho kayong importante sa buhay ko. Mahal na mahal ko kayo. Sobrang mahal! Sobra~"

Humagulgol siya sa pag iyak at niyakap naman siya ni Cedie.

"Bakit kailangan niyang itago sakin?" Sabi niya habang patuloy pa rin sa pag iyak.

Wala naman masabi si Cedie. Ilang sandali pa'y tinawag na siya ng weddings coordinator. Pinahid naman niya ang mga luha at inayos ang sarili bago lumabas. Pero bago siya makalabas biglang nagsalita si Cedie.

"Itutuloy mo pa rin?"

"Kailangan"

"Borj! Nag iisip ka ba?"

"Buntis si Camille kailangan ko siyang panagutan"

"Paano si Roni?"

At doon ay hindi na nagsalita pa si Borj at tumuloy nalang ito sa paglalakad. Tuliro siya buong araw. Pansin at ramdam ito ng kaniyang asawa. Maging ang mga bisita nila. At nang matapos ang event. Doon na siya kinausap ni Camille.

"Okay ka lang? Kasi pansin ko kanina ka pa ganyan, may problema ba?"

Hindi naman niya pinansin ang babae.

"Borj? Mag salita ka naman, kakakasal lang natin~"

"Alam mong hindi ako magiging masaya, and don't expect na magiging okay tayo" Sabi niya sabay walk out.

Naiwan namang hindi makapaniwala si Camille habang inaayos ang kagamitan. Naisip niya ang kapatid. Lalong nanumbalik ang galit niya kay Roni. Nag seselos siya dahil kahit nasa kaniya na si Borj ay pakiramdam niya si Roni pa rin ang nasa puso nito. Ilang araw pa ang lumipas na ganoon ang sistema ng kanilang relasyon at hindi rin sila nag tatabi sa pagtulog.

Kaya naman nag desisyon siyang makipagkita sa kakambal. Pumayag naman si Roni. Nagkita sila sa malapit na coffee shop. Nakangiti naman si Roni nang makita ang kapatid akmang yayakapin niya ito pero napaatras siya ng makita ang tiyan nito.

"Buntis ka?"

"Oo" mataray na sabi ni Camille.

Pilit naman napangiti si Roni.

"Uhmm, congrats nga pala I heard kasal na kayo~"

"Pasensya ka na kung hindi ka nanamin naimbita. Pero gusto ko lang malaman mo, na wala ka nang puwang sa buhay namin, lalong lalo na sa asawa ko. Kaya kunh pwede lang lubayan mo na kami"

"Teka, hindi ko naman na kayo ginugulo ah"

"Hindi? Akala mo ba hindi ko alam?"

"Anong pinag sasabi mo?"

"Kaya siguro malamig sakin si Borj kasi patuloy mo pa rin ginugulo ang utak ng asawa ko, napaka landi mo!"

Nagpantig na ang tenga ni Roni sa narinig.

"Okay that's it! Hindi ko alam kung ano ang pinag sasabi mo? Sana pala hindi nalang ako nag punta dito kung ganito din naman pala trato mo sakin"

"Bakit Roni? Hindi ba? Totoo naman na malandi ka diba?"

"Bahala ka sa buhay mo" Aalis na sana si Roni ng biglang harangin siya ni Camille at hinila ang nakabalot sa ulo niya. Natanggal ito at nakita ng karamihan ang kundisyon niya. Nanginig si Roni ng mapagtanto na sa kaniya lahat ang atensyon ng lahat. Nangingilid ang mga luha sa mga mata habang pinag mamasdan isa isa ang mga ito. Tinignan niya si Camille na gulat na gulat sa nakita.

"N-ngayon? M-masaya ka na?" Nanginginig ang boses na sabi ni Roni. Sabay kuha sa kaniyang balabal na hawak ng kapatid.

Umuwi ng luhaan si Roni. At galit naman ang naramdaman ni Jelai ng marinig ang nangyari sa pinsan. Agad sumugod si Jelai sa bahay nila Camille. Kahit ayaw ni Roni ay ginawa niya pa rin ito. Sunod sunod ang pag pindot niya sa doorbell.

"Hoy! Lumabas ka diyan!" Sigaw niya.

Laking gulat niya nang si Borj ang makita na lumabas sa pinto.

"Jelai?"

"Borj! Ilabas mo si Camille!" galit na galit na saad niya.

"S-sino ka? Bakit mo ko hinahanap?" Bigla namang sulpot ni Camille.

Gigil na gigil naman si Jelai na harapin ang babae. Pero pinigil niya ang sarili ng makitang buntis ito. Matalim ang tingin niya kay Borj.

"Alam mo ba ang ginawa niyang babaeng yan sa pinsan ko?!"

"Sinong pinsan?" Tanong ni Camille.

"Huh! Parang di mo pa kilala? Ang kapal ng mukha mong gawin yun kay Roni! Hindi mo ba alam kung anong pinagdadaanan niya ngayon ha!"

"W-wala akong alam sa sinasabi mo~"

"Pasalamat ka buntis ka!"

"Teka teka Jelai, bakit ano bang nangyari?"

"Inaway niya si Roni! At pinahiya niya sa maraming tao. At sobrang sakit sakin kasi dahil sa ginawa niya lalong lumala ang sakit ni Roni!" Naiiyak na sabi niya.

"Sakit?" Tanong ni Camille.

"Oo! May Leukemia ang kapatid mo! Hindi ko dapat sabihin to, pero dahil sa kagaguhan mo! napilitan akong suwayin ang kagustuhan ni Roni na wag ipaalam sa inyo! Na habang nag didiwang kayo, ito siya't nagparaya at nag su-suffer sa sakit na hindi niya deserve! Kahit kailan hindi niya kayo pinag isipan ng masama, lalo ka na Borj"

"Jelai, hindi ko alam~"

Hindi nalang nag salita si Jelai at bumalik na siya ng sasakyan niya at umalis.

At nang pagpasok nila Borj at Camille sa loob ng bahay..

"S-sorry" nanginginig na naluluha si Camille dahil na rin sa pagka bigla sa rebelasyon ni Jelai.

"Sorry? Bakit ka nag so-sorry sakin? Hindi ka dapat sakin mag sorry" aakyat na sana si Borj sa kanyang kwarto ng napahinto siya sa sumunod na sinabi ni Camille.

"H-hindi ikaw ang ama ng dinadala ko"

Sa gulat niya ay napatingin siya sa babae sabay sa pagnginig ng tuhod niya.

"What did you say?"

-----

[End of Episode 22]

Ikaw at Ako Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon