Chapter Fourteen

323 29 2
                                    

HINDI AKO PWEDE maging kabit! Tahimik na pumuslit si Armaign sa loob ng kwarto ni Drenz. Siniguro niya na abala ang binata sa workshop bago siya palihim na nag-imbestiga sa loob ng kwarto nito. Tiniyak niya na hindi siya napansin ng mga katulong habang siya'y pumuslit sa loob. Nagpasalamat siya na hindi dumalaw si Diana at Sarah sa araw na iyon. Ito lang ang nakikitang paraan ni Armaign upang malaman niya kung ano ang totoo.

Armaign clenched her fist. The episodic memory flash that occurred earlier carried a feeling that Armaign had never felt before. Kalakip ng nanumbalik na alaala ang isang matinding emosyon. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoong kasidhian ng damdamin. Wala siya sa tamang edad upang maintindihan ng lubos ang damdamin na naalala niya. Kahit kay Marvin ay hindi naranasan ni Armaign na magmahal ng ganoon.

Lumapit si Armaign sa computer desk ni Drenz at nagsimula siyang dahan-dahan na maghalungkay ng mga gamit nito. She was looking for anything that would prove something.

Napakaganda ng memoryang nabawi niya kanina. The Armaign in her memory was overjoyed. Not a single hatred could be trace in her emotions. She was peaceful. And it was not just a sex. The Armaign in her memory was loved. He was holding her carefully yet passionately. The way he called her name echoed still in her ears, and brought warmth to her heart.

But let's be clear that the man in her episodic memory was engaged. Armaign was certain that the feeling was deep and ethical. It felt too right to be considered as adulterous. Ang koneksiyon na naramdaman niya ay malalim at higit pa. There was a nagging feeling that everyone had been lying to her all along. Kilala ni Armaign ang sarili niya. Hindi siya gagawa ng mga bagay na ikabibigo ng kaniyang ama at ina. May takot siya sa Diyos kaya alam niyang hindi siya papayag na maging kabit, lalo na ng matalik niyang kaaway.

Armaign opened another drawer, and started searching.

Pakiramdam niya ay may hindi tama. Diana, Drenz, and Sarah were not telling Armaign something. The memory she had retrieved was not enough to convey the truth pero nararamdaman niya na hindi siya kabit. Kung tama ang kaniyang hinala, bakit naman magsisinungaling ang mga ito tungkol sa engagement ni Drenz at Sarah? Kaninong kasal ang pinlano nila kahapon?

Natigilan si Armaign nang makita niya ang passport ni Drenz. Siya ay napalunok nang maalala niya bigla ang sariling passport. Ang passport ni Drenz ay puno ng visas at stamps. Ang sabi ni Diana ay mag-isang nilakbay ni Armaign ang mundo. But Diana might be lying. Sa totoo lang ay wala na siyang mapagkakatiwalaan matapos ang naalala niya.

Tumakbo siya pabalik sa kaniyang kwarto at kinuha ang sariling passport. Nilakasan niya ang kaniyang loob at pinagkumpara ang sariling passport sa passport ni Drenz.

What the fuck! Nanikip ang dibdib ni Armaign ng mga sandaling iyon. Hindi siya makahinga sa nalamang rebelasyon! The dates in their visas had matched; they even have the same passport stamps to ASEAN Member Countries! Drenz and Armaign had been travelling the world together since 2012! Noong 2012, una silang pumunta sa South Korea.

Nagsinungaling si Diana sa kaniya! Hindi siya mag-isa sa paglibot ng mundo. Kasama niya si Drenz sa lahat ng pinuntahan niya.

Napaupo si Armaign sa sahig at lumabo ang paningin niya. Namumuo na pala ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kaya pala! Napagtahi-tahi na ni Armaign ang mga kakaibang kilos ng mga taong nakapalibot sa kaniya.

Kaya naman pala ganoon ang mga kinikilos ni Drenz kay Armaign! Hindi ito makapagtimpi na hawakan siya! May ibig sabihin pala ang bawat tingin, haplos, at mga salita nito sa mga nakalipas na araw. Naalala niya na may gustong sabihin si Drenz sa kaniyang opisina noon at mukhang importante iyon.

It made sense why Sarah had been choosing what Armaign had chosen during the preparation. Si Armaign ang totoong ikakasal kay Drenz! At ang wedding preparation na iyon ay para sa kanilang kasal.

Was this some sort of a joke? Bakit sila nagsinungaling sa kaniya? Bakit nila ito inilihim sa kaniya? Hindi maintindihan ni Armaign kung bakit siya iniwan sa dilim ng mga taong malapit sa kaniya.

Marahas na nagpakawala ng hikbi si Armaign at umalog ang kaniyang mga balikat sa matinding pagkabalisa. Pinagpupukpok ni Armaign ang kaniyang ulo. Desperado na siyang manumbalik ang kaniyang alaala dahil hindi niya maintindihan kung paano niya naging kasintahan ang taong kaniyang kinamumuhian.

Naisip ni Armaign ang kaniyang ama. Nangako siya na sasamahan niya ang ama sa oras ng pag-tigil ng tibok ng puso nito. Hindi siya lumisan sa tabi nito noong bilang na ang mga araw ng kaniyang ama. At hindi siya lumiban. Isang araw lang niya iniwan ang ama dahil pinilit siya ng ama na pumasok sa paaralan.

Papunta na si Armaign sa ospital upang bantayan ang kaniyang ama, pero dahil sa kaniyang fiancé ay natagalan siya sa paaralan at hindi na nakaabot sa huling hininga ng ama. Tapos ngayon ay malalaman niya na pakakasalan niya ito?

Namumuhi si Armaign sa kaniyang sarili. Paano niya nagawang mahalin si Drenz? Paano ito napatawad ni Armaign? It was as if Armaign had betrayed herself!

Damang-dama niya sa kaniyang memorya ang haplos ni Drenz at ang matinding pagmamahal ni Armaign sa binata.

Yes, Armaign had promised to forgive Drenz but she couldn't accept that he would be her future. She extended forgiveness in exchange for friendship, and not as his fiancé. She couldn't accept either that her older self fell in love with him.

Napahikbi si Armaign. Ang nakatatanda niyang sarili ay naka-move on na at nakalimutan na ang sariling ama. Naramdaman niya kung gaano ito kasaya sa piling ni Drenz.

Ngayon ay nalilito siya sa sariling nararamdaman. Armaign wanted to feel that happiness too, but she didn't know how. Dala-dala pa rin niya ang sakit ng kahapon. She wanted to let go of her hatred but she was thinking of her father, and she knew she couldn't.

She's caught in a dead lock situation. Hindi niya matanggap na ikakasal siya kay Drenz. Pero dapat nga ba niyang itigil ang kasal nila? Armaign had no strength to end her relationship with Drenz either, because she saw how happy she could be with him. Gusto din niyang mahalin si Drenz, but she was still obsessed with hate.

Napagtanto niya na kailangan niya ng oras. Hindi dapat malaman ng iba na alam na niya ang totoo. Hindi pa siya handa at hindi niya alam ang gagawin. Natatakot si Armaign na masira ang kung ano man na mayroon siya ngayon kapag nagdesisyon siya agad. She thought the only way to protect peace in her current life was to take her time to process things.

Armaign admitted that she was not in the right mind to decide in this situation. Hindi pa siya tuluyang hinog bilang isang tao upang matutong maghilom at magpatawad. 

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon