Chapter Five

392 27 0
                                    

"TALAGA BANG HINDI mo maalala kung ano ang n angyari three days ago?" Hilary Clinton—no, Armaign's mother, Candice, asked Armaign that afternoon.

"Wala po talaga, Mama. May nangyari po bang importante?" Napapikit ng mariin si Armaign dahil humahapdi ang kaniyang ulo. The doctors told her to consume her medication religiously to avoid headaches.

Armaign's neuropsychologist said that her memories would likely come back. The ability of her brain to recall her long-term memories was damaged, but it had miraculously propelled after her seizure. Normal lang daw ang seizures sa mga nakaranas ng traumatic brain injury. Due to the scar from the surgery and because of stress, her brain underwent seizure.

"Nothing. The doctors told us your seizure was also caused by stressed. Sa tingin ko ay mas mabuti kung lalayo ka muna sa stress." Nagbabalat ito ng orange para sa anak.

Pinanood niya ang sariling ina habang ito ay nagbabalat ng orange. Hindi pa rin matanggap ni Armaign na nagbago ang mundo pagdilat niya ng kaniyang mga mata. Napabuuntong hininga siya. Nagkakamali siya. Walang nagbago sa mundo. Si Armaign ang nagbago at hindi ito.

"Ayoko ng orange, Ma. May sugat ako sa dila. Nakagat ko ata ang dila ko dahil sa seizure." Humahapdi ang kaniyang dila kahit uminon siya ng tubig.

Armaign recalled what they told her happened. After the surgery, she was in coma for five days. She woke up three days ago, thinking she was sixteen; she had a seizure, and now she woke up as a twenty-one year old amnesiac. Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Ngayon ay kailangan niyang tanggapin na ang babaeng nasa harap niya ay ang tunay niyang ina.

Armaign's real age was twenty-eight. Ano kaya ang nangyari sa nakalipas na pitong taon? Ayaw sabihin ng kaniyang ina. Paunti-onti kung magbigay ng impormasyon ang kaniyang ina. Baka daw masyado siyang ma-stress at magka-seizure ulit. Malapit na siyang mabaliw kakaisip kung ano ang nangyari sa nakalipas na pitong taon. Gusto niyang umiyak. Ngunit ang tanging magagawa lang niya sa ngayon ay indahin ang sakit ng kaniyang ulo.

Ibinaba ng kaniyang ina ang prutas at kinuha ang diyaryong dala nito kanina. Her mom sighed heavily, and glanced at her daughter while contemplating. "Don't be too shock once you learned about this. Kumalma ka lang, okay?" She laid out the newspaper on the lap of her daughter.

The newspaper was eight days old. Natuon ang attensiyon ni Armaign sa headlines ng diyaryo. "Attempted Murder: The accused hired a killer to shoot Atty. de Guia." Kumabog ng malakas ang puso ni Armaign at nanikip ang kaniyang dibdib nang makita ang kaniyang litrato sa headlines. She looked old but she knew that it was she in the headlines.

Nabasa pa niya na ang first love niyang si Marvin ang nagsulat ng artikulo sa headlines tungkol kay Armaign. Ngunit may mas matindi siyang nadiskubre dahilan upang hindi siya makapagsalita ng ilang minuto.

"Isa akong abogado?!" Sa wakas ay nakuha rin ng dalaga ang mag-react. "A lawyer!" She's hoping that it would sink in once she said it repeatedly.

"Nangako ka that you'd be calm." Her mother snatched the newspaper away from her. "These flowers are from your client. You are representing the family of the seven massacred civilians to a preliminary investigation."

"Sandali lang, Mama. I think you're right. Magdahan-dahan tayo. Hindi kaya ng puso ko!" Sinubukan ni Armaign na pakalmahin ang sarili. Pinagpapawisan ang kili-kili niya sa mga nadidiskubre niya. She's also having cold feet! Masyado siyang hindi makapaniwala, pakiramdam niya ay gusto niyang sumuka. "Bumagsak ako ng dalawang beses sa mga entrance exams sa law schools. Tapos abodaga na ako ngayon? And you're my mom! How did you end up looking so beautiful? Muntikan na kitang matawag na Hilary Clinton!"

Naconscious bigla ang kaniyang ina sa itsura nito. She arranged her hair, and Armaign caught sight of the glittering golden ring in her mother's finger.

Napakunot ang noo ni Armaign. Kakaiba ang sing-sing na suot ng kaniyang ina. Hindi ito ang sing-sing nila ng kaniyang ama. Hindi kaya...

"Ano iyang nasa daliri mo?" Armaign weakly grabbed her mother's hand and surveyed the golden ring. "Wedding ring ba ang suot mo?"

Silenced. Candice snatched away her hand. "Armaign, magpahinga ka na."

Armaign could not breathe. Napamaang siya sa kaniyang ina. Tamang hinala kaya siya? Mahabang panahon ang pitong taon. Hindi kaya... "Nagpakasal ka ulit." She said in a very low voice.

Candice was confused as to what to say to her daughter. She nodded, and avoided Armaign's eyes. "Sinubukan naming sabihin sa iyo sa loob ng tatlong araw ang lahat ng nangyari sa loob ng pitong taon. Nagka-seizure ka dahil hindi mo kinaya."

Naninikip ang kaniyang dibdib at alam niya na kapag huminga siya, hindi niya mapipigilan ang pag-tulo ng kaniyang mga luha. "Karapatan kong malaman! Kaya ko na! Anong pangalan niya? Paano si Papa? Nakalimutan mo na ba kami?" Nanginginig si Armaign sa takot. Anu-ano ba ang nalaman niya sa loob ng tatlong araw dahilan para siya ay magkaseizure?

Armaign and her mom were a fighter. Sa ilang taon na nilabanan nila ang Leukemia ng kaniyang ama ay nakita ni Armaign kung gaano kamahal ng kaniyang ina ang ama. Of course, mahabang panahon ang seven years. Her mother had remarried.

Candice sighed heavily. "Do you remember the bakery I was starting a year after your father died? Pagkatapos mong gumraduate sa college, nakahanap ako ng investors at lumago ang bakery natin."

Armaign could recall perfectly well. Nagsimula ng bakeshop ang kaniyang ina. It was starting so well that they accumulated enough money to pay for her father's hospital bills and debts. Ngunit paano ito naging konektado sa kaniyang step-dad?

"Ramon invested huge sums of money to our business. Napalago nating dalawa ang negosyo sa loob ng tatlong taon. Nag-aaral ka sa law school at ako naman ang nagpapatakbo ng negosyo." Candice smiled gently at Armaign. "Naging kaibigan ko si Ramon. Ikaw, Armaign, ang nag-sabi sa akin na magsimula ako ng bagong buhay kasama si Ramon. You said your dad would want me to be happy again. Kasal na kami ngayon, and we adopted a son."

"Adopted son?"

"Yes, hija. You love him so much. Ang pangalan niya ay Justin, and he's five." Candice's eyes twinkled as she reiterated about her life to Armaign. Armaign could see how happy her mother had become. Pagkatapos mamatay ng kaniyang ama ay pulos pilit na ngiti lamang ang iginagawad nito sa kaniya. Nabalot ng kalungkutan ang pamilya nila dahil sa pagkawala ng ama.

Should Armaign react negatively about her mother's second marriage? Armaign would want to, but it was clearly not a wise decision. Hindi niya matanggap na masaya na ito kahit kamamatay lang ng kaniyang ama limang taon—hindi! Matagal nang patay ang kaniyang ama. Hindi tamang kagalitan ni Armaign ang kaniyang ina dahil sa isang bagay na naganap matagal na. Everybody moved on. Hindi niya maaring panghawakan ang nakaraan dahil hindi iyon tama.

She's not 21 anymore. The best way to regain her memory, she thought, was to accept her current life. She had to learn her life by letting go of the past and accepting the future, starting now with her mother's second marriage.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon