Chapter Twenty-Four

319 29 0
                                    

OUCH! ANG sakit ng ulo ko! Naalimpungatan si Armaign mula sa kaniyang pagkakatulog. The searing pain in her head woke her up. Nasaan ako? Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid. Malamig sa loob ng silid kahit wala naman siyang air-condition sa silid sa bahay. Sandali lang! Hindi ito ang kwarto ni Armaign. Ang kwarto niya ay kulong at maliit lamang. Ang silid na kinaroroonan niya ay kulay puti at madilim. Napakataas ng kisame samantala ang kisame ng silid sa bahay ay mababaw lang.

She moved her hand, and in doing so, she sideswiped onto something. It was a head. May nakayuko sa kama niya at maikli ang gupit ng buhok nito, animo'y isa itong lalaki.

Naalimpungatan ang lalaki at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nabalot ng takot si Armaign nang makita ang mukha ng estranghero. Anong ginagawa nito sa tabi niya? Nakadagdag sa kaniyang takot ang kadiliman na bumabalot sa loob ng silid. At hawak-hawak ng estranghero ang kaniyang kamay. Binawi ni Armaign ang kamay mula sa estranghero.

"Babe, gising ka na," relief was on his face, "Niligtas ka ng mga doktor. Wala nang mananakit sa 'yo. Ligtas ka na." The man cupped his face gently.

Babe? Bakit niya ako tinawag na babe? Sino ba siya?

In spite of the darkness, Armaign noticed that he looked old. "S-sino ka? Paano mo ako nadala rito? Hindi ko ito kwarto! Dinukot mo ba ako?"

Natigilan ang lalaki sa sinabi niya. "Dinukot? Nagbibiro ka ba, Armaign? Bakit naman kita dudukutin?"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Hindi kita kakilala," she said panicking.

"Stop it, Armaign. Hindi nakakatawa ang mga biro mo."

She couldn't say anything anymore. She was frightened he would do something if she protested further.

"Let me get the doctor and nurses for you, okay? You'll be fine." Tumayo ito at lumabas ng kwarto.

Pumasok ang lalaking doktor at binuksan nito ang ilaw sa loob ng silid. Inasikaso nito si Armaign.

"Nasaan po ako? Bakit ako narito? Hindi ko ito bahay. Kailangan ko na umuwi. Mag-isa lang ang Mama ko sa bahay at kamamatay lang ng ama ko kahapon. Anong gagawin niyo sa akin? Maawa kayo sa akin, please. Kailangan ako ng mama ko." Naiyak siya sa sobrang takot. Nagmakaawa siya sa mga itong pakawalan siya. The doctor asked her to calm down.

Lumalim naman ang kunot sa noo ng lalaking kausap ni Armaign kanina.

"Parating na ang Mama mo, Armaign. Tinawagan na namin siya. Huminahon ka," ani ng doktor.

"Armaign don't you remember me? Ako 'to, si Drenz! Doc, ano ba ang nangyayari sa kaniya?" tanong ng lalaki.

Napamaang si Armaign sa lalaki at pinagmasdan itong mabuti. He looked so old, how would he be Drenz? Ngunit habang tumatagal na tinitignan niya ito, namumukhaan niya ang kakambal ni Diana.

Lumapit si Drenz sa kaniya. "Armaign this is me. Ako ito si Drenz."

Armaign raised a hand to touch his face. Ito nga ay si Drenz. Pero bakit mukha itong matanda? Napuna din ni Armaign na mayroong sing-sing ang kaniyang daliri. Hindi siya mahilig sa alahas. Paano ito napunta sa daliri niya?

"That's our engagement ring. We are getting married in two months." May bahid ng alarma at takot ang boses ni Drenz.

"Kasal? Hindi pa ako pwede magpakasal. I'm still in high school, and I'm only sixteen," pahayag niya, "Pwede na ba ako umuwi? Walang kasama sa bahay si Mama. Wala na akong panahon sa mga biro mo, Drenz. Don't you feel sorry at all that I missed Papa's death because of you?" anas niya sa binata.

"What are you talking about, babe? Twenty-eight ka na at malapit na tayo magpakasal. Hindi ka high school student. Isa ka nang abogado."

Inilapit ng doktor ang bibig sa tainga ni Drenz at bumulong.

Nanlaki ang mata ni Drenz kasabay ng pagbagsak ng mga balikat nito. He asked Armaign in hushed tone, "Babe, tell me what date is today."

Seryoso ba siya? Bakit naman niya sa akin tinatanong ang petsa?

Well, her father died yesterday and it was March 22. "It's 2004. March 23, 2004," Armaign answered nonchalantly, and their mouths fell.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon