Chapter One

732 35 1
                                    

April 2009


HINDI naging matagumpay ang pagtatapat ni Armaign ng kaniyang pag-ibig sa first love niyang si Marvin. Sinunod niya ang payo ng kaniyang best friend na si Diana na ipagtapat ang matagal na niyang nararamdaman sa binata bago sila magtapos ng kolehiyo sa susunod na linggo. Inaalalayan ni Diana si Armaign habang sila'y naglalakad pauwi sa bahay ni Diana. Minabuti ni Diana na dalhin sa bahay si Armaign upang aliwin ito, at dahil magkapit-bahay lang naman sila.

"Huwag ka nang umiyak, Armaign. He's a complete douche bag for rejecting your feelings," yakap-yakap ni Diana si Armaign habang sila ay naglalakad. Nasa loob na sila ng kanilang village at malapit na sila sa bahay.

"Sinunod ko ang payo mo kasi umaasa ako na gusto din niya ako. Lagi siyang dumadalaw sa campus natin," pinalis ni Armaign ang luha at uhog sa mukha, "Naging confident ako dahil akala ko sign na ito mula kay God," Armaign muttered bitterly. The omen from God was a hoax!

Nag-aaral si Armaign at Diana sa isang exclusive all-girls college sa tabi ng Ateneo de Manila. Tulad ng sabi ni Armaign, madalas ang pagdalaw ni Marvin sa Miriam College, ang kanilang paaralan. His visits were enough for Armaign to hope that he meant love. Sinasabayan pa siya ni Marvin na umuwi linggo-linggo kaya akala ng dalaga ay makakatawid na din siya sa bae-zone at i-iwan na nang tuluyan ang friendzone. Inipon niya ang lakas ng loob upang ipagtapat ang nararamdaman kay Marvin. All she got now was a broken heart.

High school mates sina Armaign, Diana, Drenz, at Marvin sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Taytay, Rizal. Nasa high school si Armaign nang mahulog ang kaniyang puso kay Marvin. Nagustuhan niya ang talento nito sa pagsusulat ng mga tula at short stories. Higit pa roon ay marunong din itong tumugtog ng gitara at mag-compose ng kanta. Nabighani ng tuluyan si Armaign kay Marvin.

"Anong pakay niya sa Miriam kung hindi ka naman pala niya gusto? Bakit ka niya dinadalaw? Pinapasakay ka lang pala niya. Tapos ang sabi niya kanina friends lang kayo? Aba! Napaka-friendly naman niyang hayop siya. Fuckboy siya kamo!" sambit ni Diana.

Humagulhol nang malakas si Armaign.

"Hush, Armaign! Kasalanan ko 'to dahil ako ang nag-udyok sa iyong magtapat ng nararamdaman sa fuckboy na iyon. As for my compensation, I will brew a cup of earl grey tea for you," Diana said in between warm smile. "Halika! Huwag ka muna umuwi sa inyo. Ipagpapaalam kita sa mama mo na dito ka muna sa bahay namin matutulog."

Napatingin lang si Armaign sa dimples ng kaibigan at humupa nang bahagya ang kaniyang kalungkutan. Gustong-gusto ng mga taong nakikita ang mga biloy ni Diana sa magkabilang pisngi. Naglalabasan ang mga biloy ni Diana kapag gumagalaw ang mga pisngi nito. Sa pagkakataong ito, naging epektibo ang mga biloy ng kaibigan ni Armaign upang gumaan ang kaniyang kalooban.

Matalik na kaibigan ni Armaign si Diana. Hinahangaan niya ang katangian nito tulad ng pagiging mahinhin, maalagain, maawain, at matalino.

Ang kakambal ni Diana na si Drenz ay mayroon ding malalim na biloy sa magkabilaang pisngi. But unlike Diana, Drenz had been manipulating his parents with his good looks to acquit himself from the consequences of his mischiefs. Panganay ng limang minuto si Drenz kay Diana. May matinding rason si Armaign upang kamuhian ng husto ang kakambal ni Diana. To Armaign, Drenz was just another menace that must be punished by God.

Ten years old ang magkambal nang lumipat ang mga ito sa isang executive village sa Taytay. Naging magkapit-bahay ang pamilya nila Armaign at Diana. Tumibay lalo ang pagkakaibigan nila nang sabay silang nag-aral sa iisang paaralan noong elementarya at high school.

Nasa tapat na silang dalawa ng bahay ni Diana. Sinilip ni Armaign ang kanilang bahay kung nasa loob ang kaniyang ina. Alam ng kaniyang ina na kapag wala siya sa bahay ay malamang na nasa tahanan siya ni Diana.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon