Chapter Twenty-Eight

740 48 35
                                    

MAGKATABI sina Drenz at Armaign sa labas ng bukid at sabay nilang pinapanood ang paglamon ng apoy sa farm. Drenz was holding her tight while watching everything, and Armaign felt guiltier than ever.

Nakakabingi ang sirena ng mga ambulansiya at kotse ng mga pulis ng tanghaling iyon. Tirik ang araw at dumagdag sa init ang sunog na lumamon sa farm. Mabuti na lang at naagapan ang pagkalat ng sunog sa loob ng manor. Wala pang makapagsasabi kung ano ang lawak ng pinsala na nakonsumo ng apoy. Abala pa rin ang mga bumbero.

Lumingon si Armaign sa bangkay na inasikaso ng mga pulis at medical team. Kumakain ng tanghalian ang mga trabahador nang sumalakay sina Howl. Nilabanan ng mga magsasaka ang mga tauhan ni Howl gamit ang mga farm tools. Nakahinga nang maluwag si Armaign dahil walang napahamak na magsasaka. Samantala ang dalawang katulong na kasama ni Aling Pacita ay hindi na nakitaan ng buhay. Isinugod agad si Aling Pacita sa hospital nang dumating ang unang ambulansiya.

Ang mga hayop at pananim ay tiyak na nawala na sa apoy. Naisalba ang ibang mga hayop dahil nakalabas ang mga ito at pagala-gala ngayon sa labas ng farm.

Nakita ni Armaign si Diana at Sarah. Abala si Diana sa pag-aasikaso sa mga pulis at ambulansiya. Samantala, si Sarah ay nagbibigay ng interview sa mga media na nagkalat sa labas ng harang ng pulis. Civilians were also there adding up to the noise of the atmosphere.

Pinagmasdan niya si Drenz sa kaniyang tabi. Nawala ito kanina dahil pumunta ito sa taniman nang makita ang sunog. Si Drenz ang tumawag sa mga awtoridad. Masakit para kay Armaign na makita ang panghihinayang sa mga mata ni Drenz habang pinapanood nito ang sunog.

"Hindi ka makakapatay ng tao at hindi masusunog ang farm kung hindi dahil sa akin. Wala akong ibang naidulot sa 'yo kundi sakit. I'm so sorry, Drenz," malungkot na tugon ni Armaign.

Lumingon ang kaniyang kasintahan sa kaniya at sinabi, "You don't have to be sorry. It's not your doing. Can't you see that I will do anything for you, kahit pa naduduwag ako?"

"Ano bang nagustuhan mo sa akin? Hindi ko maintindihan."

Ngumisi ito. "Noong umalis kami ni Diana sa farm, sobrang nagalit ako sa parents namin. I vented my anger on my art. I tried sketching stuff." Drenz enclosed her face in between his palms. "Diana befriended you, and I tried to sketch you. Hindi ko maperfect ang sketch sa ilong mo, and it frustrated me a lot. I found myself staring at you all the time and it occurred to me that you were distracting me from missing Lolo. As I was watching you everyday, I learned so much about you. I realized you're not just a subject for my art anymore. You became the subject of my affection, and my raison d'être."

"I'm sorry dahil binato ko ang sing-sing sa mukha mo. I remembered what happened in the hospital when you visited me." Ipinakita ni Armaign dito ang suot na singsing. Nasaktan si Drenz sa mga salitang binitiwan niya kaya hindi niya ito nakita nang siya ay magising sa pangalawang pagkakataon. "Bakit hindi mo sinabi agad ang tungkol sa ating dalawa?"

Drenz held her hand to survey the ring and planted a soft kiss on it. "After your seizure, pinakiusapan ako ng Mama mo na huwag munang sabihin sa 'yo na ikakasal tayo hangga't hindi ka pa handa. We couldn't risk losing you again. She pleaded us to go easy with the information. Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon natin?"

"Hinalikan mo kasi ako sa library. Natakot ako na baka kabit mo ako. But I remembered something about us, and I confirmed it when I compared your passport and mine."

"Ano ang naalala mo?"

"Well... uhm... ahh..." Hindi makatingin ng diretso si Armaign kay Drenz. "I remembered two people having sex in my room here in the manor... it was us." Namula ang kaniyang pisngi.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon