Chapter Eight

418 30 3
                                    

NAKARATING si Armaign at Drenz sa law firm. Sa buong durasyon ng kanilang biyahe ay tahimik si Drenz. Armaign tried to initiate a conversation but Drenz was not in the mood to talk. It seemed he was mad about something.

Okupado ng law firm ang buong isang floor ng building. Malawak ang opisina nila at abala ang mga tao nang pumasok sila sa loob. As they entered the office, Armaign talked to the receptionist who recognized her. Pinakiusapan ni Armaign ang receptionist na ihatid sila sa opisina niya.

"Alam ko kung saan ang office mo, Armaign. Umupo ka na, Melany," utos ni Drenz sa receptionist at hinatak nito si Armaign papunta sa office niya. He was so impatient! It was annoying.

"Paano mo nalaman kung nasaan ang office ko?"

"I just know." Drenz stopped walking once they saw an old Chinese man in a business suit approaching them. "Siya si Mr. Chen. Isa siya sa mga kliyente mo." Drenz whispered to her.

"Hello, Mr. Chen." Armaign greeted him nervously. Ngumiti ang kliyente sa kaniya, at napanganga si Armaign nang magsalita ito. He was speaking in Mandarin!

Siniko siya ni Drenz at binulungan, "Kausapin mo siya! Mr. Chen knows you speak Mandarin."

Nanlaki ang mga mata ni Armaign, at tumingin ng marahan kay Drenz. "Huh? Natuto akong magsalita ng Mandarin?" hinarap ni Armaign si Mr. Chen. "Drenz, mayroon akong Amnesia!" bulong niya sa binata.

Mr. Chen spoke in Mandarin again. "Zao an! Ni hao ma? Zhen jiao ren xinjiao. Wo shi ni de pengyou. Ni neng ji zhu wo?" Hinihintay ni Mr. Chen ang sagot ni Armaign. Pinagpawisan siya ng malapot.

Armaign gulped. "Uhm... Ni hao ma. Xie xie. Wo ai ni." For crying out loud! She could not speak Mandarin now! Ang mga iyon lang ang kaya niyang sabihin gamit ang Mandarin at hindi pa niya alam kung ano ibig sabihin ng mga iyon!

Mr. Chen's eyebrows creased at her reply. "Ni shuo shenme?"

"Ni hao ma. Xie xie. Wo ai ni." Sana lamunin na ng sahig si Armaign ng mga sandaling iyon! Naramdaman ni Armaign si Drenz na nagpipigil ng tawa. Namumula ang pisngi ng damuho! She would get him later for this.

"I'm sorry, Mr. Chen. But Armaign is not well. She's fine, if you're asking. We need to get going now." Drenz talked to him in English! Armaign could feel the surge of anger coming. After giving their respects to Mr. Chen, Drenz led Armaign inside her office.

"Anong sabi mo? 'Wo ai ni'?" Humagalpak ng tawa si Drenz. "Hindi ako aware na in love ka kay Mr. Chen. Sana sinabihan mo ako noon."

"How could you betray me?" Nagpapadyak si Armaign sa inis.

"I said talk to him. Hindi ko naman sinabi na mag-Mandarin ka." Umupo si Drenz sa upuan na nasa tapat ng office desk ni Armaign. "Magaling ka magsalita ng Mandarin. Kahit ako napapanganga kapag naririnig kita magsalita."

"I'm still good at Mandarin. I'm just not myself!" Pagdepensa ni Armaign sa sarili.

Armaign looked around her office. There's a living room set beside her desk, and there were bookcases filled with law books on a corner of the wall. Wow! Pumunta siya sa kaniyang lamesa at umupo sa office chair. She savored that moment. Ironically, the last thing she remembered was failing law aptitude exam twice, and now she woke up as a lawyer, handling a big case.

"Ano ang huling naalala mo?" Drenz asked her. Nilapat nito ang kamay sa lamesa ni Armaign.

"Well, I remembered that day where you came to my school to comfort me because I failed in San Beda College. Nagmamaneho ka pauwi. Sabi mo matulog lang ako at paggising ko ay magiging okay din ang lahat. Nakatulog ako sa kotse mo. The next thing I knew I was in a hospital," Armaign laid back in her seat, "Pagkagising ko ikaw ang una kong hinanap kasi akala ko naaksidente tayo sa kalsada. Mali pala." She grinned at her stupidity.

"Yeah, I heard from Diana. Buti naman naisip mo 'ko." He smiled.

"Dinalaw mo ba ako sa hospital? Ngayon lang kasi kita nakita."

"I did. Hindi mo lang maalala. I visited you before your seizure. Hindi na ako nakadalaw dahil busy ako sa farm."

"Sabi sa akin ni Diana ay ikaw na daw ang nagpapatakbo ng Samañiego Farm. Kaya ka pala busy." At kaya pala natunaw ang baby fats mo. Ani niya sa isip at pasimpleng pinasadahan nang tingin ang matitigas na braso ng binata. Siguro ay nagsisibak ng kahoy si Drenz kaya natunaw ang cellulites nito. Ano ba? Pinagnanasaan mo ba siya? Tumigil ka nga, Armaign! Baka kung saan pa mapunta ang trail of thoughts mo.

"Kamusta si Justin?"

"He is a wonderful kid. Gusto ko magalit nang malaman kong ikinasal ulit ang mama ko. Akala ko nakalimutan na niya kami ni Papa. Pero wala akong nasabi kasi nakita ko kung gaano siya kasaya. Ako pala ang nagpayo sa kaniya na maging masaya ulit kasama si Tito Ramon." Armaign sighed heavily. "Nang makita ko si Justin kanina, napagtanto ko tama ang naging desisyon ko. How can I be angry that he became a part of my family?

"Feeling ko parang nanaginip lang ako. But everytime I wake up in the morning I'm still stuck in 2016. It's like I time travelled." Armaign smiled in disbelief. "Seven years are a long time. Almost all the worries I had in 2009 is answered in 2016. I think the fastest way to learn about my life is to focus on this timeline," Armaign said, "Ikaw? Sabihin mo sa akin. Napatawad na ba kita?" Hinawakan ni Armaign ang kamay ni Drenz.

Drenz bit his lips and nodded softly. "You have, Armaign."

"Naniniwala ako sa 'yo. Even if I don't remember how I forgive you, patatawarin kita ng buong-buo at kung ano man ang relasyon natin sa nakalipas na taon, I assure you, walang magbabago. I won't hate you for the same reason again. I promise." Armaign's words were sincere.

Nagtagis ang mga bagang ni Drenz at malungkot na tinignan si Armaign sa mga mata.

"Sigurado ka ba? You can hate me if you want to. I'm the asshole who stole you away while your father was dying." He tightened his grip on Armaign's hand. "In 2009, you haven't really forgiven me. Nagtitiis ka lang sa presensiya ko. Nag-alala ako ng husto nang ma-ospital ka at nang magka-seizure ka. Akala ko, iiwan mo na ako.

Napakunot ang noo ni Armaign sa huling sinabi ng binata. Napatingin siya sa kamay ni Drenz nang higpitan nito ang kapit sa kamay niya at doon niya napuna na namamaga ang kamao ng binata.

Drenz looked desperate. "Kung sigurado kang patatawarin mo ako, tingin ko ay may dapat kang malaman tungkol sa ating dalawa." Hindi ito mapakali. He was dying to say something.

Armaign was wondering what he had to say. Somehow, it made her nervous.

"Armaign..." Paused. Napabuga ito ng hangin, at bumagsak ang mga balikat nito. Binitiwan ni Drenz ang kaniyang kamay at mukha itong talunan. "We are great friends. Iyon lang. I will pick you up tomorrow. Ihahatid kita sa farm at tutulungan kitang bumalik ang mga memorya mo."

"Anong sabi mo? Akala ko ba'y ayaw mo ako maging kaibigan?" She pouted.

Armaign noticed the silver ring in Drenz's hand. "Teka, ano 'yang suot mong singsing sa daliri?" Napasinghap si Armaign matapos makita ang sing-sing ni Drenz. "Kasal ka na rin ba?!" Bakit ba ngayon lang niya nahalata ito?

"I'm about to get married next month." Kinapa ni Drenz and sing-sing sa daliri nito. Si Diana at ang kaniyang ina ay ikinasal na. Ngayon naman ay si Drenz. Ikakasal na ito sa susunod na buwan.

Pinasadahan nang tingin ni Armaign si Drenz. Kanina pa niya napupuna na may nagbago dito. Armaign could see that Drenz was beyond his boyhood. The young Drenz was boisterous and lawless, but all she could see now was a man who moved with great extent of maturity and dignity. He used to fool around in college, sumasali ito sa frat at oblation run sa UP. Now he walked so tall and proud. He loved picking up fights as a boy; earlier, he practiced great self-restraint from displaying road rage.

Ngunit ang totoong pagbabago ay kung paano tignan ni Armaign ang binata. Armaign saw for the first time that Drenz had become a man, and it was strange. She suddenly wanted to know more about him as if she was interested.

Armaign hastily ignored the nagging feeling about Drenz marrying someone.

"Sino ang fiancé mo?" tanong niya.

Nag-angat ang binata ng tingin sa kaniya at mas lumalim ang buntong hininga nito. He didn't respond.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon