Chapter Ten

384 31 1
                                    

ARMAIGN went inside the tiny cottage beside the pond filled with ducks. Pinasok ni Armaign ang art workshop ni Drenz. Namamasyal si Armaign sa kabuuan ng farm nang mapadaan siya sa maliit na cottage. Kumatok siya sa loob, umaasa na makikita niya ang binata.

"Drenz? Narito ka ba?" Pagtawag ni Armaign.

Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng cottage. The air inside was filled with wooden scent. Wood chips and sawdust were scattered everywhere on the floor. To her left was an unfinished wooden sculpture of a child. Abstract metal and marble sculptures were everywhere. Tinahak pa niya ang kaloob-looban at iginiya ang paningin sa isang shelf na naglalaman ng maliliit na obrang gawa sa kahoy.

Dumako naman ang attensiyon niya sa pinaka dulong pader. Nasasabitan ng framed certificates ang pader. Nakapangalan kay Drenz ang mga sertipiko. "The Praemium Imperiale, 2014, Tokyo. International Sculpture Center, 2013, Kansas. Art Association of the Philippines, 2012, First Prize, Manila. Philippine Arts Awards, 2011, Manila," pagbasa niya sa sertipiko nang malakas.

Ang mga nakasabit na news clippings katabi ng mga sertipiko ay patungkol din kay Drenz. Napangiti siya. Ano kaya ang mangyayari kung hindi sinunod ni Drenz ang panagarap nito at ipinagpatuloy nito ang kursong Business Administration sa Ateneo de Manila?

Natuon naman ang attensiyon ni Armaign sa isang white marble sculpture malapit sa kaniya. It was a sculpture of a woman. The sculpture was wearing a dress that hugged its curves. Its arms raised, hands on its nape. It was standing upright; her chest erected. Its chin were up. Nakapagtataka na parehas ang height ni Armaign at ng babaeng sculpture. Hinawakan ni Armaign ang pisngi ng sculpture at sinuring maiigi ang makuha nito.

Kamukha ni Armaign ang sculpture! Parehas sila ng facial features, at body measurement. Kinapa niya ang sariling dibdib at ang dibdib ng sculpture. The sculpture was based on Armaign's current body measurement. Wow! Ako ba talaga ito? She touched her nose and the sculpture's repeatedly. Hindi ako 'to. Masyadong matangos ang ilong ng sculpture na 'to. Totoo na mas matulis at mas maganda ang ilong ng sculpture kung ikukumpara iyon sa ilong ng dalaga. Pero kahit na! Sinasabi ng kaniyang common sense na siya ang inspirasyon sa kabila ng sculpture. Hinawakan niya ng hinawakan ang ilong ng scuplture hanggang sa ito ay matanggal.

Si Armaign ay napasinghap at napatalon sa shock. Napatingin siya sa natanggal na ilong. She tried to push the nose back to its place but it wouldn't stick back. Naku! Lagot ako kay Drenz! Nilawayan niya ang likod ng ilong at saka iyon isinuksok pabalik sa scuplture. Tumaas ang kaniyang balahibo sa takot. Anak ng teteng! Dumikit ka!

"Are you not having any déjà vu?"

Nanigas si Armaign sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ni Drenz mula sa kaniyang likod. Nahihiyang hinarap niya ang binata.

"Hindi ito ang unang pagkakataon na sinira mo ang ilong ng modelo ko." Sarkastiko ang ngisi ng damuho sa dalaga. "Give me that nose, Armaign." Inilahad nito ang kamay.

Para siyang bata na nahuling nagnanakaw ng cookies sa sandaling iyon. Ibinalik niya ang ilong kay Drenz.

"Bakit mo nilawayan ang likod ng ilong? Hindi super glue ang laway ng mga tao."

"Pasensiya na, Drenz. Hindi ko sinasadyang mabali ang ilong niya."

"Tulad nga ng sabi ko, madalas mangyari ang insidenteng 'to. Maganda ang ilong niya pero hindi kagaya ng taong pinagbabasehan ko." Hindi kumurap ang binata nang ituon nito ang mga paningin kay Armaign. There's something in the way he looked at her that made Armaign cringe.

Tinanong niya ng sunud-sunod si Drenz. "Sa akin mo ba siya binase?" Drenz nodded. "Did you do this by memory?" Drenz nodded. "Kinuhanan mo pala ako ng measurement kaya saktong-sakto sa size ko."

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon