Chapter Twenty

324 28 2
                                    

IPINAKITA ni Armaign ang ledger kay Sarah at Drenz sa loob ng library.

"This is a game changer! Armaign, isa kang anghel!" Hinalikan ni Sarah si Armaign sa pisngi matapos suriin ang laman ng USB. Kompirmado na ito nga ang mga ebidensiya na ginawa ni Joshua. "Pero bakit hindi na lang niya sinabi na USB? Bakit tinatawag ito ni Joshua na ledger?"

"Well, he placed Howl's illegal and legal economic transactions in the USB. Tama lang na tawagin niya itong ledger," turan ni Drenz.

"We overlooked the fact that the ledger is computerized. Na-overwhelm ka siguro, Armaign, kaya hindi mo nasabi sa akin na isang USB pala ito. We thought it's a record book," ani ni Sarah, "how did you found it? Bumalik na ba ang memories mo?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Armaign. She remembered the memory she recuperated of her and Drenz in a passionate sex. "Uhm..." Her cheeks turned pink. "All the things inside my car were put inside a box. Nakita ko lang talaga ang USB sa kahon." Hindi siya nagsisinungaling, pero hindi niya sinagot kung bumalik na ba ang kaniyang memorya. Namasa ang kamay at paa ni Armaign.

"Huwag kang mag-alala, babalik din ang memories mo," ani ni Sarah.

Armaign looked away, unable to meet their gaze. Drenz furrowed his eyebrows; his face indicated that he already knew something.

"Sasabihan ko si Margaret. I will prepare this USB as an evidence," Sarah said excitedly, "thank you, Armaign for finding it. I have to go back sa law firm." Sarah kissed Armaign and Drenz good-bye.

"Wala ka ba talagang naalala?" Nakahalukipkip si Drenz habang kinokompronta si Armaign.

Kinabahan si Armaign. "Wala. Tara na. Nagugutom na ako."

"I'm tired of this charade. Alam kong alam mo na ang totoo, Armaign. I've dropped too many hints about our relationship. At hindi ko binura ang mga pictures sa cellphone mo." Drenz grabbed his arms and faced her to him. "Kilala kita kapag nagsisinungaling. Kailan pa bumalik ang alaala mo at ano ang naaalala mo?"

"I'm not lying! Wala talaga ako maalala." Sinubukan niyang kumawala.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Your hands are sweating," he reiterated. Armaign looked away. "You can't meet my eyes; that tells me you are lying."

It's unfair he knew so much about her. She met his gaze with fury in her eyes. "Bitiwan mo ako, Drenz. Ang sabi ko, wala ako maalala."

"Kahit nakapikit ako at wala ka sa paningin ko, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Sa 'yo lang ako nakatingin kaya kabisado na kita. Galit ka sa akin kaya hindi mo matanggap ang nadiskubre mo. Matagal mo nang alam at wala kang sinasabi dahil gusto mo rin akong makasama," gagad ni Drenz at may bahid ng diin ang bawat salita nito.

"You want to talk to about it? Sige!" Hindi mapigilan ni Armaign na magtaas ng boses. "Ako lang ba ang nagsisinungaling? Ikaw? Magkaibigan lang ba talaga tayo? Si Sarah ba talaga ang pakakasalan mo, huh?"

Natigilan si Drenz at nanlaki ang mga mata. Ang galit sa mga mata nito ay napalitan ng takot. For a moment, he couldn't move. "Gustong mong malaman ang totoo? When I tried to tell you after your comma, you couldn't handle it. Hindi ka makakain, hindi ka makatulog, at iyak ka ng iyak. The truth caused your seizure," may panunuya sa boses nito, "Handa ka na bang malaman ang totoo?"

"Don't push me. If you forced that topic on me, hindi mo magugustuhan ang desisyon ko."

Bumagsak ang mga balikat nito at tumingin sa sahig. "Armaign, nangako ka sa akin na patatawarin mo ako." There's defeat and desperation on his looks. "But you're clearly as hateful as before."

Kumatok ang katulong sa library at naputol ang usapan nilang dalawa. "Ma'am Armaign, may bisita po kayo. Nasa tanggapan siya ng mga bisita."

Pinukulan ni Armaign nang masamang tingin si Drenz bago siya lumabas ng library. Sumunod ito sa kaniyang likod at pumunta sila sa drawing room.

Nang makapasok sila sa drawing room, nakita ni Armaign ang isang pamliyar na mukha ng isang lalaki. Nakita na niya ito noon.

"What are you doing in my property?" maanghang na tanong ni Drenz sa bisita niyang lalaki. Halatang kilala nito ang kaniyang bisita.

"Armaign!" Lumapit ang lalaki kay Armaign at ginawaran siya ng mahigpit na yakap. "It's me, Marvin."

"Marvin?" Napanganga si Armaign. Hindi niya ito nakilala. The Marvin she knew was thin; the man in front of him had broad shoulders.

"Narinig ko sa mga balita ang nangyari sa 'yo. I was worried sick. Buti na lang at sinabi mo sa akin na narito ka sa farm. Ligtas ka na mula kay Howl." ani ni Marvin. "Anyway, I was just wondering if you'd like to catch up with me. Maybe we can have some dinner later?"

Natigilan si Armaign. "Uhm..." Sasama ba siya kay Marvin? Naiisip niya si Drenz. Pero si Marvin ang first love niya. However, this isn't 2009 anymore. Things had changed.

Tinignan niya si Drenz. Naawa siya bigla sa desperasyon sa mukha nito. Gusto nitong ipag-sigawan na engage silang dalawa. Tiyak na masasaktan ito kung papayag siyang sumama kay Marvin sa harap nito.

Bakit naman ako maawa sa 'yo? Naawa ka ba sa akin nang mamatay ang tatay ko nang mag-isa? Inaantay ni Drenz ang sasabihin niya kay Marvin. "Yes, Marvin. Sasama ako sa 'yo." Napaawang ang bibig ni Drenz sa sinabi niya. Sinabihan niya si Marvin na mag-antay sandali upang siya'y makapagbihis.

Pagbalik niya ay nakahalukipkip si Drenz habang inaantabayan ang pagbabalik niya.

"Let's go, Marvin," ani ni Armaign.

Nang sila'y paalis na, hinawakan ni Drenz ng mariin ang braso niya at sinabing, "Huwag kang sumama sa kaniya, Armaign." His face was red due to fury.

"Bitiwan mo ako. Kailangan ko na umalis."

"Huwag kang umalis, Armaign. Please, usap tayo," his brown eyes begged, and his dimples moved as he tried to beg her.

"Sasama ako kay Marvin, Drenz." Binawi ni Armaign ang braso mula sa kapit ni Drenz at saka sila naglakad ni Marvin palabas ng pinto. She didn't look back.

It was out on the surface that Armaign knew the truth. Pero sumama pa rin siya kay Marvin. Gusto niya ang kaisipan na sa ganitong paraan ay nasaktan niya si Drenz. Hindi kita kayang patawarin, Drenz. She would deny him forgiveness because that's the most conventional way of punishing people who had done you wrong; torment them with your hatred.

Pero bakit nalulungkot si Armaign?

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon