Chapter Twenty-Five

329 29 0
                                    

"YOU HAVE to eat, Armaign. Ang sabi ng doctor, kailangan mo kumain para makainom ka ng gamot." Pinipilit ni Drenz si Armaign na kumain ng hapunan. But Armaign couldn't swallow a single bite.

Ngayon ang pangatlong araw na nakahimlay siya sa ospital. Lahat ng malapit na kakilala ni Armaign ay tumanda na. Ang sabi ng doktor ay mayroon siyang Amnesia. She didn't bother to listen to his medical jargons, really. Nalaman ni Armaign na siya ay naging abogado at sabi ng mga ito na may nagtangka sa buhay niya kaya siya na-ospital. Wala pa rin imik si Armaign. All that mattered was her father's death. Gusto niyang magluksa sa kamatayan ng kaniyang ama.

Armaign spited her mother. Nagpakasal ulit ito. Walang pakialam si Armaign kung matagal nang patay ang kaniyang ama ngayon. Paano nakuha ng kaniyang ina na magpakasal ulit at mag-move on?Nagluksa ba ito para sa kaniyang ama?Pinakasalan daw nito ang business partner na si Ramon. Ang bagong asawa ng kaniyang ina na si Ramon ay dinalaw siya kanina sa ospital kasama ang ampon nilang Aeta. Ang pangalan ng step-brother niya ay Justin. Hindi niya pinansin ang mga ito kanina at pinukulan niya nang matalim na tingin ang Aeta niyang kapatid.

I bet they treated me like an outcast! Anak lang ako sa unang asawa ni Mama. Another tear fell from her eyes. Walang tigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha at hindi pa rin siya tumitigil kahit napapagod na ang kaniyang mga mata.

"Gusto mo bang kwentuhan kita kung paano naging tayo? Well, bumagsak ka ng dalawang beses sa mga law school na inaplayan mo. Sa loob ng isang taon, nagtrabaho ka sa isang NGO. You took Civil Service Exam, and tried in Ateneo Law School; you passed them both. After that, niligawan ka ni Marvin. But you turned him down because I bravely confessed my love to you. Ang sabi mo ay mahal mo ako. We became together since. I have been your boyfriend for six long and happy years. I proposed marriage last year and you said yes," puno ng kagalakan ang boses ni Drenz.

Nagpanggap si Armaign na parang hindi niya ito narinig. Sumiklab ang galit sa kaniyang puso sa mga sinabi nito. Nakatalikod siya kay Drenz at ayaw niya itong harapin simula nang malaman niyang ikakasal siya rito.

"You have been staying on our farm since your last year in law school. Sa farm ka nagreview para sa Bar Exam and you passed it. Gustung-gusto ka ni Lolo Francis kasi naniniwala siyang tinutulak mo ako para maging mas mabuting tao. Naroon ka para damayan ako nang mamatay si Lolo. Hindi mo ba natatandaan?"His voice broke.

"I will not marry you!" Armaign said furiously. Agad-agad siyang bumangon at tinanggal ang sing-sing sa kaniyang daliri. Ibinato niya ang sing-sing sa mukha ng binata at nahulog sa sahig ang plato na hawak nito. "Narinig mo ako? Ang sabi ko ay hindi kita pakakasalan! Nakakasuya ka! You're the asshole who stole me away while my father was dying! Totoo nga ang sabi nila! Salbahe ka! I defended you when everyone called you conceited. Kahit binugbog mo si Marvin dahil lang sa Tamagotchi, akala ko pa rin ay mabait ka. Pero nagkamali ako! If you just cooperated with me that day, makakahabol pa sana ako sa ospital." The rush of anger was flowing out of her mouth relentlessly.

"Armaign, I already said this to you before. You missed your father's deathbed because I was trying to confess my love. Inaantay ko na makita mo ang bulaklak at chocolate sa ilalim ng mga libro. Mahal kita, Armaign. I don't mean any harm."

"Wala akong pakialam! Hindi kita mahal at hindi kita masikmura! Marrying you feels as if I betrayed myself. Galit ako sa 'yo, Drenz! Galit na galit ako sa inyo ni Mama at pati na rin sa Ramon at Justin na 'yon! Now leave me alone! Leave my..."

She couldn't finish her sentence because her brain suddenly ached and her body became stiff. Tumigas ang kaniyang mga kalamnam. Nawalan siya ng kontrol sa kaniyang katawan at bumagsak sa kaniyang kama. Her whole body moved strangely amidst her muscle stiffening. She's wriggling aggresively. Her senses became unresponsive. Hindi niya namamalayan na nakagat na pala niya ang kaniyang dila. She went on like this for a couple of minutes, and when it had passed, sumara ang mga namumugtong mata ni Armaign.

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon