Chapter Eighteen

329 27 0
                                    

"DIANA! Tignan mo nagmessage sa akin si Marvin. He was asking kung kamusta na ako. Teehee! Nabasa niya siguro ang headline sa diyaryo noong isang araw." Ipinapakita ni Armaign kay Diana ang mga text message na natanggap niya mula kay Marvin. "Siya ang nagcover ng isang headline sa article nang maaksidente ako. Did we stay connected kahit binasted niya ako?"

Kasalukuyan silang naglalakad sa damuhan ng farm. Sunday ngayon, at nakukulayan ng kulay asul ang kalangitan. Dumalaw si Diana sa farm kasama ang bago nitong pamilya. Nakamusta kanina ni Armaign si Lance at ang dalawang anak nila ni Diana. Dinalaw siya ni Lance sa ospital kaya medyo pamilyar na si Armaign dito. Swerte ang kaibigan niya kay Lance dahil humble at maalagain ito. Bonus pa na gwapo. Masayang-masaya si Armaign para sa kaniyang kaibigan.

"Sinabi ko kay Marvin na narito ako ngayon sa farm niyo sa Tanay, Rizal. Gusto ko siyang makita. Alam mo naman na kahit hindi niya tinanggap ang pag-ibig ko, kaibigan ko pa din siya," dagdag ni Armaign.

Diana suddenly stopped walking and looked at Armaign with fear and panic in her eyes. Halatang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ni Armaign. "You what? Sinabi mo kung nasaan ka? Don't talk to him, Armaign!" Hinawakan ni Diana nang mahigpit ang kamay ni Armaign. Nagulat si Armaign sa naging reaksiyon ng kaibigan.

Bahagyang lumuwag ang kunot sa noo ni Diana at hinarap si Armaign.

Diana continued, "Sigh. Dapat ko bang sabihin sa 'yo ito?" Nakagat nito ang labi at pinagmasdan nang matagal si Armaign. "Niligawan ka ni Marvin noong first year ka pa sa law school. Pero tinanggihan mo siya kasi narelaize mo na mahal mo si..." Diana stopped, halatang pinipigilan nito ang sariling magsalita nang malaya. "As I was saying, tinanggihan mo siya."

Armaign hated this. Everyone had been telling Armaign stories about her life. Dahil may tiwala siya sa mga ito, may kapangyarihan ang mga itong kontrolin ang paniniwala ni Armaign. Kahit si Diana ay harap-harapang nagsisinungaling sa kaniya tungkol sa relasyon niya kay Drenz.

Bakit kaya ganito ang reaksiyon ni Diana nang sabihin niya ang tungkol kay Marvin? Hmm... Naaawa siguro siya kay Drenz. Natatakot siya na baka mas lalong hindi matuloy ang kasal dahil kay Marvin.

"Siya pa din ang first love ko, Diana," sabi ni Armaign. "Gusto kong malaman ang totoo. Bakit ko siya tinanggihan?" Tinanggihan ko ba talaga siya? Somehow, nawalan na ng tiwala si Armaign kay Diana dahil nakuha pa rin nitong magsinungaling sa kaniya.

"Sobrang naturn-off ka kay Marvin after mo nalaman kung bakit siya binugbog ni Drenz noong high school tayo. My brother is such an idiot. Hindi niya sa atin sinabi ng maaga."

When they were young, naiirita si Armaign kay Drenz dahil sinuntok nito si Marvin. Ang sabi ni Drenz, sinuntok nito si Marvin dahil sinira ni Marvin ang Tamagotchi ni Drenz. Well, back in the days, Tamagotchi was such a big deal.

"O, bakit naman ako naturn-off?"

"Do you remember Marco, ang friend ni Drenz na may ADHD? Marco throws things everywhere. Naaalala mo ba??"

"Yes, I do. What about him? He got kicked out right?"

"Well, naglalakad ang school principal sa school ground nang may tumamang libro sa ulo niya. Nakita ni Drenz na aksidenteng nahulog ni Marvin ang libro sa bintana at tumama iyon sa principal. Pero si Marco ang nakita ng principal sa bintana kaya si Marco ang napagbintangan," umusok ang ilong ni Diana, "Marvin did nothing! He was too coward to correct the principal. Drenz tried to convince the principal that Marvin did it accidentally, but they kicked out Marco anyway. Drenz was so mad he punched Marvin."

Nakita ni Armaign sa hindi kalayuan si Drenz. Kausap nito si Lance at buhat nito ang dalawang inaanak.

Armaign was lost for words. Wala siyang nasabi matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Diana. Totoo kaya ang mga sinabi ni Diana?

Hindi naman niya kailangan pagdudahan ang sariling kaibigan. Nagsasabi ng totoo si Diana dahil hindi naman ganoon kababaw si Drenz para makipag-away dahil lang sa Tamagotchi. Ngunit bakit kaya hindi sinabi ni Drenz ang totoo kay Armaign? Bakit nito tinago ang katotohanan?

Armaign was ashamed that she thought their conflict was because of Tamagotchi. His sense of loyalty always placed him in trouble. She thought his bravery was commendable.

Armaign didn't realize she had been sighing dreamily thinking about Drenz. Just this once, Armaign would let her feelings out in the surface. 

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon