Chapter Two

417 31 3
                                    

TUMAKBO si Armaign papasok sa loob ng computer shop ng kanilang paaaralan. Kasama sa tuition fee nila ang pribilehiyong malayang makagamit ng computer ng libre.

"Lumabas na!" Inaabangan ni Armaign ang resulta ng entrance exams ng San Beda College of Law. Kasama siya sa mga kumuha ng exams noong isang buwan, at ngayon ang araw na ilalabas ng San Beda College ang resulta ng pagsusulit.

Dali-daling umupo si Armaign sa computer desk at nagbukas ng browser. Hindi siya nakatulog kagabi dahil sa matinding antisipasyon. Bata pa lamang ay pangarap na niyang maging lawyer. Ipinangako ni Armaign sa kaniyang ama na magiging abogado siya balang araw gaya nito. Environmental lawyer ang kaniyang ama, at tinutugis ng nito ang mga mining companies na lumalabag sa environmental laws. Dinidipensahan ng kaniyang ama ang karapatan ng mga indigenous people sa tuwing napapalayas sila ng mga mining companies, at iyon ang nagtulak kay Armaign na mangarap na maging abogado.

Armaign thought that knowing the current events would help her find her advocacy. Reading countless news articles about women and children abuse, Armaign found her stand in eradicating discrimination, and violence against women and children. Kumuha siya ng pre-law course sa Miriam College upang pagyamanin ang kaniyang adbokasiya.

Dalawang paaralan lamang ang pinagpilian ni Armaign para mag-aral ng law, University of the Philippines at San Beda College. Unfortunately, she did not passed the law aptitude exam of UP. She took it hard at first, but it never stopped her from giving her best in San Beda College's LAE.

Naglabas na ang San Beda College ng resulta, pero hindi niya mahanap ang pangalan na Armaign Clarisse A. de Guia sa listahan.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon