Chapter Seventeen

372 30 2
                                    

IBINATO ni Armaign ang hawak na diyaryo sa lamesa at sabay na huminga ng malalim. Nasa headlines ng mga balita ang pag-atake na ginawa ng mga armadong lalaki sa kanila kahapon. Wala ng iba pang maisip si Armaign na gagawa nito kung hindi si Howl. Nasa kulungan ngayon si Howl dahil sa attempted murder na ginawa nito sa kaniya. Malamang na may inutusan ito upang patahimikin silang dalawa ni Margaret.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis kahapon, hindi na naka-abot ng buhay sa hospital ang natamaan ni Drenz na armadong lalaki. Walang nakuhang identification sa katawan nito kaya hindi malaman ng mga pulis kung ano ang motibo sa pamamaril sa kanila kahapon. Sa ngayon ay inaalam pa ang pangalan ng armadong lalaki.

Mas tumitindi ang pangangailangan na mahanap nila ang ebidensiya na ginawa ni Joshua. Nakakulong nga si Howl ngayon dahil sa attempt murder na ginawa nito kay Armaign, pero dahil protektado ito ng mga gobernador at ang mga mayor sa Rizal, maaring gamitin ni Howl ang impluwensiya nito para makalabas ng kulungan. Kailangan nila ang ledger upang maparusahan ang mga politikong kasabwat ni Howl.

Kasama ni Armaign si Drenz at Diana sa dining room ng manor upang mananghalian. Nakarating sa pamilya nilang tatlo ang nangyaring engkwentro sa law firm kahapon. Napasugod ang magulang ni Armaign at Drenz sa farm sa matinding pag-aalala. Sinermonan si Drenz ng kaniyang magulang kagabi nang malaman ng mga itong may hawak itong baril sa enkwentro.

"Ano ang pakiramdam ng makapatay ng tao, kambal?" Diana had asked Drenz.

"Are you seriously asking me that, Diana? Hindi ko intensiyon ang patayin siya. I was aiming for his shoulder, but I shot him in the chest instead. I missed! Iniisip ko lang ang kaligtasan naming lahat. And it's not like I don't have a license to carry around my gun." Naiiritang nilantakan ni Drenz ang pagkain sa plato.

"Paano ka nga ulit nagkaroon ng baril? Hindi ko pa pala naitatanong," Armaign butt in.

"Marunong ako humawak ng baril dahil tinuruan ako ni Lolo. Mangangaso siya at sinasama niya ako noon sa liblib ng gubat. Firing was his hobby, and I inherited all of his guns," ani ni Drenz, "hindi ito ang unang pagkakataon na may nagtangka sa buhay mo, Armaign. May hinawakan kang kaso noon. A child was raped by her drugged father, and you represented the child in court. Binaril ka ng tatay ng bata sa loob ng korte." Drenz reached out a hand and pointed something on her back. "Dito ka tinamaan."

Napanganga si Armaign. Bakit hindi niya alam na may peklat siya sa likod samantalang ilang beses na siyang naliligo? She couldn't recall being shot at her back. Kailan iyon nangyari at muntikan na ba siyang mamatay?

"It happened last year. Sabi ng mga doktor, isang pulgada na lang at matatamaan na ng bala ang puso mo. Ever since then, pinakiusapan kitang huwag nang kukuha ng kaso na may kinalaman sa droga dahil napapahamak ka," ani ni Drenz at bumakas ang lungkot at pait sa ekspresyon nito, "Obviously, hindi ka nakinig sa akin. Kinalaban mo naman ngayon ang isang malaking drug lord. Ulo mo naman ang napuruhan ngayon."

Diana smiled. "My brother cried when you were rushed into the hospital. Lagi siyang nagdadala ng baril sa glove compartment to protect you. Ouch!" Gumalaw ang lamesa at tinignan ni Drenz si Diana nang makahulugan.

Armaign went on with her food pretending she didn't hear Diana's tease. But her heart was rioting insider her chest. Armaign remembered how Drenz trembled after shooting the gunman. Napagtanto niyang takot din si Drenz gaya nilang tatlo nila Sarah at Margaret ngunit pinili nito ang maging matapang. Natatakot si Drenz na pumatay at mamatay.

Gustong sisihin ni Armaign ang sarili niya dahil nilagay niya si Drenz sa delikadong sitwasyon na 'yon.

Hindi maikaila ni Armaign na natakot siya matapos maglabas ng baril si Drenz. Natakot siya na baka masaktan ito. Hindi nakita ni Armaign ang pakikibagbarilan ni Drenz sa armadong lalaki. Kaya sa tuwing naririnig niya ang putok ng baril ay akala niya natamaan si Drenz. Gusto niya itong pigilan at hatakin upang magtago kasama nila.

Dumating si Aling Pacita, ang kusinera sa farm, at may dala itong ice popsicles na napakataba at napakahaba. "O, desert! Naku, Armaign paborito mo ito. Lalo na 'yung orange flavor."

"Talaga? Patikim po ako," sabi ni Armaign at kumuha siya ng popsicle.

Tumunog ang phone ni Diana. "Oh, drat! Hinahanap na ako ni Lance! Kailangan ko na umalis," kumuha din si Diana ng ice popsicle, "Aling Pacita, thank you for this! Masarap ang lunch. Apparently, my maid cannot cook as good as you can! Bye, brother! Bye, Armaign!" Nilisan na ni Diana ang hapag-kainan.

"Sabihin niyo pa kung may kailangan kayo. Narito lang ako sa kusina," kinindatan nito si Armaign at saka lumabas.

Isinubo ni Armaign ang popsicle, and continued to reflect.

Dahil sa engkwentrong nangyari kahapon, napwersa si Armaign na aminin sa sarili na may pakialam siya sa binata. The fear she had yesterday was the same fear she had when her father died. It was the thought of losing him that melted her anger away and it confused Armaign so much. Nang yakapin niya ito kahapon, hindi niya maapuhap ang galit sa puso. She thought she felt vulnerable.

Yum! Tama nga si Aling Pacita. Masarap ang orange flavor. She started to slide the popsicle out of her mouth. The serving size was way too generous; she could barely fit the whole thing inside her mouth. Dinilaan niya ang popsicle at nilasap ito. She moaned, and whispered, "Ang sarap!" She slid the thing back to her mouth, and out again.

Lumabas ang totoong nararamdaman niya para kay Drenz sa mga sandaling niyakap niya ito. Hindi ba't vulnerability ay isang senyales ng authentic love? Hindi niya kayang magpakatotoo sa sarili at naiinis siya. Kailan ba siya magiging handa na tanggapin si Drenz at ang relasyon nila?

Due to her annoyance, pinanggigilan niya ang malaki at matigas na popsicle at mabilis na inilabas pasok iyon sa kaniyang bibig.

Maybe she was scared. Sabihin natin na hinayaan niya ang sariling magmahal, pero hanggang kailan iyon? Kahit mapawi ang galit sa puso niya ay palagi niyang maiisip na namatay mag-isa sa ospital ang ama dahil kay Drenz. Kung bibigyan niya ng pagkakataon ang sariling mahalin si Drenz, baka magbago lang ang isip niya sa huli at iwan niya ito sa altar. Iniiisip pa lang niya na masasaktan niya si Drenz ay sapat na upang pigilan ang sariling mahalin nang malaya ang binata.

The ice popsicle clicked in her mouth when she slid it out. She licked the bottom part when the ice dripped down. Sinubo niya ito ulit, and she gagged when she accidentally inserted the whole thing inside her mouth.

She couldn't break off their engagement because she was attracted to the fact that her older self was peaceful and not as hateful as she was; na natuto siyang magpatawad at magsimula ng bagong buhay kasama ang taong kinamumuhian niya.

Perhaps, Armaign wanted to learn how to forgive like her older self. Maybe her older self was trying to show her the right path. Drenz was her future, and Armaign at least had to try to accept it. Their engagement was begging her to face healing—ang tanging bagay na hindi niya magawa noong twenty-one years old siya. Mahirap mag-move on at mas mahirap maging stuck. Armaign was stuck.

Napatingin si Armaign kay Drenz nang bigla nitong nabagsak ang mga cutleries sa plato at nawalan ng imik.

Drenz was flushed. His face was red all over, and his mouth was slightly opened. Kakaiba ang nasa mga mata ni Drenz. Nakita na niya noon ang ekspresyon sa mga mata nito ngayon. Sa kaniyang alaalang nagbalik, ganito rin ang nasa mga mata ng binata nang hilahin ni Armaign ang buhok nito. Pagnanasa. His breathing became deep. He was looking intently at her, particularly at her mouth. Suddenly, he licked his lips and continued to give Armaign that look.

Naiingit ba ito sa kinakain niya? Kumuha si Armaign ng isang ice popsicle at iniabot iyon kay Drenz. "Sigh! Kung gusto mo din nitong kinakain ko, sana humingi ka na lang. Hindi ganiyan na parang ang sama ng tingin mo."

Nanginginig ang kamay na kinuha ni Drenz ang diyaryo at ipinatong iyon sa kandungan nito. Nag-isang linya ang kilay nito at bigla itong pinagpawisan, "Huwag kang kakain niyan kapag may iba kang kasamang lalaki at mas lalong huwag kang kakain niyan kapag hindi ako ang kasama mo. Jeez! Why is it so big? Lagot sa akin si Aling Pacita." Kinuha ni Drenz ang dalawang popsicle at saka iyon tinapon sa bintana.

"Bakit mo tinapon? Sayang! Topak ka talaga!" Piningot niya ito sa tainga. 

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon