Chapter Eleven

345 26 4
                                    

NAKU! Napakalandi talaga ng dalawang ito! Armaign was in her mother's bakery that afternoon with Diana and the engaged couple. Armaign was busy that day fulfilling her duties as Sarah's maid of honor. Sila ay namimili ng wedding cake.

They were all sitting in a table filled with variety of cakes. Nasa harap ni Armaign si Sarah at Drenz at katabi naman niya ang kaibigan na si Diana.

Sinubuan pa muli ni Sarah ng strawberry cake si Drenz, at pinunasan naman ni Drenz ng tissue ang labi ni Sarah na may bakas ng icing. Nadikdik ni Armaign ng tinidor ang kaniyang platito ng sour cream chocolate cake at nanlilisik ang mga matang pinanood ang magkasintahan. Armaign had scrunched up her nose once more.

"Babe, have some more,"ani ni Drenz na sinubuan pa si Sarah ng cake.

She was a never fond of public display of affection. She resented it, and she resented seeing Drenz and Sarah doing it. Kanina pa naglalandian ang dalawang ito sa harap nila ni Diana. Nakapagsukat na sila ng wedding gown, at nakapili ng bulaklak. Sa buong durasyon ng wedding preparation ay hindi mapaghiwalay ang dalawang ito, para silang kating-kati sa isa't-isa.

"Are you okay, Armaign?" Tanong sa kaniya ni Diana. Kapag nakikita ni Diana ang reaksiyon niya kina Drenz ay natatawa ito. Sanay na raw si Armaign sa PDA ng dalawa kaya natatawa si Diana na panoorin ang twenty-one-year-old reaction niya na sobrang manang. Ano naman kung manang siya mag-isip noong twenty-one siya? Siguro nga ay nagmistulang PDA police si Armaign pero talagang nagpupuyos ang loob niya sa kalandian nilang dalawa! Tumaas lalo ang nakataas nang kilay ni Armaign nang maglabasan ang mga biloy ni Drenz. At ang bilog nitong kulay-kapeng mga mata ay nakatuon lang kay Sarah—kay Sarah lamang.

Inilahad ni Armaign pataas ang tinidor habang nanlilisik ang mga mata. "Can you tell your brother and our best friend to get a room? Ako mismo ang magsasampa sa kanila ng public indecency sa korte," bulong niya kay Diana. "You know I hate PDAs." Did Armaign hate PDAs in 2016? Armaign was not sure.

How vexing it was that they weren't noticing the presence of Armaign and Diana's company! Nanggigitgit sa inis si Armaign nang lumapit ang kaniyang ina upang kamustahin ang cake testing nila.

"So? Anong flavor ang gusto niyo?" Nakangiting tanong ni Candice.

"What do you girls want? How is it?" Tanong ni Sarah sa kanila.

"Oh! I like this Pistachio Marble White I'm having," ani ni Diana na masaya sa kaniyang cake.

"Ikaw, Armaign? Anong masarap para sa 'yo?"

Armaign was suppressing a groan when Sarah flirtatiously whispered something in Drenz's ear. Habang bumubulong si Sarah, biglang sumulyap si Drenz sa dako ni Armaign at biglang tumawa ng malakas. Naku! Ang landi talaga! Feeling teenager! Ano kayang sinasabi ng bruhang Sarah na 'yan at biglang tumingin sa akin ang damuhong ito? Aniya sa isip. Pinag-uusapan ba nila kung saang motel sila magche-check in pagkatapos namin dito? Kaysa naman abutan ang magkasintahan sa bangketa, mas mabuti na ang ituloy ang tawag ng laman sa dilim. Eeew! So gross!

"I hate sweets! I love this Sour Cream Chocolate Cake," paanas na tugon ni Armaign. Pinukulan niya si Sarah ng matalim na tingin.

"Masarap ba, Armaign? Then I'll have Armaign's choice, Tita Candice," Sarah chirped, beaming to Armaign's cake.

Of course, you'll have my choice of cake! Very unoriginal! Sarah had asked Armaign and Diana to fit the wedding gowns earlier so Sarah could choose what to try next, and she had chosen Armaign's gown. Kanina din sa flower shop ay pinili nito ang suhestiyon ni Armaign na sunflowers at orchids bouquet. Pinipili nito ang gusto ni Armaign. Nanadya talaga ang bruhang ito! Kaibigan ko ba talaga siya?

Akala niya ang ganda-ganda niya. Ano naman kung mas maganda siya sa akin? Magaling naman ako mag-Mandarin! Armaign thought she could brag about her ability to speak Mandarin even if she had Amnesia. Napatingin siya sa perpektong buhok ni Sarah at awtomatikong kinapa ang sariling buhok. She became panicky. Who has hair like that? Damn! Ang ganda ng buhok niya. Naku! Nagsusuot siya ng wig! Tama! Kalma ka lang, Armaign! Wig lang ang suot niya! Hindi iyan totoong buhok! Sobrang kapal pati ng make-up niya! I bet guys will look at me kahit wala akong make-up.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon