Maagang nagising si Borj para pagmasdan ang mukha ng kaniyang minamahal. Habang hinahaplos niya ito, ang kaniyang ngiti ay unti unting napapalitan ng lungkot ng makita ang pagbabago kay Roni.
"I love you" he whispered. At dinampian niya ito ng halik sa noo.
Lumipas ang mga araw na naging mas malala ang kalagayan ni Roni, hanggang sa nag decide na sila na dalhin ulit ito sa hospital, dahil unti unti nang nawawalan ng lakas si Roni. Tinapat na sila ng doctor na isa sa mga araw ay tuluyan na itong mawawala. Nakalbo na rin si Roni, nagsusuka na rin ito ng dugo. At iba na rin ang kulay ng balat at mga mata nito.
Kumukuha na lamang sila ng lakas ng loob sa maykapal, araw araw na nagdadasal si Borj, na sana ay gumaling ang minamahal.
"Hijo, okay lang kahit magpahinga ka na muna. Kami na muna ang mag aalaga kay Roni"
"Okay lang po Tita"
"Sigurado ka ba? Baka ikaw naman ang magkasakit niyan?"
"Ayos lang ho ako, kasi kahit papano nakakatulog po ako, saka okay na rin pong nasa tabi niya ako palagi"
"O sige, heto't dinalan kita ng makakain mo"
"Ay salamat po Tita"
"Oh sige, kumain ka na't pupunasan ko muna si Roni"
"Salamat po ulit"
Nginitian lamang siya ng ginang.
Matapos ang ilang oras, habang nagpapahinga si Borj . Biglang ....
"Oh my god! RONI!!!!" narinig niya ang pag sigaw ng ina ni Roni na agad nagpatayo sa kaniya.
Tumakbo siya malapit sa ginang at agad nakita ang kondisyon ni Roni. Nag susuka ito at nagdudugo na rin ang bibig at ilong nito. Agad siyang tumakbo at humingi ng tulong sa doctor. Ilang minuto pa ang lumipas..
"Tatapatin ko na kayo, maaring bukas or sa mga susunod na araw nalang ang natitirang araw ni Roni. Mahirap man tanggapin pero kailangan."
"Doc, wala na po bang pag asa?" Tanong niya sa doktor.
"I'm very sorry pero malabo nang mangyari iyon, bagama't lumalaban ang isip niya pero ang katawan niya ang di na kinakaya. Nagawa na namin ang lahat"
Tinapik siya ng doktor at saka lumabas ng kwarto.
Nilapitan naman siya ng ina ni Roni.
"Hijo, tanggapin na natin. Ganun pa man ay maraming alaala na naiwan satin ang anak ko. Alam kong masaya siya ngayon kasi nandito ka sa tabi niya. Maraming salamat sa sakripisyo mo, tatanawin kong utang na loob ito" umiiyak at malumanay na sabi ng ginang.
Kinuha niya ang kamay ng dalaga at hinawakan niya ito ng mahigpit. Napadilat ito at nagulat siya ng ipatong ni Roni ang isa pa niyang kamay sa ulo ng binata. Nag angat ang kaniyang mukha at nakita nya ang maaliwalas at nakangiting dalaga.
"Thank you" she mouthed.
Tumulo ang luha ni Borj habang sapo ang mga kamay ni Roni. Nginitian niya ang dalaga at saka pinikit ang mga mata. Pinunasan ni Roni ang luha na bumagsak mula sa mga mata ng binata. Kahit nanghihina na ito ay naiparamdam pa rin niya ang walang hanggang pagmamahal.
-----
After 3 years...
"Kuya, sampaguita po" alok ng batang lalaki kay Borj sa labas ng simbahan.
"Magkano lahat yan?" Tanong niya rito.
"Uhmm, 250 po" takang sagot ng bata.
"O sige tinda mo nalang ulit yan sa iba, tapos heto para sayo. Bili mo ng makakain mo ha"
