Prologue

850 34 10
                                    

March 2004

"ANO 'to?!" Bulalas ni Armaign nang makita niya na makalat ulit ang klasrum. Katatapos lang niyang magwalis ng sahig at isusunod na niya ang paglalampaso nang makita niya ang maduming klasrum. Silang dalawa lang ni Drenz ang cleaners sa araw na iyon dahil absent ang dalawa pa nilang kaklase. "Kakatapos ko lang maglinis. Saan nanggaling ang mga kalat na 'to, Drenz?" lumaki ang butas ng kaniyang ilong sa matinding pagkairita. She had been cleaning the room non-stop for an hour already. Hindi man lang siya tinutulungan ni Drenz sa paglilinis.

"H-hindi ko alam. Pumasok kanina dito si Marco pagkatapos mo lumabas tapos nagkalat siya." Kinakabahan na tinignan siya nito. Si Marco ay ang kaklase nilang positibong may ADHD at mahilig itong magbato ng mga gamit kung saan-saan.

"Nagsisinungaling ka ba? Nakita ko siyang umuwi kanina pa. Bakit mo kinalat lahat 'to?" Nagagalit na sinuri niya ang klasrum. The books that she meticulously arranged on the shelf were piled up so high in the middle of the room like a pyramid. Nagpapadyak si Armaign sa inis. "Drenz naman, eh! Bakit mo ginulo ulit ang classroom?" Lumapit sa kaniya si Drenz. Nagkamot ito sa ulo, animo ay nahihiya. Kanina pa ito hindi mapakali.

Drenz looked up to her nervously, and gestured timidly. "B-bakit hindi mo na lang ayusin ang mga librong ito?" Na-uutal na sinabi ng binata. Halatang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga ang kumag.

Nagtaka si Armaign sa kinikilos ni Drenz. Mayroon ba itong diarrhea? "Ano ba ang problema mo?"nakakunot noong tanog niya.

"A-ano kasi. Ayusin mo na lang itong mga libro!" hiyaw ni Drenz. He was gesturing to the books piled up like a pyramid. Hanggang waistline ni Armaign ang taas ng mga ito.

"Naku! Ang bully mo talaga. Pwedeng tulungan mo kong ayusin ang sarili mong gulo?" sarkastikong suhestiyon ni Armaign. "Ang bait ni Diana para maging kakabambal mo." Inirapan niya ito at nagsimula nang ayusin ulit ang mga textbooks sa shelf. Drenz looked more anxious the moment Armaign touched the first book on the pile.

Armaign was about to grab another book when her phone rang. Tumatawag ang kaniyang ina. "Hinahanap na ako ni Mama, Drenz. Ang kulit mo kasi. Mag-isa si Papa sa ospital ngayon. Kailangan ko pa siyang bantayan." Tinaasan niya ng kilay ang binata at bumuntong hininga bago sinagot ang tawag. Sa kabilang linya, nanginginig ang boses ng kaniyang ina. "Yes, Mama? Narito pa ako sa school. Cleaners kami ni Drenz ngayon..." Armaign trailed off.

"Armaign, he's gone. Please, kailangan kita ngayon sa ospital," umiiyak na sambit ng kaniyang ina. The book in her arm fell, and her phone crashed onto the floor. Tears started to form in her eyes. Nanghina si Armaign at napaupo sa sahig.

"Armaign? Bakit anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Drenz.

"Wala na si Papa."

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon