Chapter Nine

397 31 0
                                    

PINAGMASDAN ni Armaign ang kabuuan ng buong farm nila Diana sa labas ng bintana. Naniniwala si Armaign na tunay nga na nakabibighani ang ganda ng farm nila. Nasa loob ng manor sina Diana at Armaign. Kararating lang niya sa farm at kasalukuyan siyang tinutulungan ni Diana na ayusin ang kaniyang mga damit sa aparador ng kaniyang silid.

Ang manor, kung saan sila naninirahan, ay nakatayo sa tuktok ng burol. The busy affairs of the farm were down the manor hill. Vegetables, grains, and fruits were planted and arrange systematically down the hill. Ang mga alagang baka, manok, baboy, kambing, itik, kabibe, at mga kabayo ay nasa ilalim ng araw at pagala-gala sa kabukiran. Napakagandang panoorin ng paglangoy ng mga pato sa isang malaking artificial pond. Mula sa bintana ng kwarto ni Armaign ay makikita sa ibaba ng burol ang mga bahay ng mga tauhan ng farm at ang workshop ni Drenz.

Nagitla si Armaign pagdating niya sa farm kanina. The farmers, maids, cooks, and workers almost cried when they saw Armaign arrived. Hindi maikaila ni Armaign na natutuwa siya sa mainit na pagsalubong ng mga ito sa kaniya. Araw-araw daw ay nag-aalay ng dasal ang mga ito na gumaling siya. Kahit hindi maalala ni Armaign ang mga pangalan nilang lahat, masaya siya dahil mukhang tumandang mapagkumbaba ang kaniyang nakatatandang sarili. Kinakaibigan ni Armaign kahit ang mga simpleng mamayan tulad nila.

The manor was built on top of the hill during the 90s. Nirenovate ng mga Samañiego ang manor at dinagdagan ng pangatlong palapag. Now, the manor was a three-story residence with seven spacious bedrooms. Its structures were a combination of red wood and masonry walls. The library had fifteen feet high bookshelves that covered all walls of the room. Ang mga bookshelf ay nalalamanan ng law books, magazines, novels, at encyclopedias. The dining, living, and drawing room were decorated with the same theme of maroon Victorian furnishings. Nevertheless, all the equipment inside the manor was extravagant.

Tunay ngang nakabibighani ang disenyo ng farm. Naiinitindihan na ngayon ni Armaign kung bakit nahirapan ang kambal na lisanin ang paraisong ito para lumipat sa lungsod na malapit sa Maynila. Kahit hindi maalala ni Armaign kung paano ang naging pamumuhay niya sa farm, nakakaramdam siya ng kaginhawaan. The inviting nature of this place made it difficult not to feel at home.

Mula sa bintana, napatingin si Armaign sa kabuuan ng kaniyang kwarto. Mayroon siyang maliit ng bookshelf na puno ng libro, walk-in closet, pulang king sized bed, computer desk, TV set at loveseat. Naglakad siya papunta sa computer desk at napuna niya ang isang passport at wallet.

"Passport ko pala 'to," ani niya sabay bukas ng passport. "Whoa! Totoo ba 'to, Diana? I have visas in Korea, Japan, Canada, and entry stamps on various cities. Natupad din pala ang pangarap kong magtravel. Look at this, mayroon akong Schengen Visa. Nagpunta ako ng Europe!"

"Nagfile ka ng leave for a month sa trabaho para libutin ang sampung Member States ng ASEAN. You're a fan of free movement around ASEAN," Diana said, "muntikan ka nang mabankrupt. Ha ha ha!"

"Talaga? Oo nga, nakikita ko ang mga passport stamps. Pero sinamahan mo ba ako mag-travel?"

Nabura ang kaligayahan sa mukha ni Diana. "Hindi." Nag-iwas ito ng tingin at tumikhim. "You travelled alone."

"I haven't really asked, but am I in an exclusive relationship with someone?"

Kinagat ni Diana ang mga labi at saka sinabi, "Busy ka sa law firm kaya wala kang naging boyfriend."

"Talaga? Ang lungkot naman." Armaign pouted. Career minded pala si Armaign. Talaga bang wala siyang naging boyfriend sa loob ng pitong taon? Si Marvin pa rin kaya ang mahal ni Armaign bago nawala ang memorya niya? She thought it would be nice to know that she was with someone. Still, travelling these much in a span of seven years was quite something. Sayang nga lang at hindi niya maalala ang mga lugar na pinuntahan niya. She mentally noted to find the pictures she had from her travels.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon